Alam ko nagiinit na ang mukha ko habang napapadiin ang hawak ko sa kandungan ko. Para ring hinahabol ng aso ang aking puso sa sobrang bilis nitong tumibok. I'm speechless and blushing at the same time, because of him and his damn words. Kailan pa ba ako masasanay sakaniya? Siguro, hindi ako masasanay kasi si George Santayana iyan. Mahilig mangsurpresa ng mga tao.Muling namayani ang katahimikan sa sasakyang ito. Panaka-naka kong sinisilip si George. Mababakas parin ang inis sa mukha nito dahil nakakunot ang kaniyang noo at salubong pa ang kaniyang dalawang kilay. Oh my god, he is so cute in that expression! Siguro, kahit galit o naiinis siya, gwapo parin siya sa paningin ko.
Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa panunuod ng mga sasakyan na nasasalubong namin. Gusto ko sanang buksan ang radyo dahil nakakabingi na ang katahimikan pero natatakot ako kasi baka masabihan ako na 'pakialamera' ni George. I don't like that to happen.
Nagulat lamang ako ng bigla siyang magsalita.
"Eat your food, sweetheart." Maikling saad niya. Napatingin ako sa expression ng mukha niya. Unti-unting nawawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at pagkasalubong nang kaniyang kilay. Hanggang sa naging poker face ito.
Tumango ako sa sinabi niya at agad liningon ang back seat para tignan kung ano ang mayroon doon. Dalawang paper bag ang naroroon. Ang isa ay paper bag ng Mcdo samantalang ang isa naman ay paper bag ng mini mart kung saan kami nakapark kanina.
Kinuha ko ang parehas na paper bag. Inilagay ko sa kandungan ko ang paper bag ng Mcdo dahil alam kung ito ang kakainin ko. Samantalang binuksan ko naman ang isang paper bag para tignan kung ano ang laman nito. It's just a three gatorade na I assume ay kay George dahil hindi naman ako umiinom ng ganun.
"Sweetheart, It's already 8:30. Kainin mo na ang pagkain mo." Agad ko siyang tinignan habang ibinabalik sa likod ang paper bag na may laman na tatlong gatorade.
"Ikaw? P-Paano ka? Kumain ka na ba?" I tried so hard na huwag mautal pero di ko magawa.
I saw how he's smile turn to a smirk. What a god like.
"Don't mind me. I'm not hungry." Aniya.
Napabuntong-hininga ako at sinimulan ng buksan ang paper bag. Mabuti at katamtaman lang ang pagpapatakbo ni George kaya maayos ako nakakakain. Inilapag ko sa cup holder ang hot chocolate at sinimulan ng lagyan ng syrup ang pancakes.
Humiwa ako at agad kumain. Pagkatapos ay sinilip ko si George na seryosong nagmamaneho. Hindi ako naniniwalang di siya gutom. Muli akong humiwa ng isang parte at agad itong iniangat sa ere.
"Ah." Sabi ko habang inaambang isubo sakaniya ang pancake. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Nilingon niya ako saglit bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Effy, I told you-"
"George, I told you, Say 'ah'." Utos ko at muling inamba ang tinidor sakaniya. Narinig ko pa siyang nagmura ng ilang beses bago ngumanga.
Sinubo ko kaagad ang pancakes sakaniya. Nagtaka ako nang ngumisi siya habang nginunguya ang pancakes.
"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"
Tinignan niya ako saglit bago tumawa ng malakas. Anong problema ng lalaking ito?
"Bahala ka diyan." Bulong ko habang hinihiwa ang pancake. Salit-salitan kami ng pagsubo. Dahil sa hindi niya pwedeng gamitin ang dalawa niyang kamay dahil nagmamaneho siya, Ako ang nagsusubo sakaniya.
Alam niyo iyong kinikilig? Ako iyon.
Para kaming mag-asawa na nasa isang roadtrip dahil honeymoon namin. At sinusubuan ko siya dahil, iyon nga nagmamaneho siya. Tapos....Indirect kissing ito! Dahil parehas kami ng kutsara na ginagamit. Sobrang suwerte ko talaga! Dito ko nadadama ang sinasabi ni Trisha na masuwerte daw ako.
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE