Alexa's Third POV
Nagkayayaang maligo ang mga pinsan ng asawa kasama ang kapatid na si George. Sa mga di nakakaalam na homosexual ang kapatid. Kahit saang anggulo ay hunk na hunk ang dating ng kapatid. Tanging silang tatlo lang ng asawa at ng hipag ang nakakaalam ng totoo. Katotohanang kasing linaw ng tubig.
Nasa ilalim siya ng umbrella kasama si Kennet. Kapwa may nakapaloob na pampaligo sa ilalim ng damit.
"Ayaw mo pa bang magjoin tayong dalawa sa kanila, Alexa. Hindi ka ba naiinggit kay Georgina? Enjoy na enjoy sa paliligo." Biro sa kanya ni Kennet.
Umiling siya. "Doon na lang kaya tayo sa room natin?" Pilya niyang tanong.
"Whoa! Gusto ko yang naiisip mo, Alexa. Pero hindi pwedeng malingat tayo sa kapatid mo. If you think what i'm thinking." Nakangiti nitong sabi.
Tama si Kennet. Kasama nila si Cindy na isang assistant editor. Kapwa nilang mag asawa na hindi gugustuhing mabunyag ang sekreto ng kapatid.
Maya maya ay lumapit sa kanila si Greg. Mukhang napagod na ito sa paglalangoy.
"Iyong kapatid mo, Alexa. Kung hindi lang mukhang modelo ang katawan. Aakalain kong bading." Bungad ni Greg.
"Bakit?" Usisa niya.
"Grabe makalingkis!" Natatawang sabi ni Greg.
Natawa naman si Kennet sa sinabi ng pinsan.
Hindi man lantarang sabihin ng asawa. Batid niyang pinagtatawanan ni Kennet ang pinsan nito sa isipan.
Ngumiti siya. "George always wanted to have brothers when we were just kids. Sa kasamaang palad ay hindi natupad iyon ng mamatay ang parents namin sa aksidente." Atleast totoo ang sinabi niya.
Totoong gusto ni Georgina na magkaroon ng mga kapatid na lalake ng mga bata pa sila. Iyon nga lang ay isinumpa ng tadhana ang kapatid. Nakulong ang pusong babae nito sa katawan ng isang lalake. And the fact that their mother is nine months pregnant, nang maganap ang aksidente, ay dinamdam ito ng husto ng kapatid. May bunsong kapatid na sana sila ngayon. Pero ganon kalupit magbiro ang tadhana.
Ngumiti at tumango si Greg. "Kung ganon ay kami ang magiging kapatid niyang mga lalake." Bukal sa loob ang pagkakasabi nito.
"Thank you so much, Greg. Mabait naman ang kapatid kong iyon." Sinsero niyang pasasalamat.
"Bakit nga pala hindi pa kayong dalawa naliligo?" Usisa nito.
Tumikhim si Kennet. "May lahing pusa kasi ang asawa ko, Greg." Biro nito.
Natawa si Greg. "Iyon lang! Babalik na ko sa kanila. Pero iinom muna ko at kanina pa ko nauuhaw." Saka kumuha ng baso at lumapit sa coolman jag. Nang makainom ng juice ay sumenyas na itong maliligo na ulit.
"Hindi ka pa rin ba naiingit sa kanila?" Usisa ni Kennet pagkaalis ng pinsan.
"Gusto mo ba bang maligo?" Balik tanong niya.
"Kanina pa!" Natatawa nitong kumpirma saka hinubad na ang puting polo shirt nito.
She's been mesmerized by the sight of her husband's upper body. Nagbubukulan ang mga muscles nito sa katawan. Walang katiting na taba na nakikisingit sa katawan ng asawa. It's like Kennet is an incarnation of a greek god.
Kennet grinned. "Huwag kang maglaway diyan, Alexa. We are already married and that means i'm yours." Kennet is teasing her.
Inisnob niya ang asawa at saka ngumiti ng pilya. And then she undressed her shirt. Revealing her sexy and beautiful upper body. She's wearing a yellow two piece bikini. At napansin niyang si Kennet naman ang napatitig sa kanya. Huhubarin na niya ang red short niya.
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)
RomanceWhat if you got married to a very sexy and stunning beautiful woman. Then you accidentally found out that your wife is totally freakin' super rich. What would you do? I'm Kennet Montereal STATUS: MARRIED! Who's my wife? Si Alexandra Villagracia lang...