SEVENTEEN

101 10 0
                                    

"Tagal niyo," bungad sa amin ni ate pero umiling lang kami saka sumakay.

Plano nila kami idaan na muna sa school since madadaanan naman daw. Maaga pa naman eh pero 'tong si Ate Yaz taeng tae masyado.

Hinintay muna namin sila habang nagpapaalam kay Mama at Papa.

"Sana all first love never die," sabi ni Elle na nasa kanan ko.

Pinapalagitnaan kasi nila 'ko.

"Sana all ng sana all pero ayaw magjowa, ano kaya yun?" Pang aasar ko.

"When kaya?" Sabi ni Ven kaya napatingin kami ni Elle.

"Alam mo Ven, wag ka masyado ma-attach sa tao. Sinasabi ko sa'yo baka iwan ka. Ganyan sila." Sabi ko sa kaniya.

"So true, wag mo sanayin sarili mo nandyan sila." Sabi ni Elle sakto naman ang pagsakay ni Kuya at Ate.

"Level up na level up kuya Klyde ha?" Sabi ko pagka-start niya sa pagmamaneho.

Nung panahon pa na totoy siya sobrang mahiyahin niya, as in hindi mo makausap kasi bukod sa mahiyahin saksakan ng sungit yung facial expression.

"Iba talaga kapag may inspiration, iba yung impact." Sabi ni Ven.

So, true.

"Malaki impact," natatawang sagot ni Klyde.

Ibang klase sumasakay sa trip. Grabe! Lume-level up talaga si Kuya Klyde. Improvement.

"Ate, next time na pupunta ka rito sigurado akong may jowa na si ate Yla." Sabi ni Elle kaya hinila ko ang buhok nito.

"Gaga ka talaga, alam mo naman wala akong plano pumasok sa punyetang relationship, kumbaga commitment. Doon tayo sa walang label tapos at the end igo-ghost ka. Edi happy single. Less hassle." Sabi ko kaya napailing sila.

Ayaw man lang ako i-support grabehan talaga.

Ampon ba 'ko?

Ayoko lang inaaksaya ang luha ko, hindi naman sila worth it iyakan.

"Gago walang iyakan," sabi ni Ate Yaz kaya iniripan ko siya.

"Aba hindi nila deserve ang pag iyak natin, hindi tayo marupok at wala sa atin ang salitang paghahabol." Sabi ko pa.

"Let's see," sabi niya kaya natahimik kami.

No matter what happen between Cejay and I. I will surely accept it. Pumayag din naman ako kaya hindi ako puwede magreklamo. Kailangan ko lang magpakatatag kasi babalik ako sa dati kung gawain.

"Babush, see you po ulit ate." Sabi ni Ven saka kumaway.

Siya pinakamalapit sa amin kaya siya ang nauna bumaba, sumunod kami ni Elle bumaba. Nagpasalamat kami kay Kuya Klyde, nagkaroon pa kami ng dalawang daan na bonus. Dagdag sa allowance galing kay ate Yaz.

"Iba talaga kapag nagkakaroon ng work, sana all." Sabi ko pagkababa namin ni Elle.

"1 year na lang ate, ikaw na susunod. Tiyaga lang yan." Sabi ni Elle sa akin.

"Mauna ka na be," sabi ko ng matanaw si Cejay na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa phone.

"Mamaya sabay tayo ha? Wag ka mauna, humanda ka sa akin pag uwi. Ibubuking kita kay mama at papa." Pananakot nito kaya natawa ako saka siya tinanguan.

"Malalaman din nila yun be, handa naman ako once malaman nila yun. Wala naman akong pinagsisihan, na-enjoy ko naman kaya okay lang. Masaya at the same time masakit." Sabi ko saka napabuntong hininga.

Alam na nila, sinuportahan naman nila ako kaso nga lang naiinis sila kasi alam nila na nahulog ako, natatakot lang sila na baka hindi ako salohin which is tama ata.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon