"I'm sorry for calling you this late but your voice can calm my mind." Mahinang sabi nito.
Naginit ang gilid ng aking mga mata habang pinapakinggan ang boses ni George.
"W-What happened? I know your not okay...I can tell it with your voice, George. Magkita tayo?" Habang sinasabi ko iyon, tumayo na ako ng kama at nagpalit na ng damit. I badly wanted to see him.
"I'm outside your house,"
"What!?" Natigilan ako pero agad natauhan at madaling sumilip sa bintana. May pumasok na alaala saaking isipan na nagpangiti saakin.
He really likes to surprise me. Gustong-gusto niya akong gulatin sa mga plano niya.
"I'll be there in a second." Pinatay ko ang phone at dahan-dahang lumabas ng bahay. Hindi na pinagtuonan nang pansin ang magkaiba kong suot.
Pagkita ko pa lamang sakaniya, gusto ko nang umiyak sa sobrang tuwa. Madali ko siyang nilapitan at yinakap ng mahigpit.
Ramdam ko ang pagiging stiff ng kaniyang katawan sa biglaan kong pagyakap sakanya.
"I miss you so much, George. I miss you so much.." Marami akong gustong sabihin pero nawala iyon na parang bula nang makita ko siya.
"I miss you too, sweetheart. I'm so sorry.." Napakagat ako saaking labi ng makitang pula ang mga mata ni George.
"Let's go, somewhere." Habang yakap-yakap ko siya, ginamit ko ang kaliwa kong kamay para buksan ang driver's seat.
"Get in, George." Ani ko sakaniya pero parang wala siyang naririnig at patuloy parin akong niyayakap ng mahigpit. Uminit ang aking mukha ng maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking leeg.
"George, Dali na." Pero mas lalo pang humigpit ang yakap niya saakin.
I can't help but to smile and laugh a little. George looks like a five years old kid who lost his toy and decided to cry in to his mother's arms.
"George, kailangan nating pagusapan ang problema mo pero hindi dito.."
"I'm okay now. Because you're here." Napangiti ako sakaniyang sinabi pero agad ko itong pinalitan nang simangot nang ini-angat niya ang ulo niya para tignan ako.
"Alis tayo dito George." Nang tumango siya, dali-dali kong nilakihan ang pagbukas ng pinto at ipinasok siya roon. Pagkatapos ay lumiko ako para umupo sa passenger seat. Inistart na niya ang makina at tamad na nagmaneho.
"Where do you want to go?" Aniya.
"Somewhere. As long as I'm with you." I heard him laughed. Kaya't natawa na rin ako.
Napahawak ako sa magkabilang braso ko habang masayang pinagmamasdan ang magandang tanawin.
We're in the highest hill here in CDO. Kitang-kita ang buong syudad ng CDO. Ang mga city lights na nagmukhang mga bituin at ang buong syudad na nagmukhang galaxy. Damn, I don't know that there's a place like this here in CDO.
"The place is so beautiful, George. This place is so perfect." Nilingon ko siya. He's staring at me while there's a smile in his lips.
"Yeah. I found this place when I'm 12 years old." Tumango ako at muling ibinalik ang tingin sa syudad. Manghang-mangha ako sa nakikita pero natigilan ako nang may maramdaman akong pumulupot na kamay sa aking baywang. Tinignan ko ito.
Si George talaga.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. "I feel so safe right now sweetheart. And seriously I forgot my problems because of you." Naramdaman ko ang pagngiti niya saaking leeg na nagpataas sa aking balahibo. This is making me damn happy!
Napagdesisyunan kong harapin siya kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan sa akin. Ang dibdib niyang nakadikit saakin at ang dalawang kamay niyang nakapulupot parin sa aking baywang.
"What?" May bakas na ngiti sakaniyang bibig.
"Nothing. I'm just so happy right now. Nagkasama na ulit tayo. Ang tagal rin kitang hindi nakita." Saad ko. He smile and kissed my forehead.
"I'm sorry for not calling or texting you. Naging busy lang ako. How's the band?" Muli niya akong niyakap ng mahigpit at hinintay ang aking sagot.
"Well, they're doing good. Pansamantala nilang pinalitan ang drummer dahil wala ka pa. Bakit hindi mo man lang sinabi sakanila ang problema mo? Sobra silang nag-alala sayo."
"I don't feel like telling them my problems, Effy."
"Ah ganun ba."
"Yeah," Ramdam ko ang pagdrawing niya nang circles saaking baywang na nagpakiliti saakin.
"George, stop it." Hinawakan ko ang kamay niya at hindi iyon binitawan. But he keeps on making circles down there so I can't help but to laughed.
"Tama na. Seryoso na, George. Tell me your problem. Bakit hindi ka nagparamdam nang dalawang linggo?" Mahinang saad ko na kami lamang ang makakarinig.
He sighed then hugged me tight. Isiniksik niya ang mukha niya saaking leeg at halos maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking balat.
"My mom..." Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero hikbi niya ang sunod kong narinig.
"H-Hey, baby, George..stop crying! Hala." Niyakap ko siya sakaniyang baywang at pabalik-balik na hinaplos ang kanyang likod.
Ginamit ko ang isa kong kamay para i-angat ang kaniyang mukha pagkatapos ay pinunasan ang kaniyang mga luha. But his tears are continously flowing.
"E-Effy, My mom..she's in the hospital. She got confined." Mas lalong hinigpitan ang yakap saakin. Nagulat ako sakaniyang sinabi. Alam ko kung gaano kamahal ni George ang kaniyang ina. He's a mama's boy. Kaya ang mga ganitong pangyayari ay magpapaiyak talaga sakaniya.
"Shh..your mom will be fine. We'll pray for your mother's safety, alright?" I kiss his cheeks and hug him tight too.
Ramdam ko ang pagtango niya kaya tumango rin ako.
"Kaya pala hindi ka nakapasok ng school at hindi ka nagparamdam sa akin at sa banda?" Tumango uli ito. I smiled. Parang bata talaga umakto ngayon si George. Masaya akong nakita ko ang ganitong side niya.
"I love you so much.." Bulong ko sakaniya.
Nakita kong ini-angat ni George ang kaniyang mukha at hinarap ako. Matangkad si George kaya hindi na ako magtataka kung sumakit man ang leeg niya sa kakayuko para lamang mayakap at masiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.
"I love you so much.." Aniya. Naramdaman ko ang pag-angat nang dugo sa aking mukha at ang pagwawala ng mga paru-paru sa aking tiyan. Bumilis rin ang pintig ng aking puso.
"I'll never let you go, Effy. You're the only one who makes me feel this safe by just being in your arms and I love all of you so much. God. Hindi ko akalaing magmamahal ako ng ganto." Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at sinakop ng kaniyang mapulang labi ang aking labi.
His kisses are so passionate. Ramdam ko ang pag-agos nang pagmamahal niya saakin. His kisses are so inviting kaya't hindi ko namamalayang hinahalikan ko na rin siya pabalik.
Oh god, Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin kung mawala man si George sa buhay ko. Sana hindi iyon mangyari..
Pareho kaming natigilan nang may tumunog. Hinihingal na lumayo ng kaonti si George saakin para bigyan ako ng space. Huminga ako ng malalim at napahawak sa aking bulsa para kuhain ang aking phone.
"Who's calling?" Nakakunot ang noo ni George habang tinitignan ang aking phone.
"Bakit tumatawag si Matt sayo nang ganitong oras?"
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE