Chapter 16

8 0 0
                                    

Chapter 16

Tell Me Where It Hurts

HINDI siya pumasok kanina sa klase pero ngayon kasama niya ang ibang officer dito?

Talaga bang walang alam ang SSG kung bakit siya umalis o pinagtatakpan lang nila si Loki?

Parang may mga karayom na tumusok sa puso ko nang maalala ang nangyari kanina.

Talagang umalis lang siya para hindi ako makita. Pinili niya lang talaga na wag pumasok para hindi ako makalapit.

Iniwasan niya lang talaga ako.

Hindi na talaga siya tumingin dito kahit anong titig ang gawin ko.

Alam kong napapansin na rin ako ni Douglas pero nanatili lang 'tong tahimik dahil alam naman niya ang tungkol kay Loki.

Dumating na ang pagkain namin pero halos hindi ko malunok ang kinakain. Parang may bumabara sa lalamunan ko at gusto ko na lang umiyak.

Pero ayoko namang makita nila Len na umiiyak ako. Kaya nga nila ako dinala dito para icheer up tapos bigla na lang akong iiyak?

Maya't maya kaming napapatingin sa table nina Loki dahil talagang nakakaagaw pansin ang kanilang mga itsura.

Mga gwapo, mukhang malilinis at mukhang may otoridad. Halos lahat ng babaeng kumakain dito ay napapatingin sa kanila.

Pero nanatili lang ang tingin ko sa isang tao na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

KAKAPASOK lang ng MAPEH teacher namin sa classroom. Agad nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kanilang upuan at tumahimik.

"Music tayo ngayon, class. I want every one of you to perform something mamaya sa Music Room, okay? This will be a graded performance. Wala naman masyadong written works kaya bumabawi tayo sa performance." Saad nito.

Wala namang nagreklamo dahil paniguradong puro talented ang nandito sa Star Section.

Napahalukipkip ako dahil hindi naman ako gano'n kaayos kumanta.

Kumakanta lang ako kapag may nagustuhan akong music tapos minsan nga ay mali-mali pa ang lyrics. Sinusunod ko lang naman 'yung naririnig ko eh.

"Let's go to the Music Room."

Lahat ay nagsitayuan at lumabas sa classroom.

Bago ako lumabas ay inayos ko muna ang mga gamit ko sa lamesa. Masyado kasi ako maraming gamit.

Nahulog ang isa kong mechanical pencil pero hindi ko muna pinansin. Inuuna ko ang mga papel.

Nagulat ako ng may isang kamay ang nag abot sa'kin nito.

Agad akong napitangala sa takot dahil ang akala ko ay ako na lang mag-isa. Baka may mumu.

Nakahinga lang ako ng maluwag na ng makita si Jackson na laging nakangiti ang nag abot sa'kin.

Ngumiti ako. "Thank you po. Akala ko po wala nang tao."

"Nakita kasi kitang nahihirapan sa mga gamit mo kaya bumalik ako para tulungan ka. Hindi ako 'yung multo kahit may multo dito." Saad nito. Tinakot pa ako nito sa dulo.

Naramdaman ko ang pagkamutla nang maalala na lagi akong nahuhuli kapag uwian. Matagal kasi akong mag-ayos ng gamit.

May nanonood kaya sa'king multo?

I shivered with the idea. Sana naman wala.

Biglang natawa si Jackson. "Oh Millie, wag masyadong kabado. Namumutla ka na oh."

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon