Chapter 14

7 0 0
                                    

Chapter 14

Rank 1

Tapos na ang competition namin ni Douglas at tuwang-tuwa ako dahil nanalo kami!

Nabigyan namin ng panibagong achievement ang mga school namin ni Douglas.

Tinignan ko si Douglas na may hawak na trophy. Kahit hindi 'to nakangiti, kitang-kita ang malaking ngisi na tinatago niya.

Mukhang proud na proud 'to habang bitbit ang trophy kaya napangiti rin ako.

Tinignan ko ang mga teacher namin na tuwang-tuwa at todo ang palakpak sa gilid. Kumaway ako sa pwesto nila.

Hinanap ng mata ko si Loki. Nakita ko 'tong nakaupo malapit sa mga teacher pero hindi katulad nila, nakaupo lang 'to.

Hindi 'to pumapalakpak pero may munting ngisi sa bibig nito.

Aren't you proud of me, Loki? Bakit parang hindi ka natutuwa?

Nayayabangan ka na naman po ba sa'kin?

Hindi na talaga matatanggal sa isipin ko ang mga sinabi niya.

Kahit napatawad ko siya, his words will remain in my heart.

Sa tingin ko nga minsan ay ang babaw ko para alalahin ang mga sinabi niya dati.

Parang kutsilyo kasi ang mga salita at ang masakit dito, hindi mo na siya malilimutan.

Katulad kapag nasugatan ka ng matalim na bagay, hindi agad matatanggal ang peklat nito.

It will take time.. but maybe I can forget.

I smiled even though he's frowning.

I like you more than I can.

BINABAYBAY ko ang malalaking hallway ng school.

Yes. Nakabalik na kami ni Douglas dito kaninang madaling araw. May jetlag pa nga ako pero ayoko lang umabsent.

Hindi namin kasabay si Loki sa eroplano dahil mas nauna kami. Late na kasi ang flight na nabook nito.

Ang alam ko ngayong umaga siya dadating kaya baka late siyang pumasok.

Paniguradong papasok pa rin 'yon dahil President siya and he needs to do his duties.

Sana lang hindi matindi ang jetlag niya dahil grabe sa sakit ng ulo 'yon.

Duties, school and jetlag? No.

Hinahanap ko ang dalawa kong kaibigan dahil sabi nila ay naglalakad daw sila ng hallway.

The problem is, hindi ko alam kung alin sa mga hallway ang nilalakaran nila.

Marami akong nakakasabay sa hallway na napapatingin sa'kin na pinagtataka ko.

Ano bang meron? Bakit gan'yan sila makatingin?

There's something on their eyes na hindi ko maintindihan.

Hindi na katulad ng dati ang tingin no'ng iba. May kakikitaan na rin ng paghanga ang tingin ng ibang mga babae sa'kin na mas lalong nagpagulat sa'kin.

Sa pagkakatanda ko, kapag nagkakatinginan kami ng ibang babae dito ay tinataasan ako ng kilay at iniirapan.

Ano talagang meron?

Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Hindi ko kayang tignan pabalik ang tingin ng iba.

Ngayon ko lang naranasan na tignan ng gan'to karami at lahat ay mukhang humahanga pa sa'kin. It makes me shy.

"Congrats!"

"Thank you bringing another achievement in our school."

"Congrats Rank 1!"

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon