TWENTY NINE

106 8 0
                                    

"Tulog ka muna," iyon ang bungad na sabi ni Monica pagkasakay ko sa kotse niya.

"Wala talaga kayong driver? Pasensiya ka na at wala akong alam sa pagmamaneho hindi kita mapapalitan sa puwesto mo." Natatawa kung sabi kaya tiningnan ako nito saka nginitian.

"Baliw oks lang, sanay na rin ako atsaka may trust issue kami sa driver Ysa. Manloloko tapos basta dala ng trauma kaya ayaw na kaya ayan pinilit ko aralin pagmamaneho kasi sayang naman 'tong kotse wala ng gagamit. Bigyan sana kita kung marunong ka lang." Sabi nito kaya naman natawa ako.

"Baka prank lang ayoko na lang umasa be,"

"Seryoso nga ako baliw, galante yung parents ko kaya for sure malaki na naipon na points sa langit sa sobrang mapagbigay. Isa pa wala naman gagamit atsaka mapera naman sila kaya wala naman problema sa kanila."

"Auto reject be baka malay mo future ko rin si Cejay kaya may kotse rin ako." Sabi ko rito.

Hindi naman ako seryoso sa sinasabi ko, nagbibiro lang ako.

"Hindi mo sure gago, kampante mamaya may nangyari na comeback kasi natutunan na mahalin." Sabi nito kaya agad ko siya hinampas sa braso.

"Napaka-nega mo, balik na tayo nagtampo na ako tangina mo." Sabi ko rito kaya napailing siya saka natawa.

"Pikon mahinang nilalang," sabi nito kaya nanahimik na lang ako.

"Maiba na nga lang tayo, ano ba course ni Cejay. Naging magjowa na kami lahat lahat wala pa rin akong idea sa course niya." Sabi ko rito.

Hindi ko kasi natanong anong course tine-take niya kasi wala lang. Hindi ko lang trip itanong tapos recently lang tuloy ako na-curious.

"He taking up HRM, actually hindi naman kami block mate kaso nga lang tropa ko rin tropa niya nakakasama ko sa inuman. Oo sige kababae kung tao lasinggera ako." Sabi nito kaya natawa ako.

"Okay lang yan at least napapagkatiwalaan hindi katulad ng iba na pagpapasahan pasahan you know, gang rape uso yun." Sabi ko rito.

"Childhood friend ko mga yun, both parents namin close kaya gano'n din kami."

"Hindi ka naaapektuhan kapag one of the boys ka lang, like alam mo naman mindset ng mga tao. Pokpok kapag one of the boys." Sabi ko rito.

Pinangarap ko noon maging one of the boys pero parang ayaw ni Lord kasi yung ugali kung taglay hindi ata pasok sa standard na maging one of the boys.

"Hindi, pake ko ba sa kanila. Sila nga hindi one of the boys pero buntis agad. Kaya nga binigyan tayo ng sariling buhay para wag makialam sa buhay ng iba." Sabi nito kaya napatango na lang ako.

Tama nga naman siya. Bakit kailangan mo pakialaman ang buhay ng iba kung puwede naman yung buhay mo pakialaman mo.

"Back to the topic tayo, ayun nga kaya nga nag HRM ang lolo mo Cejay ay dahil gusto raw nito maging mahusay na cookerist kaso baliw ata at hindi chef ang kinuha. May plano ata mag aral ulit kung sisipagin siya malay ko sa utak ng isang yun na paiba iba." Sabi nito.

Natawa na lang ako dahil nakakahawa yung pagtawa niya.

"Ang dami niya masyado kuwento kapag napapatambay kami sa kanila o kahit sino sa tropa. Lagi ka niya nababanggit sa amin kaya nga sabi ko ang suwerte mo kasi loyal yung lalaki na napunta sa'yo. Walang bisyo yun bukod sa magmahal, nagkataon lang na nangayari yun at hindi ako sa kaniya galit kasi wala naman siya mali biktima lang din siya ni Alicia. Hindi ko naman masisi si Alicia talaga naman mabait at boyfriend si Cejay kahit gano'n kayo nag umpisa may panindigan yun stick to one yun. Siya nga naiwan sa ere." Sabi nito kaya napatango na lang ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon