Chapter 9

15 1 0
                                    

Chapter 9

Douglas

HINDI makapaniwalang tinitigan ko si Loki dahil sa sinabi niya.

D-disappointed? Bakit siya disappointed sa sarili niya? Kung tutuusin ay nasa kan'ya na lahat.

Magaling siya sa sports. Matalino siya. President din siya. Ano pa ba kulang?

"H-huh? Bakit ka naman po disappointed sa sarili mo kung naachieve mo na lahat?" Nagtatakang ani ko.

Hindi ko masyadong maintindihan kung anong pinaparating niya. Magaling na siya sa lahat, ah? Ano pa bang kulang? May gusto pa ba siyang gawin? May umagaw ba sa kanya nang kung ano?

Mula sa pagkakayuko ay tumingala ito. Nagtama ang mga mata namin at gan'on na lang kabilis kumirot ang puso ko ng mapagmasdan ang sakit sa mga mata niya.

Hindi siya umiiyak pero makikita mong nasasaktan siya sa loob.

"I didn't achieve it all. You beat me. You beat me no'ng intrams. You beat me sa quiz bee. Do you still think that I achieved it all?" Sarkastiko nitong saad, dinig sa boses nito ang pagkadismaya.

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Ako pala ang dahilan kung bakit siya nadidismaya sa sarili niya.

It was never my intention to win those events. I just did my best.

Sana.. sana hindi na lang ako nanalo kung gan'yan pala ang mararamdaman niya.

"I-I'm sorry.. hindi ko po alam na ako yung dahilan. I think kung w-wala po ako ay mananalo ka. I'm sorry if I'm here." Napayuko na lang din ako.

Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip na ako pala ang dahilan. Masakit para sa akin na isipin na ang dahilan ng pagkalungkot niya ay ako. Ako ang gumagawa.

"So why did you transferred here? It's all your fault. Maraming nawala sa akin dahil sa'yo." Masama ang tingin nito sa akin.

Hindi ko kayang tapatan ang kan'yang tingin kaya't umiwas ako. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang sumisigaw ng pagkairita at pagkadismaya.

Unti-unting namuo sa sulok ng aking mga mata ang luha. Ngunit pinigilan kong tumulo ito dahil baka mas magalit pa siya sa akin.

"Damn.. You took everything. My rank. My activities. Even my fucking he--"

Hindi nito tinuloy ang sinasabi at yumuko na lang. Umiiling-iling ito tila dismayadong dismayado sa sarili.

Ngunit nanatili sa akin ang kan'yang huling sinabi.

His rank? What about his rank? Paano ko naagaw sa kan'ya?

"R-rank?" Naguguluhang ani ko.

Tumingin ito sa akin mula sa pagkakayuko at sinamaan ako ng tingin. Sarkastiko itong natawa tila nakakatawa para sa kan'ya ang tinanong ko.

Bakit siya tumatawa? Talagang hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi niya. Anong rank? Rank saan?

"Tangina. Mayabang ka talaga."

Nabigla ako sa pagmumura nito. Napaatras ako mula sa kan'ya at nakita kong mas lalo lang itong natawa sa ginawa ko.

Dahan-dahan ng tumulo ang mga luha sa aking pisngi ng matitigan ko ang kan'yang mga mata. Mga mata na parang nandidiri sa akin at pinagtatawanan ang buong pagkatao ko.

B-bakit ka gan'yan tumingin sa akin? Pakiramdam ko ay maraming tumusok na karayom sa puso ko sa paraan ng pagtingin niya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "So you don't know or you're just acting innocent?"

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon