Chapter 15

2 0 0
                                    

Chapter 15

Hindi na niya ako kinikilala

KASABAY kong maglakad sina Len at Georgia. Kaka-dismiss lang ng klase at uwian na. Marami ng estudyante sa hallway.

Maraming bumabati sa amin na nginingitian ko lang. Hindi naman ako sanay makipag-usap kapag hindi ko close.

Tahimik lang ako na nakatingin sa dinadaanan namin habang binabaybay ang hallway.

Hindi pumasok si Loki sa kahit anong klase namin. Maraming naghanap sa kan'yang teacher dahil bihira lang daw hindi pumasok si Loki.

Maraming nagtaka at tinanong ang ibang mga members ng Student Council pero pati sila ay walang alam.

Pumasok naman daw ito noong umaga pero agad ding umalis.

Siguro umalis siya no'ng nakita ako sa field. Baka nasira ko na ang araw niya kaya nawalan na siya ng gana mag-aral ngayon.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko mula nang makita ko ang mga mata niya kanina.

Talagang pinag-isip ako nito at halos hindi na ako makapag-aral kakaisip kung paano na siya lalapitan.

We were good in States pero no'ng lumabas ang listahan. Alam kong nawala na ang mga pinagsamahan namin kahit iilang araw lang 'yon.

Nanghihinayang ako pero alam kong wala na akong ibang magagawa kundi humingi ng tawad.

Mukhang wala akong kasalanan dahil nag aral lang naman ako ng mabuti pero hindi kaya ng konsensya ko na makita siyang malungkot habang tuwang-tuwa ako sa resulta ng listahan.

I can't be happy when I saw those sad eyes.

"Kanina ka pa tahimik, girl? May problema ka ba?" Napatingin ako kay Len ng tinapik niya ang balikat ko.

Agad naman akong umiling at matipid na ngumiti.

"Hay nako. Wag ka ng tumanggi! Kitang-kita oh! Bakit ka ba malungkot?" Tinuro ni Georgia ang mukha ko.

"Hindi naman po ako malungkot. May iniisip lang." Pagdadahilan ko.

Sana naman ay maniwala na sila. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila ang tungkol kay Loki. Paniguradong marami silang tatanungin.

"Gosh! Wag kami girl! Kilala ka namin. Alam namin kapag malungkot ka dahil tahimik ka na nga, sumobra pa ang katahimikan mo." Paliwanag ni Len.

Natahimik ako at hindi makapagsalita. Wala na akong ibang madadahilan dahil totoo naman na tumatahimik ako.

"Mag mall na lang kaya tayo? Para mag unwind? Ano girls, g?" Suhestiyon ni Georgia.

Nanlaki naman ang mga mata ni Len at agad na napatalon. Mukhang natuwa 'to sa suggestion ni Georgia.

Masaya akong okay na sila ni Georgia kahit halos araw-araw ay nag-aaway sila.

"G!" Masayang sagot ni Len. Bumaling 'to sa akin ng tingin. Agad akong umiling.

Mas pipiliin kong mag overthink sa bahay kaysa magpakasaya.

Marami pa akong iisipin.

Kung paano ko makakausap si Loki. Kakausapin kaya ako ni Loki? Galit ba siya sa'kin? Bakit hindi niya ako nilingon no'ng tinatawag ko siya?

Kailangan kong pagisipan mabuti ang mga 'yan.

"Ay no no! Wala kang choice kundi sumama sa'min!" Pinal na desisyon ni Len.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling.

Wala talaga akong gana mag mall ngayon! Ang kailangan ko ay humiga sa kama at magisip ng mga bagay-bagay.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon