Sabay kaming dalawang naglalakad pabalik ng classroom. Pareho naming bitbit ang dalawang makakapal na libro. Akala ko pa naman naaawa sakin si ma'am, pero bakit pinabitbit sakin 'tong apat na makakapal na libro na ito.
Hindi ko mapigilang sulyapan ang katabi ko. Pasalamat talaga ako at tinulungan ako nito.
"Bakit?" bigla nitong saad habang nakatingin sa daan.
"Gusto mo talagang malaman yung sagot sa katanungan mo?" dagdag pa nito. Napansin pala niya ang pagsulyap sulyap ko rito.
"Ah, wala wala," naiilang kong sabi.
"Sus, well to tell you the truth, hindi ko alam kung bakit kita tinulungan. Naawa siguro ako? Sino bang matinong tao ang hindi tutulong kapag nakita ka nila kanina sa kalagayan mong inaapi? Tsaka hindi ko rin naisip na makipagkaibigan sa iyo pero sige magkaibigan na tayo. I will protect you. Hanggang kasama mo ako, wala ng makakapanakit sayong iba." saad niya sa tonong nangangako.
"Sigurado ka ba riyan? Tingnan mo nga ako hindi ka ba nandidiri? Walang gustong makipagkaibigan sa akin kaya naguguluhan ako sa iyo." sagot ko naman.
"Well, not all people are the same. Tsaka bakit ano bang meron sa mukha mo? Mukha ka namang tao ah." tatawatawang saad niya.
Napanguso ako akala ko ba iba to eh bakit parang iniinsulto naman ako.
"I mean maganda ka naman kapag talagang naayusan ka. Tsaka let's just say na ibahin mo ako sa kanila. I wanna be your friend since sabi mo wala ka non so ngayon meron na at ako yun okay?" mahabang litaniya nito. Tango nalang ang naisagot ko.
"Tsaka I am not really into looks. Pangit ka man o hindi as long as mabait ka okay na okay na sa akin yun." dagdag pa niya.
"Gusto mo talagang maging kaibigan ko? Tingnan mo nga ako tapos tingnan mo sarili mo? Hindi kaba mahihiya kapag magkasama tayo tapos makikita ka nilang kasama ako?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
Hindi ko talaga siya maintindihan o mas magandang sabihin na nanibago talaga ako. Tumango lang siya at binigyan ako ng tipid na ngite.
"Bright pod ka no. Makipag amiga ka sa akoa kay bati kog nawong aron mas maila og makita jud ng imong kagwapa inig mag uban tang duha. Tsk. Tsk." (Matalino ka rin eh no. Nakikipagkaibigan ka sakin kasi ampangit ko para kapag magkasama tayo talagang makikita, mapapansin at titingkad iyang ganda mo. Tsk tsk.) pabiro kong saad na naging dahilan kung bakit pareho kaming natawa.
She's really beautiful kahit bata pa siya. How much more kung dalaga na ito?
Huminto ako sa paglalakad ng nasa harap na kami ng classroom. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at nagpakilala.
"Since gusto mo talaga kako akong maging kaibigan I am Lovaiine Angel Echavez." pagpapakilala ko. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ko at nakangiting nagpakilala.
"Sharra Faxxel Alcantara. Nice meeting you Lovaiine but Love nalang tatawag ko sayo short version ng Lovaiine." sabi pa nito.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
Storie d'amoreLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...