Chapter 4

13 1 0
                                    

Chapter 4

Talk to me

"Tomorrow will be the first day of your intramurals for this school year. I'm expecting that you already have your representatives for each sports."

Maraming nagsitaasan ng kamay at agad na nagsuggest ng mga players na sasali para bukas. Nagkagulo sa harapan ni sir dahil sa pag register.

Ako ay nanatili dito sa sulok habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko na mukhang excited.

I'm into sports but I can't do sports.

Mabilis akong hingalin and it can trigger my heart to ache kaya masyadong ingat sila mama tungkol dito.

Baka bigla na lang akong atakihin ng sakit ko sa gitna ng laro at 'yon ang kinakatakot ko.

I really want to join but I'm also scared. Nahihiya rin naman ako magtaas ng kamay dahil transferee lang ako baka sabihing papansin ako or ano.

"Kailangan pa ng one representative for the girl's badminton and swimming? Who would like to volunteer?"

I love swimming! Isa kasi ang swimming sa mga therapy ko no'n. Kailangan ko 'yon para umayos ang paghinga ko.

Maraming nagtaas ng kamay at agad na lumapit kay sir. Nagtaka ako dahil umiling si sir kada bigay ng mga kaklase ko ng pangalan nila.

Akala ko ba kailangan?

"Kayo na 'yung last year eh. I want some new faces to play. Malay mo may mga tinatago pala na galing ang iba dyan."

Nagsimulang magreklamo ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir ngunit patuloy silang tinatanggihan nito.

"Any volunteer?" Walang nagtaas ng kamay.

"No one? So I'll pick." At nagsimulang magreklamo ang mga kaklase ko na ayaw sumali sa intrams.

Maging ako ay napabuntong hininga at yumuko sa aking upuan para di makita ni sir.

Yes, gusto kong sumali but I'm worried about my heart.

For sure, hindi rin gugustuhin nila mama kung sasali ako sa mga gan'to. They said na dagdag grades 'to dahil sa extracurricular pero bawal naman kasi sa'kin! Unfair!

I better perform in academics na lang kaysa sa sports.

"I will pick one girl for the badminton and swimming category. Iisang babae na lang dahil masyado ng maraming sports ang iba." Pagpapaliwanag ni sir at inilibot ang kanyang tingin sa kabuuan ng klase.

Mas lalo akong yumuko sa aking desk. Inilipat ko ang tingin sa iba para maiwasan ang tingin ni sir.

Ngunit hindi ata ako gusto ng tadhana ngayon.

"Oh! I forgot that we have a new transferee! Miss Smith, the genius who answered the principal." Napapikit ako bago dahan-dahang nag angat ng ulo kay sir.

Pilit ang mga ngiti na hinarap ko kay sir na pumapalakpak pa. Siya ay ngiting ngiti ngunit ramdam ko ang mukha ko na nakasimangot.

"Do you know how to play badminton, Smith?" Nakangiting tanong sa akin ni sir.

Napangiwi ako bago dahan-dahang tumango.

Naglalaro rin ako ng badminton sa bahay with my kuyas kaya lang hindi kami nagtatagal dahil mabilis nga akong mapagod but they taught me well kaya medyo may alam naman ako.

"Good! How about swimming?"

Labag man sa loob ko pero tumango pa rin ako.

Mas gamay ko ang paglalangoy kaysa badminton dahil dati ay required talaga akong mag swimming araw araw.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon