Inihatid nga ako ni Daddy sa Caffé. Hindi ko alam pero kinutuban ako ng hindi maganda. Pakiramdam ko may mali. Pagkahatid kasi sakin nito ay walang lingong likod itong nagmaneho sa kung saan man hudyat na nagmamadali.
"Kung ano man yung problema Daddy, please be safe. Kaya niyo po yan." bulong ko sa hangin bago pumasok sa loob.
"Hey mga dzaii!" paunang bati ko sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.
"Hi," Keith answered lazily. "Your 10 minutes late." puna ni ate girl. Hindi ko pa alam name nito.
"Sorry, may kaunting aberya lang sa bahay. Kanina pa kayo?" inosente kong tanong. Napaface palm naman ang dalawa. Ehh?
"Hindi Angel kakarating lang namin. Nakasampung tanaw na kami sa pintuan. Kakaupo lang din namin nag iinit na agad puwetan namin eh. Tss." Keith answered with sarcasm.
"Bakit ka naman tanaw ng tanaw sa pintuan? Nagpa-practice ka magbilang? Parang tanga to. Tsaka hello kung kakaupo mo lang edi ibig sabihin hindi pa mag iinit puwet mo. Eh bakit sayo ang bilis? Ano nilagay mo sa pwet mo?" sunod sunod kong tanong.
Sinamaan lang ako ng tingin ng dalawa. Sabi nga sa mga nababasa ko sa mga aklat at sa Wattpad na kung nakamamatay lang ang tingin malamang patay na ako. Ganoon ang tingin na binibigay ng dalawa.
Naitaas ko na lang ang aking dalawang kamay sa ere na parang nagsasabing 'I surrender' at napatungo. Ang sama nila ano bang kasalanan ko? Tama naman sinabi ko ah.
Maya maya pa, narinig kong tumawa ang babaeng umiiyak kanina at pabirong siniko si Keith.
"Hayaan mo na hindi ko alam kong sinadya o totoo iyon. Intindihin mo nalang at pagpasensyahan," wika nito.
"Naiintindihan ko na ang mga tingin mo sa akin kanina," dagdag pa niya habang nakatingin kay Keith.
Nanatili namang nakapoker face si Keith.
"Anyways, late ka nga ng 10 minutes," ulit ng babae sa akin.
Oo nga alam ko naman. Napaface palm na din ako.
"I know right may wrist watch naman ako. Tsaka marunong naman akong bumasa nito so ayun alam ko and I'm sorry. Umorder na kayo. My treat!" agaran kong saad.
Umaliwalas bigla ang mukha ng dalawa.
"Forgiven!" Keith said.
Tumawa naman si ate girl. Kung umaliwalas ang mukha ng dalawa para namang dinaganan ang dibdib ko ng isang mabigat na bagay nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Kailan pa ako naging galante? Yung pera ko mababawasan, nakakaiyak.
"So what's up? Itutuloy naba natin ang revenge mo girl? But before that let's have formal introduction. If you don't mind?" tanong ni Keith na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"I am Lovaiine Angel Echavez. Love for short pero ayoko na tinatawag ako ng ganoon. I felt akward so yeah, just call me by my second name. Angel," pakilala ko.
Sumunod naman si Keith.
"Allondra Keith Acapulco. Keith nalang itawag niyo sakin". sabi nito.
Ate girl smiled at us.
"I'm glad nakilala ko kayo. I'm Autumn Amber Lopez. You can call me whatever you want. I don't mind." ani niya.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...