ELEVEN

127 9 0
                                    

"May nabanggit ba ako sa inyo na ex flings ko kung saan hindi taga rito. Taga ibang nayon, something like that." Sabi ko pagkapasok ko ng room.

30 minutes pa bago mag umpisa ang klase. Inagahan ko talaga para lang sa lalaki na yun.

Hindi ko talaga siya matandaan, as in hindi niya ako pinatulog. The whole time siya lang iniisip ko. Hindi talaga siya familiar sa akin? Baka nakita niya lang ako sa facebook o baka tropa niya naging ex flings ko tapos naikuwento ako kaya she knows me.

Name lang yun, ikalma mo sistema mo Yla.

"Kadalasan na nireto ko sa'yo ay mula sa college of Engineering and Business, a friend of mine tapos friend ni Jack yung iba." Sabi ni Nics kaya napatango ako.

"Same," sabi ni Jane habang kumakain ng popcorn.

"Bakit? Sa sobrang dami mo atang naka-fling hindi mo na sila matandaan pa. Thankful talaga ako kay Cejay kasi dumating siya. Natigil kalandiaan mo girl, good thing talaga." Sabi ni Nics kaya inirapan ko siya.

Aminado akong marami akong naka-flings pero gago tanda ko pa name nila o kung hindi man tanda ko sila sa mukha. Isa pa nginingitian ko sila everytime na nagkakasalubong kami. Ngiti na nagsasabi na past is past, without awkward feeling. Kapag matured enough ka na hindi mo na gagawin pa na big deal yung gano'n klase ng bagay.

"Hindi ako natutuwa sa inyo, pakyu." Naiinis kung singhal saka naglakad palabas.

"Nandyan na si Ma'am," sigaw ni Nics.

"Iihi ako girl, magpapaalam ako okay?" Sabi ko sa kanila saka tuluyan lumabas.

"Mag-c-cr lang po ako Ma'am," pagpapaalam ko paglapit ni Ma'am.

"Okay," sagot nito kaya naman naglakad na ako papunta sa rest room.

Hindi naman siya malayo, good thing every floor ay may cr kaya hindi ka mapapalayo. Facilities lang ang may kalayuan since nasa iisa lang sila na building. Like, library, computer laboratory basta yung facilities na ginagamit. Nasa bungad sila pagkapasok mo ng school, iyon agad ang makikita mo.

"Hey," gulat ako ng kalabitin ako ni Iris.

Ex siya ni Karl na ex fling, basta ex namin si Karl.

"Yow," bati ko rito.

Hindi kami gano'n ka close pero nag uusap kami at nagbabatian. Parang magkakilala pero hindi gano'n ka close.

"Balita ko nagkabalikan kayo ni Karl, iba talaga kapag marupok." Sabi ko rito.

Oo, malakas loob ko magsabi sa tao na marupok siya kahit hindi siya gano'n ka close. Just to realize her ang katangahan niya. Pasalamat siya hindi ko sinabi na tanga siya kasi binalikan niya yung taong ilang beses siya niloko.

Gosh! Sana wag lang mangyari sa akin.

"Kapag mahal mo babalikan mo," sabi nito kaya napatango na lang ako.

"Good to know, masaya ako para sa inyong dalawa. Excuse lang muna, call of nature pero yung number one lang." Sabi ko saka nagmadali pumasok sa cubicle.

Kanina pa ako naiihi kaso ang daldal niya kaya hinayahan ko na mauna sa akin yung mga nahuli dumating.

Gosh! Ang sarap lang sa feeling makaihi ka.

"So, paano. I have to go, my prof is waiting for me to comeback. See you around." Sabi ko pagkalabas ng cubicle.

Naiinis lang ako sa kaniya kasi marupok siya, hindi naman sa ayaw ko siya maging masaya pero sigurado ako na sa una lang yan at the end iiyak na naman siya kasi break na sila.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon