Chapter 13

10 1 0
                                    

Chapter 13

Hurt. Confused. Betrayed.

SUMAMA ang tingin nito sa'kin tila nainis sa sinagot ko. Tumayo ito at padabog na umupo sa gilid ng kama kung saan ako malapit.

"And why did you brought him? Is he your father? Brother? Your alalay?" Sarcasm is dripping in his voice.

Umiwas na lang ako ng tingin at napailing.

Ang sama talaga ng ugali ni Loki. Kung makapag judge kay Douglas ay sobra. Wala namang ginagawang masama sa kan'ya 'yung tao.

Ayoko na lang sumagot dahil baka magalit na naman siya.

"He told me that he's bored so I brought him. Ayoko naman pong tumanggi sa kan'ya." I explained.

Malakas itong bumuga ng hangin tila walang kakwenta-kwenta ang dahilan ko.

"Dahil lang do'n? Dahil lang do'n pinakilala mo na siya sa magulang mo?" Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

Napaatras naman ako sa takot at natigil ko ang pag aayos.

Nakakatakot kasi ang itsura nito. Parang kakainin ako kapag hindi ako sumagot ng maayos.

"W-Why po? H-He's my friend." Nauutal na sagot ko.

"Whatever. Wag mong dalin lahat ng kaibigan mo sa family mo baka 'yung iba may masamang intention especially boys. Remember, boys." Pagalit nito sa'kin.

"And don't bring him next time." Pahabol nito. Tumalikod ito sa'kin at muling nahiga.

Agad akong umangal. "But he's my friend and wala naman siyang masamang intention."

Agad itong napalingon sa'kin at natakot na naman ako dahil ang sama ng tingin niya.

"Just don't bring him. No buts." Masungit na saad niya at tumalikod.

Napatitig ako sa malapad na likuran nito. Akap akap nito ang unan at mukhang matutulog pero may gusto kasi muna akong itanong.

Tanong na hindi ko matanong-tanong dahil sa kasungitan niya.

"Loki.." Mahina kong saad. He hummed.

"Why are you here nga po pala? You told me na hinintay mo ako dito pero bakit po?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa likod ni Loki.

Hindi ko agad naalala na tanungin siya tungkol d'yan pero unang rinig ko pa lang sa boses niya kanina ay nagtaka na ako.

Bakit ka po nandito, Loki? Wala ba kayong pasok?

Ang alam ko kami lang ni Douglas ang exempted sa classes dahil irerepresent naman namin ang school namin.

Umabsent ba siya? Para sa'kin?

Napailing ako sa naisip. Paniguradong may mahalaga siyang inaasikaso kaya nandito siya. Tama tama.

Agad na napaharap sa'kin si Loki na tila nagulat sa tanong ko. Hindi agad ito nakasagot sa'kin at nakatitig lang sa mukha ko.

Nakabuka ang bibig nito tila naghahanap ng sagot pero walang masabi.

Mukha 'tong nahuli na may ginawang masama.

Tumagilid ang ulo ko at pinagmasdan siya na walang masabi sa'kin.

Bakit hindi siya makasagot? May ginawa ka bang masama, Loki?

"Hello po?" Pagtawag ko ng pansin.

Mukha naman itong natauhan. Umiwas ito ng tingin bago sumimangot.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon