FOURTEEN

93 8 0
                                    

"I miss you," iyon ang bungad na sabi ng ex ni Cejay ng mapansin kami.

"Hi guys, Lianne. Ex ni Cejay." Sabi nito kaya nginitian namin siya.

Kasalanan mo yan self? Bahala ka mag adjust, ikalma mo puso mo.

Nanahimik ka na lang sana.

"Excuse me lang Miss, jowa niya yung katabi niya. Baka uso dumistansya." Sabi ni Nics, malamang hindi nakapagtimpi.

"Oww, sorry." Sabi nito saka tinangggal ang kamay na nakahawak sa braso ni Cejay.

Umupo na ako saka nginitian ang waiter na isa isa nilalapag ang inorder namin.

"You guys are on triple date, wow! Nice it's good to see you." Sabi nito na halatang napilitan.

"Excuse me Lianne, gutom ako baka puwede ka umusog. Puwede naman sa labas mag usap." Naiinis kung singhal.

Nakasandal kasi sa sandalan ng upuan kaya tumatama yung puwet niya sa braso ko, hindi tuloy ako makakain ng maayos.

"Mag usap na kayo sa labas," sabi ko dahil naramdaman ko na nakatingin sa akin Cejay.

Humingi pa talaga ng permiso.

"Babalik ako," sabi nito saka ginulo ang buhok ko at naglakad palabas.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala na end of the good mood. Gusto ko na umuwi, nasira na araw ko.

"Gago pumayag ka mag usap sila?" Sabi ni Nics.

Nag umpisa na ako kumain, infairness ang sarap ng food nila rito.

"Bakit hindi?" Pambabara ko.

Isa pa, nagpapanggap lang kami. Sabi sa rules okay lang makipag usap as long as hindi kami nag-cheat. Hindi naman siya lumabag sa rules, atsaka isa pa ayos na yun at least alam ko na kapag natapos 'to nandyan ex niya na puwede niya balikan. Depende kung mahal pa niya 'to. Anong malay ko? Basta ako, ginagawa ko lang yung part ko.

"Ibang klase ka ata na jowa, hindi ka ba natatakot na baka magbalikan sila. Gago, masakit yun." Sabi ni Jane.

"Kumalma nga kayo, parang mas jowa pa kayo kaysa sa akin ha? Hayaan mo sila mag usap. After all may pinagsamahan sila, atsaka isa pa nauna yun. Kung balikan man ni Cejay yun edi balikan." Sabi ko sa kaniya.

Nararamdaman ko naman na may comeback na nagaganap. Maybe after ng fake relationship na 'to, malalaman ko sila na ulit. Ganyan sila karupok.

"Tarantado ka ba? Isusuko mo yung taong mahal mo? Aba! Ibang klase 'to." Sabi ni Jane with matching sabunot.

"Alam niyo ikalma niyo sistema niyo, first of all hindi ko siya pag aari. May puso siya at isip kung saan puwede niya piliin ang gusto niya, pangalawa wala na akong magagawa kung bibitaw siya. Walang saysay ang pagkapit ko kung yung tao na hinahawakan ko may hinahawakan na iba at ang pang huli, matuto tayong tumanggap ng pagkatalo. Kapag iniwan tayo baka hindi para sa atin, matuto tayong bitawan yung tao baka malay mo mas worth it pala yung darating. It takes time guys. Kumain na kayo kung ayaw niyo kumain ayos lang, basta magpakain kayo." Sabi ko saka tuloy tuloy sa pagkain.

Mas na-i-stress pa kaysa sa akin, hindi ko na nga ini-stress sarili ko kasi nakakapangit tapos sila na pangit ini-stress pa edi mas lalo pumangit. Joke lang, mahal na mahal ko 'tong dalawa na 'to.

See? They protect me, they avoid me on hurting. I love them, buti pa sila iniiwas ako sa sakit habang si Cejay nilalapit ako sa sakit. Mapanakit talaga.

Natapos na ako nung bumalik si Cejay, sinadya ko talaga magmadali kasi trip ko lang.

"Thank you for allowing me to had a conversation to Cejay," sabi ni Lianne kaya nginitian ko siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon