Hindi ko alam kong paano ako magrereact at kung ano ang irereact ko sa mga sandaling iyon. Nakatayo lang ako roon na parang tanga. Hindi ko naman alam na totoo pala siya kasi nga akala ko talaga multo. Natakot pa naman ako kahapon tapos totoo pala siya susmaryosep na yan!
Ano naman kayang ginagawa niya rito sa faculty room pinatawag din? Nako, ano naman kayang ginawang kasalanan nito? Tsaka ano rin kayang kasalanan ko? Nagpakabuti naman ako kahapon tsaka ngayon ah maliban nalang sa nalate ako kanina. Wahh ba—
“Aray!” reklamong saad ko bago tiningnan ng masama ang kung sino mang pumitik ng ilong ko.
“Ano bang proble— ah hi sir. Pinatawag mo raw po ako?" curious kong tanong. Kaasar naman tong si sir mamitik ba naman ng ilong close tayo sir? Tss.
Naglakad itong si sir Ace patungo sa kaniyang table. Nakita ko namang tumayo ang lalaki kanina at naglakad patungo sa aking direksiyon. Hindi ko alam pero nandiyan na naman yang pakiramdam na parang gustong lumabas ng aking puso sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog nito.
“Did we meet before? You seem very shocked when you laid that brilliant blue eyes of yours on me.” tanong nito ng makalapit sa akin.
“And aside from that you were so shocked to the point that you called me gwapong guni guni na multo,” natatawa pa nitong sambit habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Pakiramdam ko nanuyo lahat ng pwedeng matuyo sa aking katawan dahil sa ginawa nito lalong lalo na ang pagtitig sa aking mga mata.
“I appreciate you calling me gwapo but guni guni and multo is not true." natatawa pa rin nitong dagdag. Napapahawak pa ito sa kaniyang panga.
“So did we meet already mi—” natigil ang kaniyang pagsasalita ng biglang bumukas ang pintuan at dahil malapit ako roon ay muntik na akong matamaan mabuti nalang at nahigit niya ako papunta sa kaniya kaya heto ako ngayon napayakap sa kaniya.
“Sir pinatawag mo raw ako?” rinig kong saad ng pamilyar na boses sa aking likuran. Tinanggal naman ng lalaki ang pagkakayakap ko sa kaniya kaya napatayo ako ng tuwid. Sayang sarap pa naman yumakap chos! Susmaryosep Angel huwag kang malandi, kalma!
“Axxel!”
“Love!”Sabay naming sambit ng magtama ang aming mga mata.
“Anong ginagawa mo rito?” sabay na naman naming tanong sa isa’t isa.
"Pinatawag ako." sabay rin naming sagot.
Kaya sa huli nagkatawanan kaming lahat na nandoon na pinangunahan ng lalaking akala ko ay multo at guni guni ko lamang.
“So since nandito na kayong dalawa, maupo muna kayo,” saad ni Sir Ace na sinunod naman naming dalawa ni Axxel.
Nanatili lamang nakatayo ang gwapong lalaking at nakatingin sa aming dalawa lalo na kay Axxel. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga mata at nakita ko kung paano umiwas ang lalaki sa titig ni Axxel.
Napaisip naman ako kung anong meron sa dalawa ngunit sa kasamaang palad walang ibang pumasok sa aking isipan kung hindi ang pagkakayakap ko kanina sa lalaki. Susmaryosep!
“Good morning sa inyong dalawa. Mukhang magkakakilala naman na kayo kaya I’ll proceed sa kung ano man ang ipapagawa ko sa inyo.” seryosong saad ni sir Ace.
Taimtim kaming nakikinig ni Axxel. Kanina pa rin ako curios kung anong kasalanan ko at bakit ako pinatawag baka akalain nila Mom and Dad nagbubulakbol ako. Afatay buhay ko nito!
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...