Parang may karerang nangyayari sa tibok ng aking puso sa sandaling magtagpo ang aming mga mata. Sa mga sandaling nagkatitigan kami ay nagkaroon ako ng pag asa na baka ako pala talaga ang tinutukoy niya. At hindi ko na napigilang kiligin ng ngumiti ito sa akin bago nagsimulang kumanta. Hindi naman siguro masamang umasa ano?
Di na kayang dalhin ng puso ko
Sana'y marinig sigaw nito
Nagsisikip aking dibdib
Di na makatulog
Sana'y dinggin mo
Kahit ikaw na saking tabi
Parang ako'y di naririnig
O kay sakit
Bakit sayo'y parang bale walaSobrang tahimik ng paligid. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang malamyos na musika, ang malamig niyang boses at ang malakas na pintig ng aking puso.
Hindi ko rin mapigilang mapangite dahil pakiramdam ko kaming dalawa lang ang taong naririto sa mga oras na ito.
Nais kong malaman mo
Nais kong sabihin sayo
Ngunit parang di ko masabi
Nandito lang, di mabigkas saking labi
Ako ba ay iyong nakikita
Ba't parang hindi mo naman marinig
Ika'y iibigin di nalang sasabihin
Mararamdaman mo sa bawat sulyap
At tingin ko sayoHindi ko inalis ang mga tingin ko sa kaniya. Kaya ng maglakad ito pababa ng stage at nagtungo sa direksiyon ko ay gusto kong maihi at mangisay sa kilig.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan dahil sa kaba at kilig na aking nararamdaman. Pinili ko ring magbawi ng tingin ng malapit na ito sa akin dahil baka mabasa niya sa mga tingin ko na nanggigigil na ako at gustong gusto ko na siyang iuwi. Mom and Dad lumalandi na anak niyo.
O, may hangganan ba
Ang kailan ma’y ang paghihintay
Hanggang saan
Hanggang kailan
Ang pagibig ko sana’y maramdamanGustong gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib sa lakas ng tibok nito ng nasa tapat ko na si Elmer.
Akala ko hihinto siya sa tapat ko pero halos malaglag ang panga ko ng lagpasan lang ako nito. Parang binagsakan ako ng langit sa matinding pagkadismaya ng magtuloy tuloy ito ng lakad patungong pintuang tinitigan nito kanina.
Pasalampak kong inihilig ang aking likod sa upuang kinauupuan ko. Samot sari ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Matatawa dahil masyado akong asyumera at may pakilig kilig pa akong nalalaman hindi pala ako o malulungkot dahil nabigo na naman ako. Susmaryosep!
Nakasimangot akong nagbaba ng tingin at uminom ng wine.
“Is there something wrong iha?” rinig kong tanong ni sir Richard.
“Wala naman po sir.” pagkukunwari kong ani.
“Drop that “sir” iha masyado kang pormal. Just call me DaddyLo or PapaLo.” nakangiting saad nito.
“Sige po sir este Daddylo.” sagot ko.
“Kanino pala galing itong regalo po? Sabi mo kasi hindi sa iyo kung ganoon kanino?” nakakunot noong tanong ko habang sinisipat ang box na itim at ang papel na nakaipit roon.
Ngumiti lang ito bilang sagot. Uulitin ko pa sanang itanong dahil baka hindi nito narinig ng bigla itong nagsalita.
“Sa kaniya.” saad niya.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...