Chapter 7

12 1 0
                                    

Chapter 7

Dimples

"Millie and Loki, pinapatawag kayo sa Principal's office."

Napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi nang kaklase ko. Ramdam ko kung paano napasimangot ang mukha ko.

Kakarating ko lang sa classroom dahil sa 1 hour detention na wala naman akong ginawa kundi tumulala! Bakit naman ako tatawagin ng principal? Nagsumbong na ba ang masungit na si Loki?

Nakasimangot akong tumayo at sumunod kay Loki na nauna ng lumabas.

Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin ng tumabi ako sa kan'ya. Nanatili lang na blangko ang mukha nito.

Dahan-dahan akong napatigil sa paglalakad habang siya ay nagpatuloy lang.

Anong problema niya? Bakit ngayon ay parang hangin niya akong ituring pagkatapos ng pag-uusap namin kanina? May nagawa na naman ba ako?

Baka naman bad trip ulit 'to at iba ang mood. Nakalimutan kong grabe nga pala ang mood swings nito.

Napapailing na lang akong sumunod muli sa kanya. Tumakbo ako para maabutan siya ngunit katulad kanina ay parang wala lang ako sa tabi nito.

"I think two of you will be the best representatives for the upcoming quiz bee,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng principal. Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala na isa ako sa pinili.

"May makakalaban kayong ibang school and kapag may nanalo isa sa inyo, ipapadala sa U.S for the international quiz bee. So do you agree?"

Natahimik kaming parehas ni Loki. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa magulang ko but I'm excited. Sana lang ay payagan ako nila mama.

"Can I ask my parents muna, po?" I asked na principal, ayoko kasing magdesisyon agad.

"Okay, tell me your decisions tomorrow," tumatango na saad nito. "Oh, I forgot something. Individual ang labanan kaya hindi kayo magkakampi, do you understand?"

"Opo." Sagot ko habang si Loki ay tumango lang.

"Okay. You may now go but come back here tomorrow morning." Huling saad nito.

Sabay kaming tumalikod sa principal pagkayuko. Napanganga ako nang mauna itong maglakad sa akin at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako nito hinintay at binagsak na lang sa mukha ko ang pinto.

"He's just not showy, Miss Miracle. Have patience."

Napalingon ako muli sa principal. Marahan itong nakangiti, mukhang pinapaintindi sa akin.

"Kasing haba po ng buhay ko ang pasensya ko." Matamis akong ngumiti bago patalon talon na lumabas sa opisina.

Kaya medyo maigsi po..

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang sungit ni Loki ngayon. Tungkol pa rin ba 'to kahapon? 'Yung hindi ko siya napuntahan?

Napabuntong hininga na lang ako bago nakayukong naglakad pabalik sa classroom.

I didn't know that boys also got mood swings.

Bago pa man ako makapasok sa classroom ay may tumapik sa akin. Gulat akong napalingon at nakita ang all smiles na si Jackson.

Agad akong napangiti at binati siya.

"Bakit nakasimangot ka kanina?" Nag aalalang tanong nito.

Agad naman akong napailing dahil ayokong ikwento sa kanya ang tungkol kay Loki. Kaibigan kaya niya ang masungit na 'yon!

"May nangyari ba sa principal's office? Napagalitan ka ba?" Muli nitong pagtatanong, hindi pinansin ang pag iling ko.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon