Chapter 3

13 1 0
                                    

Chapter 3

Jackson

Nakasakay na kami ni kuya sa kotse dahil papauwi na kami.

Tuwang-tuwa ito dahil sa nangyari kanina at gustong-gusto ulit akong tanungin ng kung ano-ano.

Malaki ang ngiti nito habang nakatingin pa rin sa daanan.

"Princess, what's the longest word?" Pangungulit nito sa akin mula kanina pa.

"Kuya, why are you so kulit po?" Hindi ko na siya sinulyapan at nanatiling nakatingin sa bintana.

Natawa naman ito. "Mana ka talaga sa akin."

I'll admit it. Kuya Cato is my smartest brother. Sometimes he's funny but mostly he's masungit. Siya rin pinaka matinong kausapin at hingan ng advice.

Siya ang pinakaclose ko na kuya kasi malapit lang ang edad namin so he understands me well.

Umuwi na kami sa bahay at agad akong dumiretso sa kwarto. Nagpalit agad ako ng uniform at naglinis bago tumalon pahiga sa kama.

I miss my bed. Mahirap pala talaga ang totoong school. Hindi ko na hawak ang oras ko katulad dati. Nalelate na rin ako at pwedeng bumagsak.

Sobrang nakakapagod pala. Ang hirap din makipag kausap sa iba dahil hindi ko pa sila nalalapitan ay iniirapan na nila ako.

Na realized ko rin na hindi lahat ay makikinig at maniniwala sa'yo.

Kinuha ko ang laptop at agad na tinawagan si mama. Kwinento ko sa kanya ang mga nangyari kanina.

Tuwang tuwa siya ng malaman na nagkaroon na akong mga kaibigan. Sinabi ko na ang babait nila at swerte ako.

Iniwasan ko ng ikwento sa kanya ang nangyari sa classroom.

Nakwento ko rin sa kanya ang nangyari kanina sa flag retreat at kitang kita ko kung gaano kuminang ang mga mata niya. Bumakas ang pagkaproud sa mukha nito.

"Do you want anything, princess? Consider this as a gift." Tuwang tuwa ito agad na tinanong ako.

May naisip ako na gusto ko talagang makuha.

Nangiti naman ako at napailing. "Maybe some family pictures po."

Nanlaki ang mga mata nito. "You want that?!"

Tumango ako at binigyan siya ng matipid na ngiti. "Namimiss ko lang po kayo."

"Aww, my princess. Don't worry, bibisita rin kami ng mga kuya mo dyan kapag may time." She assured me.

Agad kong naramdaman ang pagkagalak sa puso ko.

"Okay po, mama. See you soon." Parang bata akong tumango tango sa kanya.

Agad kong pinatay ang laptop ng binaba na ni mama ang tawag. Inilagay ko lang ito sa tabi at agad na dumapa sa kama.

Ramdam ko ang pagod at kaunting pagsakit ng ulo dahil siguro sa mga nangyayari na hindi ko naman nakasanayan.

Biglang lumabas ang imahe ni Mr. President sa aking isipan kanina.

'Yung mukha niya kanina ay nababakasan ng sarcasm. Tila hindi nito nagugustuhan ang naging pagsagot ko. Mukhang hindi ito natutuwa sa mga naririnig na palakpakan.

Why? Anong ginawa ko? Sa kanya nga ako kumalma kaya't nakasagot ako ng maayos.

Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang konting pagkirot ng aking dibdib. Siguro sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Naglalakad na ako kasabay nina Len at Georgia sa hallway. Hinihintay nila ako kanina sa entrance at nagulat pa sila ng makitang kasabay ko bumaba si kuya.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon