THIRTEEN

97 9 0
                                    

"Saan na kayo?" Sabi ko sa mga kaibigan ko na nasa kabilang linya.

We decide to had a triple date sa isang restaurant dahil opening daw.

"Alam niyo ba yung location? Doon na lang tayo mag-meet." Sabi ni Jane.

"Uy, alam mo ba saan located yung restaurant na yun?" Sabi ko kay Cejay na busy sa pagmamaneho.

"Pamilyar siya sa akin, I think I know that place. Why?" Sabi nito na hindi man lang ako pinasadahan ng tingin.

"Sige, kita kits. Ingat." Sabi ko sa kanila saka inend call.

"Deretsyo na raw tayo roon," sabi ko rito kaya tumango siya.

Ang tahimik naman niya. Hayaan mo baka may regla kaya ganyan. Sumandal na lang ako sa bintana.

Nag-commute lang yung apat na yun at kaya siguro sinabi na roon na dumeretsyo kasi syempre naka-kotse kami at siguro nahihiya lang sila sumabay sa amin.

Wala naman hiya mga yun, ang sabihin nila plano talaga nila 'to.

"Are you okay?" Tanong nito sa akin.

Ikaw nga dapat ang tinatanong ko if okay ka lang eh.

"Oo naman, ang tahimik mo kaya tahimik din ako. May dalaw ka ba at tahimik ka? Mukha naman akong tanga kung magsasalita ako rito tapos hindi ka pala interesado." Sabi ko rito natawa siya.

"Hindi naman sa gano'n love. Gusto ko lang masiguro ang safety natin. You can tell a story if you want, pakikinggan kita. Hindi ako magsasawa makinig sa kuwento mo." Sabi nito sa akin.

"Ang corny mo, sabi ko wag ka maging sweet if dalawa lang tayo. Okay lang sa public wag na pati sa private nakakaumay Cejay." Sabi ko kaya natawa siya.

"Mas romantic kaya kapag dalawa lang kayo, mararamdaman mo yung sincerity." Sabi nito kaya napangiti ako.

Kung legit talaga kaso mas lalo lang akong na-i-inlove kapag sweet ka ng tayong dalawa. Putangina Cejay, tigilan mo na yan. Nagiging marupok ako lintek na yan.

Wag mo kasi sa akin iparamdam na special ako para kapag iniwan mo 'ko hindi gano'n ka sakit.

"Ganyan ka ba talaga?" Bigla ko na lang natanong.

"Bakit?" Tila nagtataka nitong sabi.

"Kung kailan na-attach sa'yo iiwan mo, hindi ba puwede na bigyan mo ako ng dahilan para ayawan ka. Kasi sa gingawa mo at pinaparamdam mo nahihirapan ako Cejay. Hindi ko na alam ano ba dapat ko paniwalaan. Cejay... 1 month na lang, wag mo na iparamdam sa akin na special ako kasi mahihirapan ako. Paano kapag nasanay ako tapos... Tapos na rin 'to, gigising ako one day na iiyak kasi nasanay ako sa presence mo. Treat me base on what we have para hindi mahirap i-let go." Sabi ko dahilan para matigil niya ang sasakyan.

"Ayaw mo 'ko mawala, edi same tayo."

"Hindi kasi gano'n yun," sabi ko.

Pero gusto ko sabihin na oo ayaw kita mawala, ayoko na tapusin 'to kasi masaya ako sa kung anong mayroon tayo kahit as a pretending love lang.

"Inaantok ako, pakigising ako kapag nakarating na tayo." Sabi ko saka sumandal sa bintana.

"Sabihin mo lang na mahal mo 'ko, ipaglalaban kita." Iyon ang narinig ko sa kaniya bago niya muli paandarin ang sasakyan.

Nagpapanggap lang naman tayo, wala rin sense kung aamin ako sa'yo na gusto kita. I love you Cejay, pero... Nakakatakot kaya hanggang kaya ko pa itago, gagawin ko alang alang lang sa bumalik tayo sa dati.

Sinimulan ko na ipikit ang mata ko habang dahan dahan sa pagmamaneho si Cejay.

One day, you and I are no longer pretending. No more pretending love.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon