"Effy, namiss kita!" Yumakap ng mahigpit sakin si Trisha. Natawa na lamang ako at niyakap din siya pabalik.
"What's with your hair, Trish? Bakit ka nagpagupit ng sobrang igsi? Altough, bagay sayo." Pag-amin ko.
Nakita ko ang pagbago ng mukha niya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya pero saglit lang yun.
"Nothing, Ef. Gusto ko lang ng bagong hairstyle." She smiled but I know it's fake.
"By the way, nakita ko si George kanina. Parang wala sa sarili, tulala e." Tumaas ang kilay nya sakin.
Hindi ko pa nasasabi sakanya ang mga nangyari kahapon. Hindi ako nagkaroon ng lakas nang loob na sabihin iyon kay Trisha.
"Hindi ko alam, Trisha. Baka bad mood lang yun."
Nag-vibrate ang phone ko pero di ko iyon agad kinuha dahil kausap ko si Trisha. Nang mawala ang atensyon niya sakin saka ko lamang patagong binuksan iyon.
George:
Where are you? Are you avoiding me, Effy?
What?
Ako:
No baby, no. Nasan ka? Pupuntahan kita.
Tumayo na ako. May ilang minuto pa bago magbell kaya pupuntahan ko muna si George.
"O, san ka pupunta?"
"Bibili lang." Saad ko pagkatapos ay agad umalis.
Naghintay ako sa text niya pero wala parin kaya hinanap ko na siya sa buong school.
Nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya pero nawala iyon ng makita kong nasa likod siya ng school.
Napawi ang ngiti ko ng makitang naninigarilyo siya. Kaya, mabilis akong lumapit sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit galing sa likod.
"I miss you, George." Tumingkayad ako at hinalikan ko ang batok niya, papunta sa gilid ng leeg niya pataas sa kaniyang tainga.
Ramdam kong natigilan siya at tumaas ang balahibo niya na ikinatuwa ko naman.
Dahan-dahan kong hinablot ang sigarilyo niya habang hinahalikan ang pisngi niya.
"Fuck." He moaned. Oh god! he freaking moaned! So sexy!
Nang maibato ko na sa malayo ang sigarilyo niya saka ako lumayo sa likod niya at lumipat sa harap.
"I'm sorry kung naramdaman mong iniiwasan kita. Marami po kasi akong ginagawa e. Sorry na po, sweetheart." I kissed his lips before sitting in his lap.
Umungol siya at pinalibot ang dalawang kamay saking bewang.
"I thought you'll going to ignore me because of what happened."
"George, di ko kaya yun. Alam mo na mang binuhay ako para sayo diba?" Kitang-kita ko kung paano mamula ang mga tainga niya. "at hawak mo na ang puso ko. Ikaw na ang bahala kung ano ang gawin mo rito." Buong sensiredad kong sinabi.
Wala siyang sinabi kung hindi ang yakapin ako ng mahigpit.
______
"Mukhang araw-araw na akong ihahatid at susunduin ni mama." Kwinento ko sakaniya ang nangyari kanina samin ni mama.
Bumuntong-hininga si George kaya't ramdam ko ang mainit na hininga niya saking leeg. "Kinausap rin ako ni mama na layuan ka. You know Ef, hindi ko pa nasusuway ang mama ko simula nung bata pa ako. I love her so much pero kung patuloy niyang gagawin ito? Itong gusto niya tayong paghiwalayin? for the first time in my life, susuwayin ko ang gusto niya" Ani niya.
Nagcut classes kami. Nang mag-ring ang bell, hindi ko kayang tumayo. Gusto kong manatili sa tabi niya. I'm so addicted to George. Maski siya ayaw rin tumayo, sinabi pa niyang magcut classes kami kaya ito kami ngayon nasa likod ng school naglalambingan.
"George, I need to talk to my dad." Bulong ko.
"Hm," hina-halikan niya ang pisngi ko pagkatapos ay sa leeg ko. Gumapang rin ang kamay niya sakin.
"Dahil sakanya kaya naging ganun si mama. Marami akong gustong sabihin sakaniya."
Wala siyang sinabi kaya nanahimik na lang din ako.
"Let's just ran away, baby. I want you to run away with me."
Muli akong nagulat ng sabihin muli iyon ni George. Oo, mahal na mahal ko siya pero di ko pa talaga kayang bumukod kasama siya. Ang babata pa namin. Paano namin mabubuhay ang isa't-isa? At hindi ko talaga kayang iwan ang mama ko.
Tumayo ako sa pagkaka-kandong sakaniya at hinarap siya. "George, alam mo naman na-"
"Effy! Kaya kitang buhayin ng mag-isa! Hindi natin kailangan ang mga magulang natin. Sweetheart, ikaw lang ang kailangan ko. Kung patuloy na gagawin ito ng mga magulang natin, makikita mo na lang ako sa labas ng bahay nyo, hinihintay kang bumaba at magta-tanan tayong dalawa." Nag-igting ang kaniyang panga habang mariin akong tinitignan.
"Wala na akong pakialam, Effy. Ikaw na lang ang pake ko."
"G-George."
"Kaya kung ako sayo, sisimulan ko na ang page-empake ko ng maleta. Sa ayaw man o sa gusto mo, magtatanan tayo," Nakangisi niyang saad. Tumayo siya at hinarap ako. Hinuli niya ang aking katawan at ikinulong sakaniyang bisig. "Ito ang gusto mo diba? Ang mahulog ako sayo ng todo? Ngayon, Effy Montaya, pagbayaran mo ito. Mahalin mo rin dapat ako ng todo." Pagkatapos nun ay buong puso niyang inangkin ang aking labi.
_____
A/N:
Happy New Year everyone! Short update for y'all! Thank u so much for 16k reads omg!! I luv you guys!!
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE
