Eighteenth

689 19 3
                                        

Halos mahulog ako sa kama ng biglang magring ang phone ko. What the hell?! Sinong tao ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Idinilat ko ang isang mata ko at kinuha ang phone sa gilid ko.

It's 1:00 AM for god's sake! Isinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

"What?!" Sigaw ko sa tumawag. Damn! Hindi pa nga ako nakakapagpahinga ng isang oras eh!

"Don't shout at me, sweetheart." Nandilat ang dalawang mata ko at dagling napatayo sa pagkakahiga ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"G-George?"

"Yeah?"

Napatutop ako sa aking bibig. Oh my gosh! Oo nga pala, tatawagan niya ako pagkatapos ng sampung minuto. Bakit ko ba iyon nakalimutan?

"Sorry! Napasarap yata ang tulog ko kaya nakalimutan ko na tatawagan mo pala ako." Narinig ko siyang ngumisi na nagpamula saakin. Naiimagine ko tuloy na nakangisi siya habang kinakausap ako. Shiz, so hot!

"Effy, come with me in Iligan." Sabi nito na naging dahilan nang tuluyan kong pagkahulog sa kama.

Oh my gosh! Did I heard it right? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon! Napahawak ako sa aking puso at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. And this is George Santayana's fault! Magkakaheart attack yata ako ng wala sa oras nito e!

"Are you still there?" Nataranta ako sa tanong niya.

"O-Oo George. S-Sige. Anong oras ba tayo bukas?" Napakagat pa ako sa aking labi habang hinihintay ang sagot niya. Gosh, Hindi na ako makapaghintay bukas! Kaming dalawa lang sa kotse niya? Dream ko iyon eh!

"No, Effy...hindi bukas kundi ngayon. Ngayon tayo pupunta sa Iligan. Sumilip ka sa bintana mo."

"What?!" Nabulalas ko sa gulat. Dagli akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig at sumilip sa bintana. Don't tell me he's there?

And guess what? He's freaking there! Infront of our house.

Kitang-kita ko siyang naka-ngisi habang tinitignan ako. "So, Miss Montaya. Gusto mo bang sumama sa akin?"

Hindi ko mapigilang ngumiti abot hanggang tainga. "Yes, Mister Santayana. I want to come with you." I heard him chuckled.

"Okay, Bibigyan kita ng limang minuto magayos at kumuha ng gamit. And your time starts now." Pagkatapos niyang sabihin iyon, pinatay na niya ang tawag samantalang ako naman ay aligagang nagayos ng aking sarili. My god, Si George Santayana lang ang makakagawa sa akin nito.

Madali akong pumunta sa c.r para maghilamos. Itinuyo ko ang aking mukha gamit ang tuwalya pagkatapos ay kinuha ang make up kit ko. I put some foundation, light blush and then a light pink lipstick. Pagkatapos ay itinali ko ang buhok ko ng messy bun. Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko, dagli akong pumunta sa closet ko at kumuha ng backpack.

Nagdala ako ng dalawang shirt at isang black jeans. Nagdala rin ako ng dalawang extra underwear kung sakaling magswimming kami. Nang maayos ko na ang mga dadalhin ko, naghanap naman ako ng susuotin ko.

"Ano bang maganda?" Bulong ko sa sarili ko. Napasigaw ako ng magvibrate ang pwet ko. Gosh, Langyang phone iyan! Tinignan ko kung sino ang nagtext at ng makita kong galing kay George iyon, agad kong binuksan iyon.

George:

1 minute left. If your still not here, I will enter your house. Hurry.

"No! Malilintikan ako kay mommy kapag pumasok siya rito!" Ani ko. Kumuha na lamang ako ng damit sa closet at agad pumasok sa c.r. Sana naman matino ang nakuha kung damit. Kasi naman eh! Bakit naging biglaan ang pagimbita niya sa akin? Pwede namang bukas na lang. Hay nako!

Pero, dream come true ito! Hindi ko kayang palagpasin ito. It's now or never.

"Gosh, crop top at shorts short pa talaga ang nakuha ko?!" Inis na saad ko. Muli akong bumalik sa closet para muling maghanap ng damit ng magvibrate muli ang phone ko.

George:

Ten seconds, Effy. Ayaw kong pinaghihintay ako, kaya lumabas ka na.

Napakamot ako sa aking buhok at hindi na kumuha ng bagong damit. Bahala na nga! Dali-dali kong kinuha ang bag ko at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Please, don't wake up my mother.

Pikit matang lumabas ako ng bahay at nang naging success ang paglabas ko, napatalon ako sa tuwa.

"Ang tagal mo. Nilamok na ako dito." Tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang boses niya. I miss him so much.

"Let's go--" Natigil siya ng magsalita ako.

"I miss you."

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon