Chapter 18

4.6K 122 113
                                    

Making love..

Under the moonlight..

So wild..

And passionate..

And very romantic..

Two hearts joined as one..

Kennet's Third POV

Alas tres pa lang ng hapon. Ang mga pinsan niya at kapatid ay namamasyal sa paligid ng villa. At silang dalawa lang ni Alexa ang naiwan sa villa bukod sa mga kasambahay.

His wife is taking a shower for an hour now. Ikinaiinis niya ang katagalan ni Alexa sa tuwing naliligo. Gusto niyang gibain ang pinto at saluhan ang asawa. He can't stand the urge of having Alexa in his arms and making love passionately.

Damn you, Alexa! Mamamatay na ko sa imaginations ko sayo pero mukhang nakatulog ka na sa paliligo!

Gusto na niya talagang gibain ang pinto at pasukin si Alexa. And then.. Make love to his wife! Baka kasi magdatingan na ang mga pinsan niya at kapatid. Maudlot na naman ang pag angkin niya sa asawa. Their first love making and honeymoon. At nahihirapan na siya sa pamumukol ng pantalon niya.

Damn!

Hindi na siya nakatiis! Hindi na niya kayang maghintay! Bumangon na siya at tinungo ang pinto ng banyo. Iniangat ang kanang kamay para kumatok.

Tok! Tok! Tok!

Hindi siya ang kumatok!

"Alexa, Kennet, may bisita kayong naghihintay sa salas." Si Manang Salud!

Naibagsak niya ang mga balikat sa frustration. At marahang lumapit sa pinto ng kwarto para pagbuksan si Manang Salud.

"Manang, naliligo pa ho si Alexa." Kaagad niyang sabi ng mabuksan ang pinto.

Tinitigan muna siya ni Manang Salud at pagkatapos ay ngumiti. "Pakisabi kay Alexa na nasa baba si Alicia at hinihintay kayong dalawa."

"Kaming dalawa ni Alexa, Manang? Sigurado ho kayong kasama ako sa hinihintay?" Paniniguro niya. Hindi naman niya kilala yong Alicia na naghihintay daw sa salas.

Tumango ito. "Kinakapatid ninyo si Alicia sa kasal." Saka tumalikod na.

"Sandali lang ho, Manang. Sasabay na ho ako sa inyong bumaba." Saka sabay na nilang dalawa ni Manang Salud tinungo ang salas para harapin ang bisita.

He saw a very sophisticated woman sitting on one seated sofa. A spanish mestiza. And as sexy and hot like his Alexa.

Nagbabasa ito ng magazines. Kaya hindi siguro namalayan ang pagdating nilang dalawa ni Manang Salud.

"Alicia, naliligo pa si Alexa." Pagpapaalam ni Manang Salud.

Ibinaba ng babae ang binabasang magazine. At maluwang ang pagkakangiti ng balingan silang dalawa ni Manang Salud.

"Manang, sino ba yang gwapong kasama mo?" The woman's voice sounds teasing and very friendly.

"Naku itong bata na to. Asawa ng kaibigan mong si Alexa. Nauna ng bumaba para harapin ka." Paliwanag ni Manang Salud.

MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon