Prologue

29 4 0
                                    

Prologue

Nakaupo ako sa aking opisina habang pinagmamasdan ang larawan ng aking buo pang pamilya noon.

Kitang kita ko kung gaano kalalaki ang ngiti nina Mama at Papa. Magkakaakbay pa ang tatlo kong Kuya habang ako ay nasa gitna nina papa at mama.

Naramdaman ko kung paano dahan dahang umagos ang luha sa aking pisngi ng maalala ang nangyari.

Ang eroplano.

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng biglang may kumatok. Dali-dali kong pinahiran ang luha sa aking pisngi.

Hinanda ko na agad ang aking ngiti bago nagsalita. "Yes?"

"Ma'am, may nagpupumilit pong pumasok dito." Natatarantang saad ng aking secretary mula sa intercom.

Nangunot ang aking noo. "What? May appointment ba?"

"Wala po but he's insisting to talk to you po." Hindi magkandauga-ugang saad nito.

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang aking dibdib sa kaba.

Kahit hindi ko pa nalalaman kung sino ang namimilit ay parang may nagsasabi na sa akin kung sino.

"Tell him na bumalik na lang siya kapag may appointment na. I don't want any disturbance." Pagtatapos ko ng usapan.

Sumandal ako sa aking kinauupuan at napahawak sa noo. Ang isang kamay ko naman ay nanatili sa aking dibdib dahil ramdam ko pa rin ang tibok ng puso ko.

"So, I'm a disturbance now." Napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng ibang boses na ang nagsalita.

Kilalalang kilala ko ang boses na 'to ngunit gusto ko pa ring itanggi sa sarili na hindi siya 'to. Hindi magiging siya 'to.

"Who a-are you?" Nauutal kong tanong.

"I know you know me so let me in this fucking luxury office of yours." Mariin nitong utos.

Napalabi ako ng marinig kung gaano pa rin ito ka-bossy. Maraming taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang ugali nito.

Napataas ang kilay ko. "I don't know you."

Wala na akong narinig na salita mula sa kabila. Napabutong hininga ako. Yumuko ako sa aking table at minasahe ang aking noo.

Napatalon akong muli sa aking kinauupuan ng biglang malakas na bumukas ang pinto.

Iniluwa ng pinto ang isang makisig na lalake na may hawak na suitcase at bugnot na bugnot ang itsura.

Nasa likod nito ang aking lalaking secretary na tarantang-taranta.

"Ma'am, sorry po. Nagpupumilit po talaga. Tatawag na po ba ako ng security?" Kinakabahang saad nito at sumilip.

Napabuntong hininga ako bago umiling.

"No, it's okay. I can deal with him." Matalim kong inilipat ang masamang tingin sa lalaking nasa harapan ko.

Agad na nagtagpo ang aming mga mata. Natulala na naman ako ng makita ang kulay langit niyang mga mata. 'Yung mga mata niyang nagpapasunod sa akin na gawin lahat ng utos niya.

His eyes who tamed me.

Napailing ako at inilipat sa iba ang tingin.

But I'm not that stupid girl before. Nagbago na ako. Binago niya ako.

Napatikhim ako at sumandal sa aking upuan. "What do you need? Don't waste my time."

Galit itong tumitig sa aking pabalik. "Bakit lalaki ang secretary mo?"

Sarkastiko akong natawa. "Who cares?"

"I care."

"I don't care."

Kitang kita ko kung paano bumakas ang sakit sa kanyang mukha. Umiiling siyang lumapit sa upuan na nasa harapan ko.

Nakayuko ito habang nakaharap sa akin.

"I said what do you need?" Mariin kong tanong ulit.

Nag angat siya ng tingin at muli akong napatulala ng mapagmasdan ang kanyang mga mata.

Mga mata na nababalutan ng pagmamakaawa at panghihinayang.

"Please, invest on my company."

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon