TWENTY TWO

86 8 0
                                    

"Dapat na ba ako kabahan? Baka sign na 'to na katulad mo team sawi rin ako. Baka gumawa si Universe ng way para paghiwalayin din kami. Aba! Grabe ka naman Lord." Sabi ko sa pabirong paraan para hindi nito mahalata ang selos na nararamdaman ko.

Seryoso, nagseselos ako. Lalo na nung sinabi niya sa akin yun. Parang may tinik sa lalamunan ko na mahirap mawala kaya nasasaktan ako.

"I just want to inform you girl, akala ko kasi alam mo. Pero naisip ko na bago lang pala naging kayo baka hindi pa nito nababanggit sa'yo." Sabi nito saka nag umpisa kumain kaya gano'n din ako.

"Egul, late comers na naman ako. Grabe ka na talaga Universe." Nagkatinginan kami ni Lianne ng marinig namin ang nagsasalita.

Nandito lang sila sa malapit.

"Alam mo naman hindi puwede mangyari yung gusto mo, aba tropa walang talo talo." Sabi ni Cejay kaya napahinga ako ng malalim.

"Shh girl," sabi sa akin ni Lianne habang nakasenyas pa.

"Wag ka maingay, malalaman niya magkasama tayo. Hindi naman yun maghihinala sa akin kasi alam niya mahilig ako lumabas. Wag ka lilingon no matter what happen." Sabi nito kaya tinanguan ko siya.

Nakakamatay ba kung lilingon ako? Atsaka excuse me, boyfriend ko naman siya kaya may karapatan ako.

Buwisit talaga na lalaki 'to sabi ko sa tropa na lalaki hindi sa kababata niya na may gusto sa kaniya. Nilalapit niya lalo sarili niya roon sa taong may gusto sa kaniya, na-fall hindi naman sinalo kasi may sinalong iba habang itong si Ate Girl sige pa rin, kaya nasasaktan kasi hinahayaan lang.

Simple bagay ginagawa nitong kumplikado.

"Lianne, hi." Boses 'to nung kababata ni Cejay.

Ano nga ulit name niya? Aliah? Alice? Alicia? Ayun, tama Alicia nga.

"Hello Alicia, it's nice to see you." Sabi nito kaya naman tumayo si Lianne para siguro makipagbeso samantalang ako tuloy tuloy lang sa pagkain.

This is an awkward scene. The past, the past and the present. Past na may gusto, past na minahal tapos present na mahal. Gosh! Bakit kailangan mapunta ako sa ganitong klase ng sitwasyon. Gusto ko lang naman ng alone time with myself.

Why naman gano'n?

"Jay, si Lianne nandito at may kasama rin. Who's with you ba? Ipakilala mo naman." Sabi ni Alicia kaya napabuntong hininga muna ako bago tumayo.

"Ysabella," sabi ko pagkalingon sabay abot ng kamay ko.

Bakas ang gulat sa mukha ni Cejay ng makita ako.

"Babe," usal nito kaya nginitian ko siya.

"Nice meeting you Ysabella," sabi nito saka nakipag-shake hands sabay ngiti.

Wag mo lang agawin sa akin si Cejay, mabubuntal talaga kita. Kalmado pa ako rito.

"Akala ko ba may ka-meet ka," sabi ni Cejay.

"Bakit? Tingin mo hindi siya tao. Let's go." Sabi ko saka hinila si Lianne.

Naririnig ko pa ang pagtawag ni Cejay sa pangalan ko pero hindi ko na lang pinansin pa.

"What?" Sabi ni Lianne sabay bitaw sa pagkakahawak.

Napahinga ako ng malalim ng ma-realize na malayo na pala kami sa kanila.

"What are you think you are doing? Bakit kailangan mo umiwas? Hello, ikaw yung girlfriend. Kailangan mo ipaglaban ang karapatan mo, duwag ka ba." Tila naiinis nitong singhal kaya napaupo ako.

"Hindi duwag ang umiiwas Lianne, ayaw ko lang ng gulo. Ayaw ko lang gumawa ng eksena. Ayaw ko lang may mapahiya atsaka tayo ang magkasama habang sila ang magkasama. Hindi na nga tayo nakapag usap dahil lagi na lang may extra. Dalian mo kaya 'di ba? Baka nakakalimutan mo may pamilya pa na naghihintay sa pagdating ko." Sabi ko rito saka siya tinarayan.

Umupo 'to sa tabi ko.

"Edi ibig sabihin hindi ako duwag nung hindi ko sinabi ang totoong dahilan bakit ko siya iniwan?" Sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya sandali saka binalik ang tingin sa kalsada.

Nandito kami sa may fountain nakaupo katulad ng ilan na nakaupo habang nag uusap.

"Naging duwag lang ako kasi ayaw ko siya saktan,"

"Sa part pa lang na iniwan mo siya, sinaktan mo na siya. Sabihin mo man yung totoo o hindi ay wala rin sense kasi iniwan mo na siya. Dapat sana naisip mo muna yung mararamdaman niya lalo na kung ayaw mo rin naman makita siya na hawak ng iba. Alam mo yung masakit na part, you build your man into someone else. Kumbaga pinatino mo siya, minahal mo ng todo todo tapos parang binigay mo lang siya sa isang tao at ako yung tao na yun." Sabi ko rito.

"Kaya sana wag mo hayaan na mapunta siya sa iba, baka nga tama ka I build him for someone else na mas better kaysa sa akin."

"No Lianne, hindi yan totoo. You are better enough pero hindi kayo nakatadhana. You both are deserve someone better." Sabi ko rito.

Kung kaibigan ko 'to yung tipo talaga na close ko siya, sinabunutan ko na dahil masyado dina-down ang sarili.

Pasampal nga ako para ma-realize mo halaga mo. Baka sakali ma-realize mo better person ka.

"Hindi dahil iniwan tayo, niloko tayo o kaya naghiwalay kayo hindi ka na better person hindi yun gano'n Lianne. Listen! May mga tao kasi kung saan hindi talaga para sa atin kaya kailangan natin sila palayain para mahanap yung totoong saya." Sabi ko rito.

Minsan iniisip ko na lang sinasapian ata ako ni Elle sa pagiging advicer, saan ko ba napupulot 'tong mga word of wisdom ko. Tumatayo balahibo ko sa mga words na binabanggit ko.

"Mangako ka sa akin Ysabella na hindi mo hahayaan na managyari yung nangyari sa amin, wag mo hahayaan na bubuuin mo lang siya into better person tapos sa iba siya mapupunta. Feel ko na kayo ang para sa isa't isa, pagsubok lang yan alam ko naman malalagpasan niyo yan. Alam ko at naniniwala ako sa humor ko na ikaw yung klase ng taong nagmamahal na kung anong sa'yo ay ipaglalaban mo kaya naniniwala akong sa'yo ang huling baraha. Kayo pa rin ang magiging ending point ng love story na 'to." Sabi niya sa akin kaya niyakap ko siya.

"Thank you so much, makakaasa ka na aalagaan ko siya at mamahalin. I will make sure na kami na talaga hanggang sa huli." Sabi ko kaya naman niyakap ako nito ng mahigpit.

"Pinapaubaya ko na siya sa'yo kasi alam kung mas maalagaan mo siya kaysa sa akin, please... Don't leave him." Sabi niya kaya tumango ako.

"Paano ka?" Pag iiba ko sa usapan.

"Marami pa naman diyan, baka wala pa talaga yung para sa akin. Hintayin ko na lang. Willing to wait naman ako eh." Sabi niya kaya napangiti ako.

"It takes time, just learn to wait." Sabi ko saka siya tinapik sa balikat.

"Uwi na kita sa inyo, baka hinahanap ka na ng iyong pamilya. Let's go." Sabi nito saka kumapit sa braso ko at sabay kami naglakad papunta sa parking lot.

"Ysabella," pagtawag niya papasok na dapat ako sa sasakyan.

"Bakit?" Nagtataka kung tanong.

Bigla tuloy akong kinabahan sa way ng pagtawag niya.

"Invited ako sa kasal niyo," sabi nito kaya natawa na lang ako.

Hindi ko alam anong trip ko at sinakyan ko ang biro nito.

"10 years from now, attend ka sa kasal namin." Nakangiti kung sabi kaya nagkatinginan kami saka sabay na natawa pero natigil din kami ng may isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Will you marry me?"

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon