Love is when
you look into
someone's eyes..
and you see
everything you need..
- Regina Abong -
Alexa's Third POV
Kanina pa hindi mapakali ang hipag niyang si Suzie. Magbuhat ng dumating silang dalawa sa FHM building. Hindi pa rin nawawala ang excitement sa mga mata ng hipag.
Kanina pa tanong ng tanong ang sister-in-law niya kung anong oras magsisimula ang photo shoot session niya. Hindi pa ito nakontento dahil hiniram pa nito ang cellphone niya. Naiwanan daw kasi nito ang sariling cellphone. Dahil sa pagmamadaling magbihis kaninang madaling araw.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa ikinikilos ni Suzie. Why? Her sister-in-law is a big fan of her. At hindi ito itinago o pinasubalian ng hipag. And she really felt so happy with that thought. In fact ngayon lang siya nakaramdam ng matinding saya sa kaalamang isa sa mga pumupuri at mga umiidolo sa kanya ay kapatid mismo ng asawa.
If only Kennet is also here. Ano kaya ang sasabihin nito o ikikilos patungkol sa modeling career niya? Hindi tuloy niya maiwasan ang mapabuntung hininga. Knowing Kennet, tiyak na taliwas ang mga sasabihin o iisipin nito kumpara sa mga taong patuloy na humahanga sa kanya. Dahil kinasusuklaman ng asawa ang mga gawaing makakaapekto sa pribadong buhay.
The man is a certified pro-private life. Kennet really value his privacy. At ito ang masaklap na katotohanan sa napipintong pagkawala ng VGC sa mga Villagracia. Nagawa man niyang pasakayin ang mga share holder. Lalong lalo na si Jasper Atienza. Sa bandang huli ay mawawala pa rin sa mga Villagracia ang VGC. Dahil natitiyak niyang hindi niya mapapahinuhod si Kennet na pamahalaan ang mga kumpanyang bumubuo sa VGC. Wala siyang pakealam kung mapunta man sa kahit na sinong share holder ang VGC. Iyon nga lamang ay hindi niya maiwasang manghinayang sa isiping si Kennet lang ang karapat dapat na humawak sa mga kumpanya na pag aari nila. VGC is like a heirloom or a heritage. Dugo at pawis ang puhunan ng mga ninuno niya para itaguyod ang VGC. But her crazy grandfather has already executed that damn decision! At wala siyang magagawa ukol roon. Hindi naman sila maghihirap sa mga salapi at mga pag aari nila. Sobra sobra pa nga ang mga ito para mabuhay ng maalwan ang mga susunod na sampung henerasyon ng hindi nagbabanat ng mga buto. Ang mga Villagracia ay totoong mga trillionaire. Kayang kaya niyang isampal sa mukha ng mga magkikritiko ang mga katibayan.
Heto siya at parang wala sa sarili dahil sa pagkakahulog sa malalim na pag iisip. Kanina pa siya nakapagpalit ng dapat niyang isuot sa pictorial. Pero nakaharap lang siya sa malaki at malapad na salamin sa loob ng dressing room. Pero hindi niya nakikita ang sarili. Ang pagiging modelo pa naman sa kilalang men's magazine ang naging libangan niya para iwaksi ang ano mang stress na naidudulot sa kanya ng VGC.
Ilang marahang mga katok ang umagaw sa malalim niyang pag iisip. Si Suzie mismo ang nagbukas ng pinto.
Sumungaw ang baklang professional photographer ng naturang sikat na panglalakeng babasahin.
"Alexa, magsisimula na tayo." Pagbibigay alam nito sa palakaibigan na tono.
Isang masayang ngiti at pagtango ang isinagot niya. Iyon lang at umalis na ito.
Tumayo na siya buhat sa pagkakaupo. "Suzie, pagkatapos na pagkatapos nito ay uuwi na tayo. Bukas na lang tayo magshopping. Walang kasama ang kuya mo sa bahay."
Masaya siyang tinanguan ni Suzie. "Wag kang mag alala, Ate Alexa. Hindi mawawala ang mukhang bakulaw kong kapatid." Pagbibiro pa nito.
"A very handsome gorilla, Suzie!" Natatawang pinandilatan niya ang sister-in-law.
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)
RomanceWhat if you got married to a very sexy and stunning beautiful woman. Then you accidentally found out that your wife is totally freakin' super rich. What would you do? I'm Kennet Montereal STATUS: MARRIED! Who's my wife? Si Alexandra Villagracia lang...