Chapter 6

11 1 0
                                    

Chapter 6

Bakit namumula tenga niya?

NANDITO ako sa loob ng kwarto. Pabalik-balik akong naglakad, iniisip ko pa rin ang nangyari sa kaninang pag-uusap namin ni Loki.

I regret it.

Hindi ko siya dapat sinabihan ng gano'n. Sino ba ako? Oo, hindi niya ako kilala pero hindi ko rin naman siya kilala para sabihan ng gano'n!

But still, I was hurt. I was driven by my emotions and I couldn't stop myself from blurting out those rude words.

Pero meron pa rin sa sarili ko na nagsasabi na tama ang ginawa ko, that it was right to defend myself.

Hindi ko na alam kung paano siya haharapin ngayon pagkatapos kong mag walk out. Hindi ko man lang siya hinayaan na magsalita dahil basta na lang akong umalis.

I just couldn't take it anymore. Hindi ko na rin kayang makarinig pa ng panibagong pang aakusa.

Never in my whole life na nasabihan ako ng gano'n. I was treasured, loved and valued so I couldn't take what he said. Parang hindi ko matanggap.

Napabuntong hininga ako bago tumalon papunta sa kama. Binaon ko ang aking mukha sa malambot na unan at napapadyak na lang.

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa patuloy na pagsakit nito mula pa kanina. Mula nang iwan ko siya roon..

Bahala na nga bukas! Sana lang ay hindi na ulit kami magkausap o magkita man.

Nandito ako sa loob ng locker room dahil hindi ko magawang lumabas. Pinagmamasdan ko lang ang sarili sa harapan ng malaking salamin.

Hindi ko naman alam na kailangan pala na one piece na swimsuit ang suot!

Ang akala ko ay rash guard lang kaya 'yon ang dinala ko ngunit pinabalik ako kanina dahil bawal daw ang gano'n.

Len and Georgia went to the mall just to buy me this swimsuit kaya sobrang thankful ako dahil baka madisqualified ako.

Pero noong lumabas ako mula sa c.r at nakita ang itsura ko, natatakot na ako lumabas. I don't want everyone to see me half naked!

It perfectly hug my curves na mas kinaayawan ko! Kitang kita ang kurba ng bewang ko, pati ang dibdib ko ay bakat at may labas pang konti na cleavage. Hindi ko na kaya 'to!

Tumalikod ako at mas napapikit ako nang makita kung gaano yinakap ng swimsuit ang likuran ko. Bakat talaga lahat!

Napalingon ako sa pinto nang may kumatakot ng sunod sunod. "Millie, matagal ka pa ba dyan? Magsstart na competition mo."

Napapikit ako sa inis at nakagat ang sariling labi. "Just tell them that I backed out."

"What?! Baliw ka ba, ghorl?! Buksan mo 'tong pinto!" Ang boses ni Georgia ang sunod ko na narinig.

Napailing ako kahit alam kong 'di nila ako nakikita. "I don't want to go out while wearing this s-swimsuit."

"Shut up, babaita! Open the door and let us see you." Muling kinalabog ni Len ang pinto.

Napapikit ako bago dahan-dahang buksan ang pinto. Mabilis silang pumasok at agad na sinara ang pinto bago humarap sa akin.

Ngunit bigla silang natulala at napanganga nang humarap sa akin. Kinabahan ako sa mga ekspresyon nila dahil mukhang hindi sila makapaniwala sa kung ano.

"Mataba po ako 'no? I always eat kase." Napapailing kong pag amin.

Masamang tumingin sa akin ang dalawa na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

Heart's PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon