Chapter 6

3.4K 84 1
                                    

Alexa's Third POV

Another night has passed. She woke up with an empty bed space at her right side. There's no sign that Kennet slept beside her last night.

Huminga siya ng malalim at ibinuga.

ROUND TWO! Bokya pa rin ang score niya!

Imagine two nights na siyang binabalewala ng hinayupak na Kennet na yan!

Grr! Kainis na talaga!

Nakarinig siya ng two warning knocks. Then the door open.

Si Suzie! Nakangiti ng husto.

"Ate Alexa, pinapatawag ka na ni kuya. Kakain na tayo."

Pinapatawag siya ng asawa para kumain? Hmm..? Nginitian niya ang hipag. "What's our breakfast for today?"

Suzie giggle. "Ate, tanghali na. Kaninang umaga pa ang breakfast."

What? Mabilis niyang tiningnan ang wrist watch.

12:16pm!

Ngayon lang siya inabot ng matagal sa paggising. Napasarap ba ang tulog niya?

"Napuyat ako. Hindi kasi ko sanay ng walang aircon." Of course that's a lie. Bumangon na siya.

"Sumunod ka na lang, Ate Alexa." Umalis na ang hipag at iniwang nakabukas ang pinto.

Lumapit siya sa salamin at inayos ang sarili. And then she went out of the room.

Hindi na siya nag abala pang  magpalit ng suot niya. Bakit pa? Tatlo lang naman sila sa bahay.

Kumakain na ang magkapatid ng datnan niya sa dining room.

Tatlong klase ang ulam. Dinuguan, bopis, at nilagang baboy.

"Ano pa ang itinatayo mo diyan. Maupo ka na at kumain." Utos ni Kennet.

Ngumiti siya. "Ang dami naman nating ulam." Pumuwesto siya sa tabi ni Kennet.

"Ate, may leche plan sa ref. Bigay ni Tita Luz kahapon. Kainin mo na lang pagkatapos mong maglunch."

Naglagay siya ng kanin at dinuguan sa plato. Sinimulan na niyang kumain.

Pinakiramdaman niya si Kennet habang patuloy na kumakain.

Ilang beses niyang sinusulyapan ang asawa at batid niyang alam ni Kennet ang ginagawa niya. Hindi naman kasi niya ito itinago.

"May kailangan ka ba sa kin?" Maya maya ay tanong sa kanya ni Kennet. Marahil ay hindi na nakatiis.

"U-um.." Wala siyang masabi. Ano nga ba naman ang sasabihin niya eh gusto lang niyang pagmasdan ang lalakeng pinakasalan habang kumakain.

"Spill it out, Alexa!" Iritado nitong sabi.

Tinapos niya ng mabilis ang pagkain at tumayo.

"Tapos ka ng kumain?" Salubong ang kilay na sabi ng asawa sa kanya.

"I'm done, Kennet. Maliligo na ako." Ngumiti siya ng pilya. "Come to think of it. Two years na tayong mag asawa pero hindi pa natin ginagawang maligo ng sabay, Kennet. And i will be thrill kung gagawin natin iyon ngayon."

"Two years din tayong hiwalay, Alexa. Huwag mong paasahin ang sarili mong mahal pa rin kita tulad ng dati." Ipinagpatuloy na nito ang pagkain.

Para siyang sinapak ng sampung beses sa sinabing iyon ng asawa. Hindi na ba siya mahal ng asawa? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi nito magawang matulog na katabi siya sa nagdaang dalawang gabi?

MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon