FIFTEEN

103 9 0
                                    

"Sinong manliligaw mo? Legit ba yan?" Sabi ni Elle pagkapasok nito sa kuwarto ni Ate Yaz.

Madalas matulog dito si Elle at Ven halatang miss na miss si Ate Yaz.

Minsan iniisip ko na baka ampon ako kasi ako lang 'tong hindi nila miss, try ko nga minsan sa Maynila rin mag-stay baka maramdaman ko na miss nila 'ko.

Joke lang, nagdadrama na naman ang lola niyo.

"Marami, name drop pa ba?" Mayabang kung sabi kasabay nito ang pagpasok ni Ven.

"Anong mukha yan Ven? Stress na stress." Natatawa kung sabi pero bumuntong hininga lang siya saka umupo.

Ay! Attitude ang Nevaeh namin. Anong problema ng isang yun?

Problemado, halata sa itsura.

"So, Elle ano yun? Bakit trending ka?" Sabi ni Ate Yaz saka dumapa sa kama nito.

Linggo ngayon kaya nasa bahay sila Mama at Papa gano'n din kami and sobrang happy kami kasi ate Yaz is with us.

"Break time kasi namin when I decided to read a story, siya kasi all time favorite ko. Nakalimutan ko na I'm using my real account kaya ayun. Marami na rin nakakita that time kaya wala na akong chance to delete it. As in na-realize ko lang nung bigla akong sinabihan ng kaklase ko na laman ng RP." Napangiti si Ate habang ako napailing.

Katangahan attack on you Elle.

"At least na-notice ka," sabi ni Ven.

Kaya siguro umuwi na kilig na kilig dahil na-notice. May tinatago talaga 'tong landi si Elle, medyo sumusunod siya sa yapak ko.

Tama yan Elle, nasa tamang landas ka.

"Na-sa-sad at the same time kasi syempre ang tagal ko gusto mag-pa-notice tapos nung RA ko na yung gamit saka ako na-notice pero happy akong na-notice niya ako." Sabi nito habang nakangiti.

Edi sana all sikat, sikat lang ako dahil taglay ko ang kalandian.

"Ang lola mo lu-ma-love ata, kabogera talaga ng taon." Sabi ko sabay hila ng buhok kaya napailing si Ate.

"Pakyu ate," sabi ni Elle.

Natahimik kami saka kami nagkatinginan ni Elle at sabay napatingin kay Ate Yaz na tinabihan si Ven na tahimik lang.

I really salute ate, ma-fe-feel mo talaga yung pagiging ate niya as in. Fair talaga siya sa pakikitungo, ayaw nito ng favoritism kasi kapatid niya kami at gusto niya ma-realize namin na pantay pantay lang kami sa puso nito which is na-fe-feel talaga namin yung fair treatment.

"What's new with you aside from being vloggerist?" Tanong ko ni ate kaya sa kaniya natuon ang atensyon.

"Ay ate, promblemado ang baby natin. May dare kasi kami sa kaniya about sa 24 hours mag jowa challenge, we want kasi na ma-try niya yun. Ang lola mo kasi hindi marunong mag-flirt. Sabi nga nila matuto ka mag out sa comfort zone mo, like different content. Then, I dare her to having a 24 hours mag jowa challenge sa guy na kakilala nung kakilala ko." Sabi ko na tuwang tuwa.

One time kasi may binaggit sa akin si Cejay na name which is vlogger kaya naisip ko na baka puwede sila ni Ven mag-collab sa isang 24 hours mag jowa challenge. Alam ko magiging challenging sa part ni Ven since she's NBSB at hindi mahilig sa romantic or kilig.

"May jowa 'to si Ate Yla, ate." Sabi ni Elle.

"Gaga ka," sabi ko saka sabay hampas sa braso ni Elle.

"May naghatid sa kaniya last time, aba ang lola mo lu-me-level up. May label na ata." Sabi ni Ven kaya nakatanggap ng pananabunot.

𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗧𝗘𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon