Thirty Second

295 7 1
                                    


"That's all for today. Class dismissed." Tumayo ang lahat at nagpaalam na sa prof habang ako ay hindi magkandauga-uga sa pag-lagay ng mga libro sa bag.

"Excited much, e?" Lumapit sa akin si Trisha at tinitigan ako. Nginitian ko lamang siya ng malaki. I'm really excited for today because tonight is the night that I'll meet George's parents.

"Aryt. By the way, may isusuot ka na ba?"

Nang maligpit ko na lahat ng gamit ko. Isinakbit ko na ang bag ko sa aking braso at hinarap siya.

"Of course. Ako pa ba?" Sumabay siya sa akin palabas ng room.

"Effy!" Natigilan kami ng may lumapit na tatlong babae sa akin.
Kita sa mga mukha nito ang tuwa.

"Yes?"

"Totoo bang pinili ang TALKHOUSE ng isang sikat na agency? Iyong CNB Entertainment?" May himig ng excitement sa boses nito.

What?

"I told you Marilou, They're gonna be big!" Saad ng isa pang babae, samantalang ako naman ay gulat na gulat parin sa nalaman. Did I heard it right?

"Diba, ang sikat na si Chad Rodriguez ay nandoon din? Oh god, sisikat na ang TALKHOUSE! I can't wait.."

"Effy? Narinig mo yun? Omg yung TALKHOUSE daw!" Sabi ni Trisha.

Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang tumalon sa tuwa o puntahan si George para itanong kung totoo ba ang balita.

"See you later, Trisha!" Iniwan ko sila at dumiretso sa kabilang building kung saan ang room nila George. Narinig ko pang tinatawag ako ni Trisha.

I can't wait to see George and ask him about the news!

Nang makarating ako sa floor nila. Karamihan na nandoon ay mga lalaki. Isa-isa kong tinitignan ang mga room para hanapin siya.

"Effy? What are you doing here?" Nang marinig ko ang boses ni Rush, Agad ko siyang nilapitan.

"Is it true!?"

"What-- Ohh, ang bilis ng balita ah!" Natatawang saad niya.

"Oh my god Rush! Dito na magsisimula ang mga pangarap niyo! Congrats! I'm so proud of you all!" Dagli ko siyang niyakap ng mahigpit. Tumatawa parin na isinukli ni Rush ang yakap ko.

"Thank you, Ef." He smiled widely.

Hindi naman nagtagal ang yakap dahil agad akong lumayo sakaniya. "Where's George?"

"Sabi na nga ba e. Ayun, nasa room pa ata nila." Tinuro niya ang dulong room. Tumango ako sakaniya bago mabilis na naglakad patungo sa room nila George.

"George..." Mahinang sabi ko habang dahan-dahang sinisilip ang loob ng room. Nakita ko siya sa harapan na kinakausap ang prof nila.

Akmang aalis na ako para pabayaan na muna sila ngunit natigilan ng makita ang bahagyang paghaplos ni Sir Romualdez sa matipunong braso ni George.

Walangyang baklang prof! Anong karapatan niyang hawakan ang pagmamay-ari ko! Putek, at may gana pa talaga siyang haplusin ang braso ng asawa ko ha? Hindi niya ba nakikita ang pag-iwas ni George?

Hindi ko natiis at pumasok na sa loob ng room. "George!" Malakas kong sabi, kaya bahagyang napalayo si Sir sa asawa ko.

"Effy." Ani George ng makapalapit ako. Niyakap ko siya sa baywang at nginitian ng malaki bago hinarap si Sir.

"Hi sir, pwede na po bang kunin si George? May gagawin pa po kasi kami, e." Magalang kong saad ngunit sa kaloob-looban ay naiinis.

"Yeah, sure. Tapos na rin naman kami mag-usap. Thank you, Mr. Santayana." Ngumiti pa ito bago lumapit sa mesa nito at inasikaso ang mga papel. Tss.

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon