Chapter 9

3.6K 83 4
                                    

Alexa's Third POV

Kasalukuyang nakaupo si Alexa sa executive chair niya sa mismong dati niyang opisina.

Wala ang kapatid na si George na humalili sa dati niyang pwesto. Hindi pa daw ito pumapasok kaya naman ilang beses na niyang sinubukang kausapin ang kapatid sa cellphone nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin macontact ang kapatid.

Si Suzie ay nanatili lamang na nakaupo sa kanang bahagi ng dalawang upuan na nasa harap ng office desk niya. Hinahayaan lamang siya nitong makapag isip ng dapat niyang gawin. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang pakikipag usap niya sa mga share holder.

Pagkatapos nilang mag usap ng lolo niya at sekretarya, sa mismong pad ng matanda, ay tinungo na nilang dalawa ni suzie ang dating opisina.

Inaasahan niya na madadatnan ang kapatid sa opisina na nito ngayon. Dahil may connecting door sa opisina papunta sa conference room ng VGC. Pero ang hinayupak niyang kapatid ay wala at hindi niya mahagilap kung saang lupalop na ng Pilipinas o ng mundo matatagpuan ang kapatid. Ang ikinaiinis pa niya ay malapit ng magsimula ang meeting at importante ang presensya ng kapatid. Dahil ito na ang bagong tumatayong pinuno ng VGC. Kaya naman ilang beses na niya itong tinatawagan pero naka off pa rin ang cellphone nito.

Kapag hindi ka sumipot, Georgina. I swear to God i'm going to kill you a million times and in a million ways! Letseng bakla! Himutok niya.

tumingin siya sa wrist watch. Labing limang minuto na lang at magsisimula na ang meeting.

"Damn you!" Asik niya na wala sa loob na naisatinig niya. Narinig niyang mahinhin na natawa ang sister-in-law niya. Nahihiyang tinapunan niya ito ng tingin. "Sorry.." Despensa niya.

"Ano ba ang nangyayari sayo, Ate Alexa." Nakangiti nitong sabi.

Sasagutin sana niya ang hipag at ilalabas ang sama ng loob para sa kapatid. Nang makuha ang atensyon nilang dalawa ni Suzie ng pamilyar sa kanya na tunog ng alarm clock. Pumailanglang sa buong opisina ang talking alarm clock na para bang nakikipagtalik ang nakarecord dito. Worst! Boses mismo ito ng kapatid!

Si Suzie ay naeeskandalong pinamulahan ng mukha. Teenager pa lamang ito at hindi sanay sa ganoong kahalay na tunog.

Kaagad siyang tumayo. Walang duda na ang kapatid ay nasa silid pahingahan mismo ng opisina. May kitchen din ang opisina at bathroom. Ipinasadya talaga ang ganoong set up ng opisina upang magawa ng bawat nauupong pinuno ng VGC ang dapat ay ginagawa sa tahahan.

Tinungo niya ang pinto para sa silid. Pinihit niya ang doorknob pero naka locked ito.

"George!" Sigaw niya kasabay ng sunud sunod na malalakas na pagkatok niya. Kung pwede nga lang gibain ang pintuan at kaladkarin palabas ang kapatid. Siguradong ginawa na niya!

Ipinagpatuloy pa niya ang malalakas na pagkatok at lalo pa niyang nilakasan. Wala siyang pakealam kesehodang mabulabog man ang buong VGC building.

Ilang saglit pa at marahang bumukas ang pinto at iniluwa ang kapatid.

"Damn you, George! Kanina pa kita kino contact pero naka off ang cp mo! Iyon naman pala ay sarap na sarap ka sa pagtulog!" Litanya niya pero sumenyas ito sa kanya na manahimik. Wala din sa kanya ang atensyon nito.

"Relax, Sis." Kalmante lang nitong sabi. "Oh my, look what i've found." Nakangiti nitong sabi na hindi siya ang kinakausap.

Napabaling siya sa direksyon ng mga mata ng kapatid. Then she found Suzie with eyes sparkling and full of admiration towards her brother George.

Nilapitan ito ng kapatid. Showing his deadly and sinful smile. Revealing her brother's perfect sets of white teeth.

"Mind if i ask your name, Cupcake?" Tanong ng kapatid niya kay Suzie.

MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon