NINETEEN

91 8 0
                                    

"Ate si Kuya Cejay nasa labas," sabi ni Ven na kakauwi lang.

"Ah sige," sabi ko rito.

Hindi pa kasi ako handa makipag usap eh, gusto ko ng space. Gusto ko muna mag isip at simulan ang pag-mo-move on.

Hindi ko alam bakit umabot kami sa ganitong point, hindi ko alam anong mali? Maling panahon ba? Maling tao o baka hindi talaga puwede.

"Ate, walang mangyayari sa pag iwas mo. Pinapahirapan mo lang sarili mo." Sabi ni Elle na nakasandal sa pintuan ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sanay naman ako i-ghost Elle, ilang beses ata akong naiwan tapos wala akong ginawa hinayaan ko lang. Alam niyo yan kasi sinasabi ko yun sa inyo. Lagi niyo nga ako pinagsasabihan eh. Umaasa ako na baka katulad nung mga lalaki na yun iwan din ako ni Cejay. Puwede naman niya ako iwan. In the first place we're just pretending. Wala naman mawawala sa amin kung tatapusin namin 'to. This time, masasaktan ako pero wala akong plano maghabol." Sabi ko sa kaniya.

Buo na desisyon ko, gusto ko sabihin sa kaniya na tapusin na namin 'to. Hindi ko na kasi kaya pa tumagal sa tangina pagpapanggap na yan. Mag-pe-pretend lang naman kami tapos all of sudden true na feelings. Pretending love hindi true love ang usapan.

"Ate kausapin mo, kailangan niyo mag usap okay? Nandito lang kami." Sabi nito sa akin bago naglakad paalis.

Tatlong beses pa ako bumuntong hininga bago naglakad pababa.

Wala akong naabutan sa sala kaya dumeretsyo na agad ako naglakad palabas. Naabutan ko siya roon na nakasandal sa kotse niya habang nililibot ang tingin.

"Iniiwasan mo ba ako? Bakit kailangan mo akong iwasan." Seryoso nitong sabi habang seryoso nakatingin sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Baliw sinasabi mo, gagi alam mo naman na busy ako sa school works. Lumalandi ako pero hindi ibig sabihin pabaya ako sa grade ko. Ga-graduate akong dean lister itaga mo yan sa bato." Sabi ko sa kaniya.

Hindi siya tanga para hindi niya maramdaman na iniiwasan ko siya.

Obvious naman yung pag iwas ko sa kaniya kaya alam kung itatanong niya yan sa akin. Hinanda ko na sarili ko para sa mga possible na mangyari.

"Kamusta? Sobrang busy mo rin ata. Wala na tayong oras para sa isa't isa. Hayaan mo nauunawaan ko naman yun." Natatawa kung sabi.

Madalas ko kasi makita na school works ang nasa my day niya. Hindi na rin kami gano'n nakakalabas.

Aayain niya naman ako tatanggihan ko, lagi kung rason na school works.

Hindi ako tambay sa social media kung saan 24/7 updated ako. Kung hindi ako tinatawagan ni Jane at Nics hindi ko malalaman na lumalabas si Lianne at Cejay. As in wala akong alam, hindi rin naman ako interesado.

"Ayaw mo na ba?" Tanong nito kaya napabuntong hininga ako.

"Gusto ko pa pero kasi..." Naiiyak kung sabi.

"Kasi Cejay, bumalik na siya. Bumalik na yung tao na para talaga sa'yo. Alam mo yun ang sakit kasi eh. Ako naman nandito pero hindi ako yung kailangan mo, noong panahon na yun nasa tabi mo ako. Cejay... Magpakatotoo ka naman sa akin. Sabihin mo naman sa akin para alam ko kung saan ako lulugar, mahirap umasa sa wala. Lintek kasi na mix signal na yan bakit pa kasi naimbento. Puwede ba maging malinaw kayo sa intensyon niyo kasi naguguluhan na 'ko." Naiiyak kung sabi kaya naman niyakap niya ako.

"Lumalabas kami ni Lianne para sa formal closure, nakikita kami ng kaibigan mo at alam ko na sa kanila nagmula yung source. Gusto kita kausapin pero iniiwasan mo 'ko, ramdam ko yung panlalamig mo sa akin at nasasaktan ako. Oo mahal ko si Lianne noon yun nung wala ka pa pero Ysabella ikaw na yung mahal ko ngayon. Inaya kita sa isang pagpapanggap ng sa gano'n ma-realize mo na may taong mamahalin ka, gusto ko matutunan mo na hindi lahat ng lalaki sa mundo ay pare pareho. Hindi mo puwede husgahan ang isang bagay dahil lang sa mali yung first impression mo. Kumbaga sa isang produkto, hindi dahil pangit yung nabili mo ibig sabihin automatic na lahat pangit. Learn to discover difference things. Hindi rin mix signal yun totoo yun pero hindi ko alam na may manhid side ka pala." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko saka niya 'to hinalikan.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon