Chapter 8

6 1 0
                                    

Chapter 8

Lose

"What the fuck is that, woman? Why are you poking his stupid cheeks?"

Napatalon ako sa aking kinatatayuan dahil sa malakas na pagsigaw niya. Inilibot ko muna ang tingin sa buong paligid para makita kung may tao ba.

Nakanguso akong tumingala sa kanya at agad din akong napaiwas ng tingin. Umaapoy kasi ang mga mata niya kaya ang hirap tagalan.

So scary naman po kayo.

"H-he's dimples are so cute po kasi so I poke them." Nag aalinlangan akong ngumiti.

Nanlaki ang mga mata nito at marahas na napabuga ng hangin tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What the.. So you'll poke everyone who has dimples?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Napayuko ako pinagdikit ang dalawang hintuturo ko. "Uhh, maybe?"

Napatingala ulit ako sa kan'ya ng marinig siyang magmura. Hinawakan nito ang sariling noo tila problemadong-problemado sa sagot ko.

Eh ang cute naman po talaga kapag may dimples eh.

"Requirements bang magkaro'n ng dimples para hawakan mo?!" Muli akong napaigik sa aking kinatatayuan ng sumigaw na naman ito.

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya ngunit naramdaman ko ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Sumasakit na rin ang dibdib ko.

Bakit na naman ba niya ako sinisigawan? Nacute-an lang naman ako kanina sa mga dimples ni Angelo tapos para na siyang naging monster.

Dinala niya pa ako sa lugar na walang katao-tao para sigawan ako at pagalitan.

Mukhang naalarma si Loki sa itsura ko. Agad nitong sinugod ang kaunting pagitan namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Damn. Why are you crying? Did I made you cry?" Nababakasan ang pag-aalala sa itsura nito.

Nawala na ang apoy sa mga mata nito at naging malambot na ang tingin niya sa akin.

Suminghot-singhot ako bago sumagot. "O-opo. Inaaway niyo po kasi ulit ako. Palagi na lang."

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata gamit ang likod ng aking palad.

Nakagat nito ang sariling labi tila naiinis sa sarili niya. Napailing ito at sinimulang haplusin ang pisngi ko gamit ang kanyang thumb.

"S-sorry.." Mababakasan mo ng pagmamakaawa ang kan'yang boses.

Gulat naman akong napatingin sa kan'ya at napatango. "O-okay lang po."

Binitawan na nito ang aking pisngi ngunit hindi pa rin umatras. Napahawak ito sa sariling bewang at tinagilid ng kaunti ang ulo habang pinagmamasdan ako.

"Why do you have to poke his cheeks kase? You made me feel.. damn." Napailing iling 'to at tumalikod sa akin. Mukhang ayaw na akong tignan pa.

"Po?"

Lumapit ako at hinawakan ang kan'yang braso ngunit napaabante ito tila napaso sa'king kamay.

"Why are you making it so hard for me?" Bigla itong bumaling sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Napanganga ako dahil sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na masungit na naman siya.

Kanina lang ay nag sorry ka tapos ngayon sinusungitan mo na naman ako? Baka ako ang dapat magtanong n'yan. Why are you making it so hard for me?

Crush po kita pero why are you so moody po?

"Paging Millie Smith and Loki Villan. Paging Millie Smith and Loki Villan. Please proceed to the gymnasium for the quiz bee. Again, please proceed to the gymnasium for the quiz bee. Failure to arrive in 10 minutes will lead to disqualification."

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon