Chapter 14

3K 83 46
                                    

Alexa's Third POV

Pagdating na pagdating nila sa Manila Yacht Club ay hindi na magkamayaw sa paghanga ang mga Montereal.

Nasa harapan kasi nila ngayon ang ipinagmamalaki niyang yate, ang Empress, na siya mismo ang nagmamay ari.

Ang kapitan ng sasakyang pangdagat niya ay walang iba kundi si Mang Ruben. Her father's good friend way back on her father's college days.

Kahit matagal ng namayapa ang ama niya. Ay pagtuloy pa rin sa paglilingkod ng tapat si Mang Ruben sa mga Villagracia. Especially sa kanya.

Every time na nagkakausap silang dalawa ng matanda. Ay wala itong ibang bukang bibig kundi ang mga kalokohan ng ama niya at nito mismo ng kabataan pa nila.

Ayon kay Mang Ruben ay likas na lapitin ng mga babae ang ama niya. Na may mga ilang pagkakataon na napapaaway pa ang ama. Dahil inaabangan mismo ng mga kasintahan ng ilang nagkakagusto sa ama niya.

"Alexa, diyan ba talaga tayo sasakay papuntang Bora?" Usisa ni Wendy na hindi pa rin makapaniwala sa namamalas ng mga mata nito.

Masaya siyang tumango bilang kumpirmasyon sa tanong ni Wendy. Hindi lang kay Wendy kundi para na rin sa lahat ng mga Montereal.

"Paano naman yong dalawang sasakyan natin sa parking area?" Tanong naman ni Marcus.

"Don't worry 'bout those two cars, Marcus. Everything is smooth sailing according to my plans." Nakangiti niyang sabi.

Nginitian naman siya ni Marcus at hindi na nagtanong pa.

"Ok, Guys! Sumampa na tayo sa Empress para masimulan na nating maglayag." Nakangiti niyang sabi at saka nauna ng sumampa sa yate na pag aari.

Kaagad namang sumunod ang lahat sa kanya. At ilang sandali pa ay lulan na silang lahat ng yate.

Makalipas ang ilang minuto ay tinanggal na ng dalawang seaman crew ang pagkakatali ng yate. Pagkatapos ay iniayos na ang hagdanan. At ilang saglit pa ay naglalayag na sila sa karagatan ng Manila Bay.

Siya na mismo ang naghatid sa mga Montereal sa mga cabin ng mga ito. Ang ilan ay nagsama sama sa iisang cabin para magkasya silang lahat sa mga pagpapahingahan mamaya maya.

Pagkatapos ay niyaya niya si Kennet at si Suzie at pati na rin si Cindy at ang asawa nito sa kitchen para magkape. Pinaunlakan naman siya ng mga niyaya niya.

"So what do you think, Guys?" Nakangiti niyang tanong ng nagkakape na sila.

Ngumiti si Cindy. "Ano pa nga ba ang aasahan sa isang Villagracia. This is indeed a luxury."

Napasimangot siya na ikinatawa ng mga kasama.

"Honey, huwag mong pag isipin ng hindi maganda ang asawa ni Kennet." Natatawang sabi ng asawa ni Cindy. Si Josh Albano.

"Alexa, wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Natutuwa kaming lahat na makasakay sa ganitong kamahal na sasakyang pangdagat." Natatawa din na sabi ni Cindy.

Tinapik naman siya ng asawa. Nakangiti itong tumango sa kanya. "Salamat sa effort para sa angkan naming mga Montereal, Alexa." Sinsero ang pagkakasabi nito sa pagpapahayag ng pasasalamat.

Damn this bastard! Hello! I'm also a Montereal and your legal wife! Grrrrr! Angal niya sa isipan.

Pinandilatan niya ang asawa at pagkatapos at nginitian ang mag asawa. "I'm happy that i became a big help for my cousins-in-law." Pinagdiinan niya ang cousins-in-law at pagkatapos ay binalingan muli si Kennet at pinandilatan na naman niya.

MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon