Fifth

672 15 6
                                    


"Nasan na ba sila? Itext mo nga si Matthew!" Napairap ako nang sumigaw ng malakas si Trisha sa tainga ko. Hindi ko na lamang siya sinuway at ginawa na lamang ang inuutos niya.

Nandito kami ngayon sa gitna nang clubhouse. Pagpasok pa lamang namin, sinalubong na agad kami nang usok ng sigarilyo at ingay na nagmumula sa banda na tumutugtog ngayon.

Ako:

Matthew, nandito na kami. Where are you guys?

Nang matapos kong isend iyon, nilingon ko si Trisha sa gilid ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko siyang mariin na nakatingin, banda sa gitna kung saan nagsasayaw ang mga tao. Dahil sa curiousity sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita ang isang lalaki na malaswang sinasayawan ang babae na mukhang tuwang-tuwa pa sa ginagawa nang lalaki sakaniya. My ghad, Ang mga babae nga naman ngayon.

"Huy, kilala mo ba sila?" Kunot noong tanong ko rito.

Agad na lumingon ito saakin na para bang nahuli siyang may ginagawang masama. "Hindi no'! Duh, ang laswa lang kasi nang dalawa, nakakainis lang." Umirap pa siya bago tuluyang harapin ako. "So, nasaan na daw sila?" Dahil sa sinabi niya naalala kong nagtext pala ako kay Matt, baka may reply na iyon. Agad kong kinuha ang phone ko sa purse at nakitang may nagmessage na unregistered number.

"Ano na?" Ani Trisha. Hindi ko na lamang siya pinansin at tinignan ang message.

Unregistered Number:

Second floor, Third door, VIP.  -G.S

Ilang minuto bago magsink-in saakin na si George Santayana ang nagtext!

"Oh my god!" Napasigaw ako sabay yakap kay Trisha.

"What? What happen?" May himig nang pagkataranta sa boses nito. Tinignan ko siya at ipinakita sakaniya ang phone ko. Ilang segundo lamang ay sinasabayan niya na ako sa pagsigaw at talon. God, para na kaming mga baliw rito pero, who cares?

"Shit! Halika na, baka hinihintay na tayo roon! Gosh, ang suwerte mo talaga, nahalikan mo na siya, may selfie picture pa kayo, tapos ngayon may cellphone number ka pa niya! Ikaw na!" Tuwang-tuwa ako sa mga papuri ngayon ni Trisha saakin. Feeling ko tuloy parang sobrang suwerte ko talaga.

Pagkatok ko sa pinto na tinutukoy ni George, ang bumungad saakin ay si Rush na mukhang lasing na at mayroon pa itong hawak na alak sa kamay nito.

"Hey, it's you again. E-Effy right?" Ngiting tanong niya saakin. Nagulat ako nang lumapit siya saakin pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "God you smell so good--"

"Rush!" Halos mapatalon ako nang marinig kong sumigaw si Matthew.

"E-Effy, halika nga." Kinuha ako ni Trisha at inilayo kay Rush. What the hell? Napatingin ako sa paligid. Nakita ko si Rush at Matthew na naguusap sa gilid, kitang-kita na galit ang mukha ni Matt habang kinakausap si Rush. Gosh, ako ba ang rason kung bakit galit si Matthew? Kailangan ko siyang kausapin kung sakali.

Nakita ko naman si Zeus na patuloy lang sa paginom nang alak niya. Nakita niyang nakatingin ako sakaniya kaya nginitian niya ako, ngumiti rin ako pabalik sakaniya. Hinanap naman ng mga mata ko si George. Nang mahanap ko siya, nakita kong nasa dulo lamang siya ng upuan at kaharap ang kaniyang phone. Nakakunot pa ang noo nito habang pinipindot nito ang phone. Sino kaya ang katext niya?

"Effy, bakit ginawa ni Rush iyon? May namamagitan ba sainyo?" Nilingon ko si Trisha na ngayon ay takang-taka sa mga nangyari kanina. Maski rin naman ako no'!

"Wala ano! Lasing lang yun." Naiinis ako sa ginawa ni Rush kanina. Pero, alam ko namang lasing siya kaya niya iyon nagawa kaya palalampasin ko iyon.

"Ah. Nakakatakot pala magalit si Matthew." Ani Trisha.

"Oo nga e." Mahinang saad ko. Muli kong nilingon si George. Nagulat ako nang makita ko siyang mariin na nakatingin saakin. Kakausapin ko sana siya pero mabilis niya akong inirapan at muling itinuon ang pansin sakaniyang phone.

What the f uck?

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon