Chapter 13

3.1K 83 16
                                    

Kennet's Third POV

"Bakit ba hindi ka pa pumasok sa loob, Alexa?" Kasalukuyan siyang nag e enjoy sa pag star gazing ng mag isa. Nang bigla na lamang dumating ang asawa at nahiga sa tabi niya.

Napasimangot ito. "Eh sa gusto kong mag abang ng shooting star! May angal ka?"

Napailing na lamang siya. Sa totoo lang ay hindi maalis hanggang ngayon ang ginawa ng asawa sa Walter Mart. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mangiti.

"Smiling like crazy." Sabi ni Alexa.

"May naalala lang akong nakakatawa." Amin niya.

"Naalala or inaalala?" Tanong ulit ng asawa niya na nakasimangot pa rin.

"Naalala kaya huwag kang tamang hinala diyan!" Saka natawa ng maikli.

Ngumiti ito at saka tumitig ng husto sa madilim na kalangitan. Na para bang may pilit na hinahanap sa walang hanggang kalawakan ng mga bituin.

"I can't help thinking the way we were before, Kennet.." Maya maya ay sabi ni Alexa. "We're both so happy and carefree back then.. Kaya bakit nagkaganito tayo ngayon..?" Dagdag pa nito.

Hey! Bakit naging melodrama ang atmosphere?

"Bakit nagkaroon ng two years gap ang love story nating dalawa..?" Tanong ulit ni Alexa sa kanya.

May maisasagot pa ba siyang iba sa tanong ng asawa? Bukod sa siya ang dahilan ng naputol at nawalang dalawang taon sa pagsasama nilang dalawa.

"S-siguro dahil.. Dahil naging mahina ako ng mga oras na yon." Amin niya.

WTF!

Pati siya ay nahawa na! Kailangan na niyang mag exit at baka kung saan pa mapunta ang usapan.

"At ngayon?"

"Hindi na!" Saka bumangon mula sa pagkakahiga.

"Oh! Saan ka pupunta?"

"Maghahanda! Darating ang mga pinsan ko ngayon para pag usapan kung saan pupunta ngayong summer." Nakangiti niyang sagot.

Bumangon din ito agad. "May outing tayo?" Paniniguro ni Alexa sa kanya. Na para bang nagbibiro lamang siya ng sabihin niya ang tungkol sa outing.

"Oo!" Natatawa niyang sagot at saka nauna ng pumasok sa loob ng bahay.

Tinungo niya agad ang kusina at nakitang naroroon ang kapatid. Na abala sa pagpe prepare ng memeryendahin nilang magpipinsan.

"Anong meryenda para mamaya?" Usisa niya.

Nilingon lang siya saglit at nagpatuloy na sa ginagawa. "Ate Alexa, tara dito." Nakangiting yaya ng kapatid.

Hindi pa siya nakakapagtanong na may halong pagtataka ay nilagpasan na siya ng asawa mula sa likuran niya.

Iyon naman pala. Nasa likuran pala niya ang asawa na hindi man lang niya namalayan na nakasunod pala. Kaya naman pala ganon ang naging sagot ng kapatid na si Suzie.

Napailing na lamang siya at saka lumapit na rin. "May maitutulong ba ko?" Usisa niya.

"Wala, kuya." Sagot ni Suzie.

"Kennet, could you get the apples and grapes in the ref?" Utos sa kanya ni Alexa at saka bumaling sa kanya at kumindat. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagtulong kay Suzie. Sa paggawa ng buko salad.

Tumango siya kahit hindi naman na nakatingin sa kanya ang asawa. At saka tinungo na ang ref para kunin ang dalawang klase ng prutas.

Pagkabalik niya ay dala na niya ang anim na pirasong mansanas at 1/4 na ubas. Iyon na lahat ang kabuoan ng dalawang klase ng prutas.

MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon