Thirty Sixth

258 5 2
                                    


Kasabay ng pagbanggit niya sa mga katagang iyon, ang pagsakit bigla ng dibdib ko. Napahawak ako saaking dibdib at iisa lamang ang tumatakbo sa aking isip.

Gusto kong makipag-tanan sakaniya.

Sana ganun kadali ang lahat ngunit hindi e. Hinarap ko siya at hinaplos ang kaniyang perpektong panga. Inosente itong nakatitig sakin habang paikot-ikot ang haplos ng kanyang daliri sa aking likod. It sent shivers down my spine.

Hindi ko mapigilang lapitin ang mukha ko sakaniya at buong pusong hinalikan ang kaniyang matangos na ilong pababa sa mapupula niyang labi.

"Uwi na tayo, George. Paniguradong hinahanap ka na ng mama mo."

Kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa aking baywang.

Akmang lalayo na ako nang agaran niyang hinablot ang aking siko at isinandal ako sa railings. Tinungkod niya ang dalawa niyang kamay sa railings. Halos ikulong niya ako.

"I'm serious Effy. Runaway with me."

Gusto ko, George. Gustong-gusto ko. Damnit!

"H-Hindi ganun kadali iyon, George. Marami tayong maiiwan kung magtatanan tayo. Kaya mo bang mawalay ng matagal sa mga-"

"Tangina Effy iiwan ko sila mama basta huwag lang tayo maghiwalay, huwag ka lang mawala sa 'kin. Mahal na mahal kita, Effy." bakas ang frustration sa boses nito. Niyakap ko siya nang mahigpit sa baywang.

"M-Mahal na mahal kita, George. Mahal na mahal." Tumingkayad ako upang mahalikan ang leeg niya. Natigilan ito saglit bago ako yakapin ng sobrang higpit.

"Damn. Gustong-gusto na kitang itanan alam mo yun?" Bakas sa mukha at pananalita nito ang pagkainis sa sitwasyon namin ngayon.

"Ba't ba kasi nangyari satin 'to? Minahal lang naman natin ang isa't-isa ah! Bawal ba? tangina!"

Inipit ng dalawa kong kamay ang kaniyang magkabilang pisngi. "It's okay baby, it's okay. Baby, It's okay." Paulit-ulit na banggit ko sakaniya. Hinawakan niya ang kamay kong nakalagay sa pisngi niya at malakas na bumuntong hininga.

"I understand. Kaya kong iwan ang mga magulang ko at buhayin ang sarili ko, pero ikaw, hindi ka pa handa sa ganoong bagay diba? It's okay, sweetheart. I understand now." Hinalikan niya ang noo ko.

"Kahit gustong-gusto ko nang tumakas tayong dalawa..." We both laughed.

Natigilan kami pareho ng magring ang phone ni George. Hindi niya ito pinansin at hinalikan agad ako. Pinalibot ko ang aking braso sakaniyang leeg at hinalikan rin siya pabalik ngunit patuloy ang pagtunog ng kaniyang phone kaya lumayo na ako.

"Answer it, George. Baka importante." Kinagat niya ang labi niya bago kinuha ang kanyang phone.

"What!?" Inis na untag nito. Hinaplos ko ang kaniyang braso para kumalma siya na mukhang naging epektibo naman.

"M-Mom." Natigilan siya at napatingin sa akin. Napakagat ako sa labi ko at sinenyasan siyang aayusin ko ang mat na ginamit namin.

His mom called.... What if she knew that I'm with her son? Tiyak na malaking gulo ito!

Nang maitapon ko na ang mga kalat namin at naitupi na rin ang mat na ginamit namin, saktong natapos na rin siya sa pakikipag-usap sa mama niya.

"Let's get you home." Hinablot niya ang aking kamay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinintay niya akong makapasok bago isinara iyon.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila ng mama niya pero nanatili na lamang akong tahimik. Hanggang makarating kami sa bahay, walang nagtangkang magsalita.

Bumuntong-hininga ako. "See you later at school, George." Hinalikan ko siya sa pisngi bago buksan ang pinto.

"See you later." Ngumiti siya sakin.

Sinundan ng aking tingin ang kaniyang kotse hanggang sa mawala na ito. Muli akong bumuntong-hininga at pumasok na ng bahay.

Nagpasalamat ako ng hindi ko nakita si mama sa sala o sa kusina siguradong nasa kuwarto pa ito at mahimbing na natutulog kaya dumiretso na ako sa aking kuwarto para magasikaso.

_____

Natahimik ako ng makita si mama sa kusina na nagluluto ng scrambled eggs. Napabuntong-hininga ako at lumapit sakaniya. "Good morning po." Hinalikan ko siya sa pisngi bago umupo sa harapan ng lamesa.

"Effy, pagkatapos mo sa school diretso uwi agad." I just nodded.

"Do you hear me?" Malamig at may awtoridad niyang sinabi. Um-Oo na ako agad.

"Good. Here's your breakfast, I'm just gonna have a quick shower. Wait for me, Ihahatid kita sa school mo." Nagulat ako pero hindi na lang nagsalita. Ayaw niya talagang magkita kami ni George kaya gagawin niya ang lahat hindi lang kami magkaroon ng oras...But, I'm sorry ma, magkasama kami buong gabi ni George at merong nangyari samin.

Nagvibrate ang phone ko at nakitang tumatawag si George. Napatingin ako sa likod ko kung nandun ba si mama at nang hindi siya nakita, agad kong sinagot ang tawag.

"Hey." I smiled when I heard his breathing. Kahit paghinga niya lamang ang naririnig ko...Okay na ako. Nababaliw na ata ako.

"Hey babe, ihahatid kita ngayon. Pupunta na-"

"No George! Not today! Ihahatid ako ni mama ngayon e." Kinagat ko ang aking labi ng matagal itong nagsalita.

"Oh....Okay. Then, I'll just see you in school?" Nai-imagine ko ang biglang pagsimangot nito kaya gusto ko itong yakapin.

"Yes George. I love you, bye."

"Yeah, I love you too." Saktong pag-off ko ng phone ay ang pagdating ni mama. Nagulat ako dahil muntikan na yun. Tinaasan niya lang ako ng kilay pagkatapos ay nagtimpla ng kape.

"Bilisan mo na Effy at baka malate ka."

"Opo ma."

"At oo nga pala, naisip kong magtinda ng mga pastries sa labas. Dahil kailangan na natin ng pera." Nagulat ako sa sinabi nito.

"P-Po? Pero saan ka naman po makakakuha ng pera para sa mga ingredients?"

"Ibebenta ko lahat ng instrumento ng lalaking iyon."

"M-Ma sigurado ka ba?"

Hindi ko malaman kung totoo ba yung sinabi ni mama o hindi. Ilang taon niya iyon pinangalagaan dahil importante yun sakanya at ngayon sinasabi niyang ibebenta niya iyon?

I also know that Mom changed. Nawala na ang masayahin nitong mukha. Umagang-umaga nga pero nakasimangot na ito.

So, I've decided that I will talked to dad.

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon