EIGHTEEN

98 10 0
                                    

"Lintik, galing niya pre." Sabi sa akin ni Jayson.

"Sino pre?" Tanong ni Ed na kakapasok lang.

"Ano yan? Chicks pre." Sabi naman ni James na matinik sa chicks.

"Ano ba kasi yan? Trending na naman siya." Sabi ko sa kanila.

Chismoso masyado, updated palagi sa kung anong trending. Hindi nahuhuli sa balita, ibang klase talaga.

"Hindi niyo type," sabi ni Jayson kaya napatingin ako sa kanila.

"Auto pass, magaling yan makipag-fling halatang sanay na sanay. Marupok ako, madali akong ma-attach ekis muna sa heart breaks. Sad boy pa ako dahil hindi pa nakaka-move on ng malala." Sabi Adrian kaya natawa kami.

Sinabihan kasi namin na baka gawin lang siya na rebound ayaw makinig. Edi ayan, iyak iyak panay share akala mo babalikan siya. Tanga masyado. Ex yung mahal kaya binalikan habang ikaw iniwan kasi tapos na pakinabangan.

"Sa'yo na lang Cejay, sa kabilang school lang nag aaral. Dean lister pero pre, ingat baka mabiktima ka. Unahan mo na para hindi ikaw matalo." Sabi sa akin ni Jayson kaya hinablot ko ang phone niya.

She's indeed pretty, mukhang angelic ang mukha niya tapos mukha rin mataray sa unang tingin mo maybe sa picture lang.

"Anong year and course?" Tanong ko.

"Bigla na lang naging interesado," sabi ni Ray saka ako nito inakbayan.

"May naisip na 'ko pero exclusively para sa akin lang," sabi ko pa.

I just want to offer her a relationship that we called pretending love. Simple lang, magpapanggap ka lang na mahal namin isa't isa.

"20, tourism student." Sagot ni Ed kaya tinanguan ko siya.

The first time I saw her, tumibok yung puso ko. Akala ko hindi totoo ang love at first sight pero na-experience ko siya nung moment na makita ko siya.

Maganda na siya sa picture pero mas maganda siya sa personal at sobrang angelic ng mukha pero bakas ang pagiging matatag nito.

Pumayag siya sa deal, liligawan ko naman siya kaso gusto ko pa siya mas makilala.

""Bakit ayaw mo sa commitment?" Tanong ko.

Malay mo may mapala tayo na matinong sagot.

"Mas masaya ang walang label, walang bawal, less heart breaks and drama." Sagot nito na walang kahirap hirap.

So... After nitong pretending back to fling siya kasi ayon sa kaniya ayaw niya sa drama dahil masaya naman ang walang label.

Tama naman siya pero bawal ka mag demand kasi isusumbat sa'yo yung salitang may label ba tayo? Iyon ang masakit sa lahat.

"Sigurado ka ba na mahal ka?" Bigla kung tanong.

Ako kasi, mahal kita kaagad. Hindi lang ako sigurado dahil mahal ko pa ex ko, once na nawala na 'to sasabihin ko kaagad sa'yo habang hindi pa huli ang lahat.

"Hindi, kaya kung gusto nila ako iwan ayos lang. Ihatid ko pa sila eh. Ilang beses naman na ako na-ghost, how many times ko na halos na-encounter pero ayos lang. Wala naman akong pake as long as masaya ako." Sabi nito habang nakatingin lang sa akin.

Ibang klase 'tong babae na 'to. Iba ang mindset, masyadong malaki ang tiwala sa sarili. Hindi ata uso ang salitang talo sa kaniya.

"Bakit ikaw?" Tanong nito sa akin ng hindi ako kumibo.

"She left me," sabi ko kaya napaayos siya ng pagkakaupo saka sumandal habang seryosong nakatingin sa akin.

Ang ganda lang niya panoorin.

"Ikaw, naiwan. Astig." Sabi nito na hindi makapaniwala.

Grabe! Porket lalaki ako ay hindi na ako puwede iwan. Oo, madalas lalaki ang nang iiwan pero hindi lahat.

"Grabe ka, ugali mo na siguro ata ang mag judge without knowing the whole story. Katulad na lang nung plastik kanina." Sabi ko kaya napairap siya.

Mood swing, hindi taglay ang patience na ugali. Grabe, hirap niya ata i-handle pero sabi nila kapag mahal mo mauunawaan mo.

"Hinusgahan mo rin naman ako pero hindi ako nagalit." Sabi nito sa akin kaya natawa 'ko.

Saan part ko siya hinusgahan? Sa anong paraan ba yun? Wala akong matandaan.

"Iba naman yun,"

"Magkapareho lang yun, parehas na panghuhusga." Sabi nito saka ako iniripan.

Tinawag ang number namin para i-claim ang order kaya kinuha ko 'to at sakto naman nag open siya ng topic pagdating ko.

"Ikaw ba?" Tanong niya na na-gets ko rin naman kalaunan.

"Matapang ako kaya sumusugal ako," sabi ko kaya tumango siya.

"Wews," sabi nito sabay irap bago nag umpisa kumain.

Sa araw araw ko siya nakakasama, mas lalo ko siyang nakikilala. Mas lalo mo siya ma-a-appreciate as in, mabait siya pero hindi siya showy. She care a lot hindi lang halata pero mararamdaman mo talaga. She's also nice mukha lang talaga siya maldita.

Hanggang sa dumating sa point na ipapakilala ko na siya sa parents ko, Ate Cheska, My Mom and Dad approve kasi sobrang nice niya raw. Hindi mo raw makikitaan ng kaartehan at maganda raw ang pagpapalaki sa kaniya.

"Paano mo nakilala si Ysabella nak," sabi ni Mama pagkapasok sa kuwarto ko.

Naabutan niya akong nakaupo sa kama habang nakatutok sa cellphone.

"Sa mga kaibigan ko po Mom, how was it po? Is she okay po?" Tanong ko.

Malay ko ba kung nagbago na yung tingin nila sa kaniya. Baka kanina nice tapos ngayon hindi na pala.

"Magandang role model ang katulad niya, siya yung klase ng tao na brave pero soft hearted." Sabi ni Mama kaya napangiti ako.

Same thoughts Mom, she look brave outside but she's soft hearted.

Nasanay na lang siya na gano'n ipakita kasi yun ang tingin ng tao. Hindi ba puwede na wag siya dumepende sa kung anong gusto ng nakapaligid sa kaniya.

Buhay niya yun at desisyon niya yun, matuto naman siya dumepende sa sarili niya.

"I want to meet her again, gusto ko pa siya mas makilala okay? Asahan ko yan. Goodnight anak." Sabi nito kaya hinalikan ko siya sa noo.

"Love you Ma, dadalhin ko siya rito." Sabi ko rito kaya hinalikan ako sa pisnge ni Mama.

Dadalhin ko siya rito kapag real na real at walang halong pagpapanggap.

Na-realize ko na sa sobrang pagpapanggap namin inaakala na siguro niya na pagpapanggap pa rin yung care at sinasabi ko which is hindi. Lahat ng sinasabi at pinaparamdam ko totoo, walang halong pagpapanggap yun.

The next day mas naging close kami. Sinabi ko na mag-date para lang makasama ko siya.

"Paano kapag one day bumalik ex mo? Bibigyan mo pa ba ng chance?" Nakangiting tanong nito.

Edi bumalik siya, hindi ko naman pag aari ang Pilipinas para pigilan ang pagdating niya. Welcome siya pero hindi na siya welcome kasi may bago ng nagpapatibok sa akin. Nasa harapan ko na nga siya.

"Edi welcome to the Philippines," sabi ko saka hinawakan ang kamay ko na kinagulat nito.

Cute.

"Gago ka," sabi nito saka kinuha ang kamay niya na hinawakan ko.

Ayaw na kita bitawan.

"Bakit? Welcome naman talaga siya." Sabi ko rito saka nag umpisa sa pagkain.

Tiningnan ako nito ng seryoso saka nagsalita.

"Baka comeback, sabihan mo ako kapag nakipagbalikan ka para hindi ako umasa. Masakit kasi umasa sa wala." Sabi nito kaya natulala ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon