THIRTY

103 6 0
                                    

"Bakit mo ako sinundan? Sinong kasama mo? Ayos ka lang ba? Thank you Lord safe siya nakarating." Sunod sunod na sabi nito kaya naman niyakap ko siya.

"Akala ko okay na ako hindi pa rin pala, tangina mo!" Naiinis kung singhal.

"Sorry Ysabella dala ng hiya kaya hindi na ako nagpakita sa inyo, hiyang hiya na ako sa ginawa ko at wala na akong mukhang maihaharap. Naduwag ako kasi natatakot ako na mas masaktan ka pa, sorry Ysabella." Sabi nito sa akin na halatang naiiyak.

"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa akin, mauunawaan kita Cejay. Maiintindihan naman kita kung sana man lang nagsasabi ka. Maayos naman natin yun kung sinasabi niyo sa akin kung anong issue o mali kaso hindi mo sinabi hinayaan mo na sa iba ko pa malaman ang totoo kung puwede naman na sa'yo ko mismo marinig yun. Tingin mo ba hindi ako makikinig? Pakikinggan kita kasi mahal kita Cejay. Sana man lang naisip mo na nasasaktan ako." Sabi ko kaya naiyak siya lalo.

"Sobrang kabado ako kung paano ko ba sasabihin sa'yo naiipit ako sa sitwasyon tipong kailangan mo mamili roon sa taong mahal mo at sa taong may anak ka, mula pagkabata sinabi ko na kung magkakapamilya ako ng sarili gagawin ko makakaya ko wag lang maging broken family. Sinabi sa akin ni Alicia na wag ko na panagutan tutal kasalanan niya pero hindi ako gago na pababayaan na lang siya mag isa kargo ko sila lalo na yung bata. Matapos nung gabi na nalaman mo ang totoo umalis si Alicia kaya ko siya sinundan pero nahuli na ako ng dating sobrang depress ni Alicia kaya napabayaan nito ang kalusagan niya tapos humantong sa point na pinalaglag niya yung baby. Nanlulumo ako alam ko kasi mauunawaan mo naman yung sitwasyon kasi alam ko matatanggap mo yun. Iniisip ko na lang na baka hindi tayo yung nakalaan sa isa't isa kaya binigay sa atin si Alicia. Sorry talaga at nasaktan ka namin hindi ko intensyon kaya nanatili ako rito kasi gusto ko magsimula kahit mahirap, kahit ang sakit kahit nakakapanghina kasi nawala yung taong mahal ko tapos nawala yung anak ko. I felt sad for Alicia pero wala akong magawa kasi hanggang ngayon ayaw niya pa rin sa akin magpakita." Mahabang paliwanag nito kaya napaupo na lang ako.

"Hindi dapat ginawa ni Alicia yun dahil unang una sa lahat wala naman siya kasalan na ginawa, sana man lang kung hindi niya kaya ay binigay na lang niya sa akin para ako na lang mag alaga tayo puwede natin alagaan. Magpaparaya naman ako kahit ako yung mahal at nauna kasi gano'n naman talaga kapag nagmamahal ka. Hays.... Buhay pag ibig nakaka-stress." Sabi ko saka napailing.

"Puwede ba tayo magsimula muli? Namiss kita Ysa ko." Sabi nito saka ako mahigpit na niyakap kaya naman napayakap ako ng mahigpit.

"Ysabella..." Nahiwalay kami sa pagkakayakap ng may tumawag sa akin.

"Alicia..." Sabi ko saka siya nilapitan at niyakap.

"Sorry Ysabella nasaktan kita, sorry pinilit ko maging akin si Cejay kahit alam kung malabo at sorry kasi naging miserable buhay mo. Patawarin mo ako..." Naiiyak nitong sabi kaya hinaplos ko siya sa likod.

"Apology accepted Alicia, lahat tayo nasaktan. Ikaw nasaktan kasi hindi ka mahal ng taong mahal mo, si Cejay nasaktan kasi kailangan niya mamili tapos nawala baby niya at ako nasaktan kasi kumplikado ang sitwasyon. Lahat tayo nasaktan pero okay lang kasi magiging okay na rin naman tayo mag-he-heal din tayo kasi hindi tayo hahayaan ni God na malugmok lang basta basta pagsubok lang 'to." Sabi ko rito.

"Iba talaga kapag na-bo-broken mas lalong gumaganda," sabi nito kaya nakurot ko siya sa pisnge.

"Tila gago Alicia, ikaw naman nalosyang dala siguro ng depress alam ko malalaban mo yan, makakaahon ka rin tiwala lang. Kayanin mo okay? Wag ka magpalamon sa stress at lungkot pray ka lang kay Lord kasi never ka nito pababayaan okay? Fighting girl." Sabi ko rito kaya muli ako nitong niyakap.

Nginitian ko siya ng lumapit siya kay Cejay.

"Bal, sorry talaga. Hindi ko lang talaga matanggap na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin, bakit ba kasi ganyan ka kabait at kagalante. Mula noon up until now hindi ka pa rin nagbabago, same us Cejay na nakilala at minahal ko. Alam mo ba na may notebook ako na punong puno ng mga bagay na tinulong mo sa akin at sa pamilya ko hindi ko na alam paano ko mababayaran yun kaya pumasok ang idea ko na maging asawa ka kaso labo alam ko naman kapatid mo na ako ituring, umasa lang naman ako sa baka sakali kaso kalaban ko pala si Ysabella na almost perfect kaya ganyan na mataray siya mahal siya ng nakakarami kasi totoo siya sa sarili niya at sa mga tao. Alam niyo kaya ako nagpunta sa Maynila dahil hindi ako tinanggap ng pamilya ko kasi alam nila na ginawa ko 'to mag isa na ako lang may gusto. Alam din nila na si Cejay at ayaw nila naiipit si Cejay dahil nga sa kabutihan niya, mahal na mahal siya ng pamilya ko pero hindi nila gusto na kami ang magkatuluyan kasi para na raw kami magkapatid. Wala akong magawa ng palayasin ako kaya ako napadpad rito. Pinalaglag ko yung baby hanggang isang araw nawalan na lang ako ng malay at may isang tao na tumulong sa akin para malagpasan ko 'to clue isa sa naging fling mo na ngayon ex fling mo." Sabi nito kaya natawa ako.

"Masyado sila marami jusko po! Hindi ko malalaman kung sino sa mga yun ang tinutukoy mo gago." Sabi ko rito kaya natawa siya.

"Payong, umuulan, naikuwento niya sa akin. Hindi ka raw mahilig makipag-late night talks." Sabi nito kaya napaisip ako kaagad.

"Payong, umuulan. Boom Kaiser," sabi ko rito.

"Bingo, siya nga. Napadpad lang din siya kasi may hinahanap siya yun pala forever niya pero charot nanay niya. Up until now on process pa rin kami sa paghahanap sa kaniya, enebe kahit may damage ako nililigawan ako aba ligawin din ako mana ako sa'yo girl." Natatawa nitong sabi.

"Gago," sabi ko rito.

"Magiging okay rin tayong lahat, naniniwala ako na balang araw magkikita tayo at ngingitian natin ang bawat isa dahil nasa tamang tao na tayo tiwala lang." Sabi ni Cejay kaya napatango kami.

Inakbayan niya kami pareho.

"Mahal ko kayo, ikaw bilang magiging girlfriend ko habang ikaw bilang kapatid kung babae, Lord salamat at nakilala namin ang bawat isa may mga bagay kami natutunan na hindi namin lubos na maunawaan." Sabi ko rito.

Napatingin kami sa kalangitan habang nakangiti.

"Sana this time tamang tao na talaga mapuntahan ko," nakangiti kung sabi.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon