Chapter 5

13 1 0
                                    

Chapter 5

Flirty and Boastful

Napaamang ako sa sinabi niya at hindi agad nakakibo.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso na halos kumawala na sa dibdib ko. May panibago akong nararamdaman sa tyan ko na parang kinikiliti ako.

"H-huh?" Nauutal ko na saad, wala ng masabi pa.

Bakit naman niya nasabi 'yon?! Anong siya ang kakausapin ko? Pwede ba 'yon? Siya lang dapat?

Saka isa pa. Hindi naman niya ako kinikibo! Puro masamang tingin at nakasimangot niyang mukha ang nakukuha ko.

"Nevermind," nawala na ang frustration sa mukha nito at naging poker face.

"Go back to your place." Malamig na utos nito sa akin.

Wala sa sarili akong napatango. Napahawak ako sa aking dibdib ng naramdaman ang kaunting pagkirot nito.

Bakit biglang naging gano'n ang expression niya? Naaasar na naman siya sa akin? Talagang hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya.

Bukod sa kilig ay may isang bagay akong nararamdaman.

Takot.

I did not go back to the Philippines to love someone, to admire someone, to have feelings for someone.

I went back here to enjoy my life.

Pero ngayon natatakot na ako. Parang natatakot na ako mawala dahil alam kong mawawalan na ako ng kasiyahan na dati hindi ko nararamdaman.

I think I found my happiness.

Napailing ako sa iniisip at nag focus na lang. Hindi ko namalayan na nagsisimula na pala ang laro at wala na ang kakampi ko.

Kalaban niya si Loki na parang tinatamad lang sa kada palo ng raketa habang yung kakampi ko naman ay bigay na bigay.

Swabeng swabe niya lang pinapalo ang shuttlecock pa kabilang net. Walang nahuhulog sa kanya at hindi rin naoout ang mga palo niya kaya siya ang nanalo sa first round.

Disappointed naman na bumalik sa pwesto namin ang kakampi ko. Tinapik ko ang balikat nito.

"Okay lang 'yan." Nakangiti kong pang aalo.

Napailing ito. "Ang galing talaga sa lahat ni President."

Ngumiti ako at tumayo. "Ipapanalo natin 'to."

Ako na kasi ang susunod na lalaban at ang katapat ko ay babaeng student council. Kapag nanalo sila, tapos na ang laban. Kapag nanalo ako, makakalaban ko si Loki.

"Good luck!" Pag cheer sa akin ng kakampi ko.

Ngumiti lang ako bago naglakad papunta sa gitna ng field kung na saan ang net. Inilibot ko ang aking tingin para hanapin si kuya at mga kaibigan ko.

Nag flying kiss ako kay kuya na nakangiti sa akin. Kumaway naman ako sa mga kaibigan ko na may malisosyong tingin sa akin at kay kuya.

"Go! Go! Go, Millie!" Pangchecheer ni Len. Napangiti ako at nag thumbs up sa kanya.

"Go sa papi ni Millie! Go sa papi ni Millie!" Pang aasar naman ni Georgia na ikinailing ko.

Kuya ko nga po 'yan!

Nahagip ng aking paningin si Loki na nakabusangot sa kanilang pwesto. Masama ang tingin nito sa kung saan.

Sinundan ko ang kanyang tingin at tumama kay Georgia na nang aasar pa rin.

Si Georgia ang sinasamaan niya ng tingin? Bakit na naman?

Napatalon ako sa aking kinatatayuan ng pumito ang referee at pinalapit kami. Pinaliwanag nito ang rules tungkol sa laro.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon