TWENTY ONE

91 8 0
                                    

"Hi, can we talk?" Nasa gitna ako ng pamimili ng snack ng marinig ko ang familiar na boses kaya natigil ako sa paghahanap ng mabibili saka siya hinarap.

"Hello, sure. Long time no see nga pala Lianne." Nakangiti kung sabi kaya nginitian niya rin ako.

"Picnic? Swimming?" Sabi nito habang nakatingin sa dala dala ko na puro snacks.

"Movie marathon, katamad gumala o umalis sa bahay. Patayan kasi sa pagpapasa ng school works." Sabi ko rito kaya tumango siya.

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako? Baka co-incidence lang siguro." Sabi ko pa.

Hindi naman kami close para malaman niya kung nasaan akong lupalop. Baka nagkataon lang na nakita niya 'ko.

"I think tadhana, anyway wala ka ba kasama?"

"Wala, gusto ko lang mapag isa for a while." Sabi ko saka pinagpatuloy ang pamimili.

"Ikaw ba?" Balik tanong ko ng maramdaman na hindi siya kumibo.

"Driver ko pero nasa labas, anyway where is Cejay?" Tanong nito kaya napabuntong hininga ako.

May practice kasi ang isang yun kaya hindi ko na lang inaya, nagsabi naman ako na pupunta ako sa Supermarket at sinabihan ko na kung gusto niya makipagkita mag-chat siya para masabi ko kung nasaan ako.

"Nasa school may practice," sagot ko.

Tiningnan ko if okay na 'to.

"Bakit ka pala bumalik? Siguro plano mo kunin si Cejay kaso hawak na siya ng iba. Alam ko naman Lianne si Cejay ang pinunta mo. Pasensiya ka na kasi ako yung nandito noong panahon na iniwan mo siya, alam mo ba na masakit maiwan tapos hindi mo alam anong mali." Sabi ko rito.

Ilang beses ata akong na-ghost kaya alam ko kung anong feeling ng maiwan. Oo siguro hindi yun seryoso pero yung maiwan ka ng hindi mo alam ang dahilan ay isa sa pinaka masakit na part. Araw araw mo na lang iisipin kung saan ka ba nagkulang? Anong mali? Bakit ang dali mo iwanan? Nakakatangina lang kasi tapos kung kailan okay ka na kasi naghilom ka na bigla ka na lang nila babalikan. Ganyan kayo eh. Kampante kayo iwan yun tao kasi akala niyo bibigyan kayo ng chance, ulol.

"I know Ysabella, wala akong plano agawin o balikan si Cejay kasi alam ko naman na kahit pretending love yun alam kung mahal ka niya. Pretending lang yung set up pero yung feelings totoo. Sino ba naman hindi magkakagusto sa isang Ysabella Montivilla, maganda, matalino, walang kaarte arte, matapang at higit sa lahat matatag. Mukha ka lang mataray pero sobrang bait tapos solid ka rin mag alaga. Isa sa mga tropa ko ang nakapagsabi. Naka-flirt mo yun, first time niya lang gawin yun. Ang sarap mo raw kausap hindi ka nauubusan ng topic tapos sa personal ang approachable mo raw. Ikaw raw yung taong madaldal sa chat mas madaldal sa personal. Ang galing lang daw na hindi ka nahihiya ipakita totoong ugali mo. Iyon siguro ang isa sa mga bagay na wala ako siguro lakas ng loob, lakas ng loob kung saan masabi ko ang totoo. Mahal na mahal ko si Cejay pero iniwan ko siya kasi akala mo may babalikan pa 'ko." Sabi nito habang naiiyak kaya niyakap ko siya.

"Tahan na girl, you deserves someone better." Sabi ko.

"Ysabella," tawag nito sa akin kaya napangiti ako.

Tinapos ko muna ang pamimili ko habang si Lianne naman ay lumabas at doon na lang niya raw ako hihintayin habang nag-wi-window shopping siya.

Actually Lianne is a nice person, sadyang may mga tao na mataray ang presence kasi hindi mo kilala. Like me, palagi na lang ang impression mataray or masungit pero kapag nakasundo mo okay naman ako. May tao naman na nakakasundo mo kahit first time niyo lang nag-meet hindi yun kaplastikan, normal lang yun sa taong approachable. May ilan naman nakadepende sa taong kaharap, aba gano'n din ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon