TWENTY SIX

95 8 0
                                    

"Gago natatae ako be," sabi ko rito.

Bigla na lang ako nitong hinawakan ng mahigpit sa kamay.

"Nandito na tayo kaya wag ka na umatras, ayaw namin na maging miserable ka."

"Ang OA ng miserable Monica," pagtataray ko.

Grabehan sa magiging miserable hindi ba puwede na marami lang katanungan.

"Nandyan siya, nahuli ko siya riyan one time. Please... Please... Ysabella... Be brave, you will now face the truth." Sabi nito sa akin bago ako iwan mag isa kaya wala akong choice.

Bumuntong hininga muna ako bago nag-doorbell.

"Kaya mo yan Yla, matapang ka." Sabi ko sa sarili ko habang hinihintay na pagbuksan ako.

"Wait lang po," sigaw ng boses babae.

Tatlong beses pa ako bumuntong hininga, sakto naman ang pagbukas nito sa gate.

"Alicia..." Mahina kung sambit.

Gulat ang reaksyon nito kaya bigla siya napayuko.

"Sinong bisita mo?" Natameme ako ng marinig ang boses ni Cejay na halatang papunta rito.

"Ysabella..." Sambit nito.

"Wait lang, wait lang. Sabi ko sa kanila.

Akmang lalapit si Cejay ng pigilan ko siya.

"Cejay... Please... Wag ka lumapit sa akin, wag mo akong lapitan." Sabi ko saka malalim na bumuntong hininga.

"Sorry Ysabella, sorry... Kasalan ko 'to dapat naging aware ako sa magiging resulta. Sorry... Sana maibalik ko pa ang kahapon para sana hindi ka nasasaktan. Sorry." Naiiyak na sabi ni Alicia.

"Cejay, sinabihan kita kung may plano ka balikan si Lianne sabihan mo ako para hindi ako umaasa. Sana man lang nung gabi na nakipaghiwalay ka sa akin sinabi mo sa akin na may iba para hindi ko man lang tinanong yung sarili ko kung saan ba ako nagkulang. Buong araw, buong araw ko tinatanong ang sarili ko kung saan ba ako nagkulang. Kung bakit ang dali nila akong iwan? Bakit gano'n ka Cejay? Bakit ang duwag mo, sana sinabi mo sa akin yung totoong rason para ng sa gano'n alam ko. Edi sana hindi ako naghahabol Cejay. Tangina kasi eh. Binigyan mo ako ng pag asa para umasa. Ang masakit lang sa lahat ay bigla ka dumating tapos bigla ka rin mang iiwan. Kung kailan ako nasanay na nandyan ka kung kailan mahal na kita at kung kailan ako nagseryoso roon naman ako iiwan. Karma ba 'to Lord kasi kung oo salamat po. Natuto na po ako, sana wala ng part 2." Naiiyak kung sabi.

"Cejay, sinabihan kita. Nasa pretending pa lang tayo sinabi ko na sa'yo. What happen? Anong mahirap sa sabihin mo na may iba na at hindi na ako." Sabi ko rito dahilan para mas maiyak ako.

"Dalawang araw ako naghintay ng paliwanag Cejay kaso wala akong natanggap buti na lang at may care mga kaibigan mo sa akin at sila na mismo ang tumulong sa akin para malaman ko ang totoo. Inaasahan ko sana na sa'yo mismo manggaling pero hinayahan mo ako na sa iba ko pa malaman."

"Buntis si Alicia hindi ko naman 'to ginusto pero nangyari na kaya wala na akong magawa kung hindi ang panagutan siya. It happens 2 weeks ago, nalaman ko lang siya accidentally. Sinabihan ako ni Alicia na kahit wag ko na panagutan pero hindi ako tarantado para iwan sila sa ere anak ko rin siya kahit aksidente lang ang nangyari." Naiiyak nitong sabi.

"It's fine Cejay, naiintindihan ko. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit kailangan mo pa sabihin sa akin yun kung puwede mo naman deretsyong sabihin sa akin ang rason. Bibitawan naman kita kung alam ko na valid yung rason mo. Pero hindi mo sinabi sa akin basta mo na lang akong iniwan, nagpaalam ka nga pero para din biglaan. Remember? When the first time we met, it was a accident. Tapos nagsimula lahat as in Cejay. Ikaw yung lalaki na napapayag ako sa isang relasyon, ikaw yung lalaking unang nag alok sa akin na napapayag ako. Iba yung impact na dala mo noong nagkakilala tayo noong nasa pretending stage tayo. Akala natin pretending love lang yun hindi natin alam na totoo na pala hindi lang natin maamin sa bawat isa." Sabi ko saka sila nginitian.

"Puwede mo naman siya kunin sa akin Ysabella, ikaw yung nauna, ikaw yung pinili, ikaw yung mahal--"

"Pero hindi ang wakas," pagputol ko sa sinabi nito.

Oo, ako nga yung pinili, ako yung mahal pero hindi ako yung wakas at never magiging wakas. Gusto ko sana sumbatan si Alicia pero wag na lang. Si Lord bahala sa akin.

"I'm happy for the two of you, mukha naman matutunan ka mahalin ni Cejay. Kababata mo naman yan alam ko naman mas maalagaan mo siya kaysa sa akin. Yung baby niyo pakiingatan, dapat ninang ako ha? Wag niyo ako kakalimutan i-invite sa kasal. Sigurado naman ako na naka-move on na ako that time. Cejay, I'm breaking up with you. Alicia, pinapaubaya ko na sa'yo si Cejay pakiingatan yan. Alam ko naman mamahalin mo siya kaya kampante akong iwan siya sa'yo. Wag mo hahayaan na magkaroon ka ng kahati sa kaniya pati sa baby. Lumaki sana malusog ang baby niyo. Cejay, naniniwala akong matutunan mo rin mahalin si Alicia. Alagaan mo si Alicia, bawal ma-stress ang buntis kaya dapat good boy ka. Mag aral ka pa rin para mas maganda yung future na nakaabang. Ga-graduate ka na kaya advance congrats." Sabi ko saka niyakap si Alicia.

"Mali ka sa part na pinilit mo pero it's fine ikaw pa rin ang wakas, sa'yo pa rin ang ending point." Sabi ko kay Alicia.

"Soon to be ninang baby," sabi ko habang hinahaplos ang tiyan nito.

"I love you, salamat kasi naging lesson ka. Lesson na nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang isang tao habang hawak mo pa sila. Lesson na hindi dahil mahal mo ay puwede na at lesson na matuto tayong i-let go yung taong alam natin hindi naman talaga para sa atin. Salamat Cejay kasi dumating ka sa buhay ko. Marami akong bagay na natutunan nung dumating ka isa na roon ang huwag gawin taking for granted ang mga tao. Learn to value them kung gusto mo na pahalagahan nila tayo. I love you, I still love you pero siguro baka hanggang dito na lang talaga tayo. Hanggang sa huli natin pagkikita. Paalam..." Naiiyak kung sabi saka naglakad palayo sa kanila.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon