TWO

207 10 0
                                    

"Tamang tama lang pala na hindi tayo nagkasabay te, may prince charming naman pala na dumating." Sabi ni Elle na kasabayan ko lang sa pagpasok.

"Akala ko ba may practice ka?" Sabi ko habang tinatanggal ang hoodie.

"Suspended dahil malakas ulan, pahirapan sumakay." Sabi nito.

"Basang basa ka ate, hinatid ka na daig mo ako na nag-commute." Sabi nito na halatang nagtataka sa ayos ko.

Magtataka ka naman kasi talaga kung nakita mo na sumakay sa kotse tapos basang basa.

"May atraso kasi yun kaya hinatid ako, siya may kasalanan kaya nabasa ako at bilang paghingi ng sorry hinatid ako kumbaga peace offering niya sa akin." Sabi ko rito.

Paano ba naman kasi after sabihin sa akin yung huling statement ay umalis na agad. Hindi ko nga alam if legit ba yun o sadyang gi-no-good time lang ako eh. Or baka sadyang trip niya lang akong pagtripan.

Baka all of sudden, it's a prank.

Jusme, wag ko na isipin. Baka yun ang una't huli namin pagkikita kaya dapat hindi ko na isipin pa ang bagay na yun.

"Bumili ka ng bagong hoodie?"

"Pinasuot niya tapos sinabi niya na akin na lang daw kaya kinuha ko na lang. Sayang." Sabi ki rito.

"Level up na ate," pamang asar na sabi nito.

"Tarantado, hinatid lang level up na agad." Sabi ko.

"Baka may label na yan," sabi ng tila kababa lang na si Ven.

"Tigilan niyo 'ko, pinagtutulungan niyo na naman ako." Sabi ko sa kanila.

"In fairness ate magaling ka pumili, physical look 101 percent talaga. Piloto ba?" Tanong ni Elle.

Malay ko? Hindi naman kami friends para malaman ko kung anong ti-ne-take niya na course.

"Baka ayan na yung relationship goal," sabi ni Ven.

"Sinasabi ko sa inyo tigilan niyo ako dahil hindi ako natutuwa. Issue kayo." Sabi ko kaya nagkatingin sila saka natawa kaya nakatanggap sila ng sabunot sa akin.

Binitawan ko rin kaagad dahil na rin sa gumanti sila kaya napagdesisyunan ko na lang umakyat sa kuwarto dahil alam kung matatalo ako kasi magkakampi sila.

Kailan kaya titila 'tong ulan? Plano ko pa man din bumili ng gamit para sa project since ang ulan ang nakinabang sa pinaghirapan kung project.

Naisipan kung maghiram ng pera kay Ate Yaz dahil alam ko naman na may tinatago 'tong pera kasi matipid siya at nag iipon rin siya para daw sa upcoming future.

Edi sana all may plano sa future.

Ako, malay ko anong plano ko after ko gumraduate. Baka tumambay na lang muna ako tapos hintayin pumuti ang uwak.

Naglakad na ako palabas ng kuwarto ng hindi pa nagbibihis habang iniwan kung nakabukas ang pinto ko.

"Ate," sabi ko habang kinakatok ang kuwarto ni Ate Yaz.

"Uy girl," sabi ni Ate na tila paakyat pa lang.

"Akala ko nandito ka lang. Anyway, puwede pautang." Sabi ko sa kaniya.

"Kailan ka huli umutang sa akin na binayaran mo Ysabella?" Sabi nito habang pinagkrus nito ang braso sa dibdib kaya naman napabuntong hininga ako.

"Ate kapag nagkatrabaho na ako saka kita bayaran. Sa ngayon lista na muna, balikan mo na lang ako after 10 years." Sabi ko rito pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Mali kasi yung word na ginamit mo girl, sabihin mo dapat ate pahingi po kasi wala ng balikan." Sabi nito saka naglakad papasok sa loob ng kuwarto niya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon