Love blooms..
In every paradise..
You just need..
To wait for Cupid..
To start working..
And then..
Two hearts will be
Forever in love..
Kennet's Third POV
Hindi niya mapigilang hindi mapahanga sa kagandahan ng isla. Kahit madilim ang paligid ay hindi maitatanggi ang karisma at atraksyon ng isla.
Sa mga buhanginang gilid ng dagat, sa tapat ng magarbong hotel, ay namumutiktik ang mga turista at mga mayayang tao.
Kanya kanyang bonfire ang bawat mga grupong halos nakapila sa gilid ng dagat.
Nang dumating sila sa seaport at makababa sa yate. Dalawang Montero Sport ang sumalubong sa kanila. At nagdala sa kanila sa hotel sa isla.
Ang hotel ay hindi maitatanggi na isang primera klase. Western architecture ang desenyo ng hotel.
Ang dagat ay nagniningning naman sa kadiliman ng gabi. Binibigyang buhay at kulay ng mga di mabilang na mga panauhin sa Fuego. May mga fire dancer din na nakakalat. At nagbibigay kasiyahan sa mga panauhin ng isla.
Tulad niya ay hindi rin maitago sa mukha ng mga kasama ang matinding paghanga.
"This place is a paradise.." Napasinghap na sabi ng pinsang si Cindy.
"Yes this is a paradise." Narinig niyang sagot ni Alexa.
"Wow! Dito ba talaga ang summer outing natin?" Manghang tanong ni Gwen.
"Yes! Pero hindi ang hotel ang tutuluyan natin. Kundi sa villa." Sagot ulit ng asawa niya. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone at may kinausap.
Binalingan niya si Alexa at pinagmasdan ang maamo at magandang mukha nito habang may kausap.
A real beauty that men should behold. Naisaisip niya.
"Damn you, George! Anong ginagawa mo dito sa Fuego?!" Napangiwi siya sa malakas na boses ng asawa.
Nang padabog na ini end ni Alexa ang cellphone nito at ibinulsa. Hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito at hapitin ang bewang. At napamaang na napatitig naman sa kanya ang asawa.
Isang masayang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Naroroon ang assurance na ok lang kahit nasa island ang kapatid nito. Na kayang itago ni George ang sekreto na isa itong gay.
Kumunot ang noo niya ng ipikit ni Alexa ang mga mata at iniumang ang mga labi para hagkan niya. Hindi tuloy maiwasan ang pangangantiyaw ng mga pinsan at ng kapatid na si Suzie.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Nagkakaisang panunukso ng mga pinsan niya.
"For romance's sake, Kennet! Give your wife a warm and loving kiss!" Natatawang kantiyaw sa kanya ni Cindy.
He really wanted to kiss his wife too. Pero di uso sa kanya ang PDA! Kaya naman hinila na niya ang asawa palapit sa hotel.
"Napaka unromantic mo talaga!" Angal ni Alexa.
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A HEIRESS (MONTEREAL SERIES 1)
RomanceWhat if you got married to a very sexy and stunning beautiful woman. Then you accidentally found out that your wife is totally freakin' super rich. What would you do? I'm Kennet Montereal STATUS: MARRIED! Who's my wife? Si Alexandra Villagracia lang...