Chapter 11

7 1 0
                                    

Chapter 11

I Followed You

NAKATAYO ako sa balcony habang pinagmamasdan ang mga kumikislap na stars.

Talagang hindi maganda ang kalangitan sa gabi kung walang maliliit na liwanag na nagbibigay buhay dito.

Pero hindi rin natin makikita ang mga bituin kapag walang kadiliman.

Stars can't shine without darkness and darkness can't be beautiful without the stars.

They compliment each other. Para bang pinagtadhana sila sa isa't isa at mawawalan ng buhay ang isa sa kanila kapag nawala ang kalahati nito.

Will I find someone like the star and darkness or will I be just a star?

Kapag namatay ba ako ay magiging star ako? Malaki bang star? 'Yung kitang-kita ang kislap?

Can I still watch my loved ones if I became a star?

"What are you doing here, Millie?"

Napatalon ako sa kinatatayuan at halos mabitawan ko na ang baso na may lamang gatas dahil sa boses na nagsalita sa likuran ko.

Agad akong lumingon para makita si Kuya Matteo na naka tee shirt at shorts na lang.

Nakataas ang kilay nito at mukhang papagalitan na ako kapag hindi pa ako nagsalita.

Kuya Matteo and his strictness. Just like Dad.

"I'm just thinking po, Kuya." Matipid akong ngumiti bago ulit tumingin sa langit.

"Edi sana you wear something na hindi ka mabilis lalamigin. For God's sake, you're just wearing your robe. Alam mo namang malamig dito kapag gabi at mabilis ka rin magkasakit," nagsimula ng mag litanya si Kuya Matteo.

"Then tomorrow you need to go back at your hotel. Hindi ka pa natutulog!" Pagtutuloy niya.

He sounds stricter when he speaks tagalog that's I why I apologized dahil baka mas magalit pa 'to. "Sorry, Kuya. Can't sleep."

Humahaba rin ang sentences niya kapag nagagalit siya o naiinis. That's why Kuya Matteo is cute kahit para siyang lion. Parang cat siya at the inside then lion at the outside.

"Fine," he sighed. "What are you thinking at gabing-gabi na?" Lumapit ito sa akin at tumabi.

"Magiging star po kaya ako kapag namatay ako?"

Nakita ko kung paano biglang napalingon sa'kin si Kuya pero nanatili lang ako nakatingala, nakangiti habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"What the fuck are you saying? Anong mamamatay, Millie?!" Bulyaw nito.

Dahan-dahan akong napalingon dito at ngumiti ng matipid. "Don't shout, Kuya,"

"Don't ask me that Kuya.. Alam mo mangyayari sa'kin. Tanggap ko naman po. Napapaisip lang ako minsan." Muli akong tumingala.

"Pero kahit tanggap mo na, hindi pa namin tanggap." Nakita ko kung paano napayuko si Kuya.

Hindi ako sumagot at uminom lang ng gatas. Nababaliw na 'ata ako pero mukhang nagcoconnect ang mga bituin para bumuo ng isang bagay.

Ang gwapong mukha ni Loki.

Biglang may sumiklab sa puso ko nang maisip ang mangyayari sa'kin. Sa hindi inaasahan, may tutol akong nararamdaman.

Parang.. parang gusto ko na mabuhay.

"I accepted it but I don't want it."

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon