Third

944 24 5
                                    

Past

"Anak, okay ka lang ba?" Agad akong napatingin kay mama na ngayon ay malungkot na nakatingin saakin.

"Opo naman, ma. Mukhang ikaw po ang dapat kong itanong kung okay ka lang po ba?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa bus station at naghihintay ng bus na papuntang Cagayan De Oro. Ngayong araw, na kasi na ito lilipat na kami sa probinsya ni mama, doon na kami permanenteng titira dahil nawalan kami ng tirahan sa Zamboanga. Si mama ay isang waitress sa isang fastfood ngunit mga ilang buwan pa lamang ay tinanggal na agad siya dahil sa ilang beses niyang pagkakamali sa trabaho. Baon rin kami ni mama sa utang kaya kinuha ang mga gamit namin pati na ang buong bahay kaya ngayon ay walang-wala kami. Kaya ngayon, naisipan ni mama na bumalik na kami sa probinsya niya para doon na manirahan.

Okay na okay saakin iyon dahil simula bata pa lamang ako na ikw-kwento na ni mama saakin ang bahay nila sa probinsya. Maaliwalas daw ang hangin. Tapos maraming puno kaya mahangin ang lungsod. Dati ko pa gustong pumunta sa probinsya ni mama kaso hindi kami nakakapunta dahil nga sa trabaho ni mama pero ngayon, makakapunta na kami at doon na nga titira.

"Sorry anak kung kailangan nating lumipat ng tirahan ah. Walang-wala na kasi tayo rito eh. Hindi gaya sa CDO mayroon tayong bahay roon at may mga kaibigan pa akong pwedeng mahingian natin ng tulong." Pagsisimula ni mama. "Sorry kung kailangan mong iwanan ang mga kaibigan mo ha? Di bali, kapag may kaunti na tayong pera, papayagan kitang bisitahin ang mga kaibigan mong nandito sa Zamboanga." Pagpapatuloy pa nito.

"Ano ka ba naman, ma. Okay na okay saakin ang paglipat natin no'! Dati ko pa kayang gustong pumunta sa probinsya mo. Tuwang-tuwa nga ako nang ipinamalita mo iyan saakin eh." Ngiting saad ko sakaniya.

"Sigurado ka ba anak? O baka sinasabi mo lang iyan para mapagaan ang loob ko? Anak, hindi mo na--"

Pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagyakap sakaniya ng mahigpit. "Ma, sinasabi ko po ang totoo. Hindi po ako nagsisinungaling, okay?" Tumango siya at niyakap rin ako ng mahigpit.

"Oh, nandiyan na pala ang bus na sasakyan natin. Tama na ang drama, nakakasira ng beauty." Natawa ako sa sinabi ni mama. "Oo nga. Hay nako, baka masira pa ang beauty ko at baka wala nang magkagusto saakin." Sabay kaming natawa ni mama at nagsimula nang umakyat nang bus.

Habang papaalis pa lamang ang bus na sinasakyan namin, pinagmasdan ko ang Zamboanga nang huling beses. Siguradong mamimiss ko ang Zamboanga, balang-araw babalik rin ako rito. Napatingin ako sa kamay ko nang may maramdaman akong humaplos roon. Tinignan ko si mama na nakangiting nakatingin saakin habang patuloy na hinahaplos ang aking kamay.

Nginitian ko siya pabalik at sumandal na sa balikat niya.

"Ma, bakit iniwan tayo ni papa?" Naramdaman kong nagulat si mama sa tanong ko.

"B-Bakit mo naman natanong iyan?"

"Noon ko pa po gustong itanong iyan, wala nga lang pong time para magtanong ako sayo dahil parati po kayong nasa trabaho." Kagat labing saad ko. Dati'y pa gumugulo sa isip ko kung paano nagawang iwanan ni papa si mama. Kahit mahirap lamang si mama, nakapagtapos siya nang pagaaral, hindi pa mapagkakailang maganda siya, may mabait rin siyang puso, at marami pang iba. Kaya ipinagtataka ko kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon?

"Anak, sorry kung lumaki ka na walang ama ha. Kasalanan ito nang, ama mo eh! Kung hindi niya ako ipinagpalit sa babaeng iyon. Hindi ka sana lumaking walang ama. Hay nako!" Napaangat ako ng tingin kay mama at hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito.

"Ma, hindi mo na po ba mahal si papa?" Nakita kong napatigil siya dahil sa tanong ko.

"Sorry ma, baka--"

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon