Sabay kaming natawa ni Trisha nang muli naming ibinalik tanaw ang mga nangyari noong unang pagkikita namin ni George.
"Hindi ko parin talaga mapigilang matawa kapag naaalala ko iyong ekpresyon mo nang makita mo sila George!" Tatawang-tawa na saad nito saakin sabay palo pa sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero di kalaunan ay tumawa na rin ako kasabay niya.
"Hay, ang suwerte mo talaga! Unang dating mo palang rito sa CDO nun, nakakuha ka kaagad nang kiss galing kay George. MTB talaga!" Ani Trisha sabay kamot sa ulo nito.
"Siguro nagandahan siya saakin kaya niya nagawa iyon."
"Tumigil ka nga! Ang pangit pangit mo kaya," Nakabusangot na saad nito.
"Tss. Inggit ka lang sa akin!"
"Heh! Hindi ka na nga niya nakilala noong pinuntahan mo siya sa gig nila! Kung nagandahan siya sayo, edi dapat hindi ka niya makakalimutan pero anong nangyari?" Malademonyong tumawa ito sa harapan ko kaya hindi ko napigilang batukan siya.
Noon, nang malaman kong nasa banda pala si George. Agad ko siyang pinuntahan sa gig nila, pero nang kausapin ko siya tungkol sa nangyari noong gabing iyon, ito lamang ang sinabi niya: "Miss, hindi kita kilala. At wala akong natatandaang hinalikan ko ang isang katulad mo, pwede ba tigil-tigilan mo na ang paggawa ng mga istorya sa ating dalawa." Iritable pa ito nang makita ako pagkatapos ay umalis na agad. Nakakainis lang no'! Siya na nga itong nagnakaw nang halik saakin, siya pa itong galit at nagsasabing gumagawa lang daw ako ng kwento! Sarap niyang ipakain sa aso and at the same time, papakin dahil sa sobrang yummy!
"Hay nako! Tama na ito! Uuwi na ako at baka hanapin na ako ni mama!" Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko bago lumabas nang room.
"Saglit lang Effy!" Rinig kong saad pa nito pero hindi ko na siya binigyang pansin.
"Effy, Sabing saglit lang eh!" Napairap na lamang ako sa kawalan at masama siyang tinignan. "Ano bang kailangan mo?"
"Hindi ba sabi mo mayroong gig mamaya ang TALKHOUSE sa Swim Deep? Makakapunta na ako ngayon dahil tapos ko na rin naman report ko para bukas, ano punta tayo?" Taas-baba ang kilay na saad nito.
"Sige ba. Itetext na lang kita kung anong oras mo ako susunduin sa bahay, okay?"
"Anobayan, driver mo nanaman ako." Reklamo nito saakin. Sabay na kaming naglalakad patungo sa labasan nang University.
"Okay lang iyan, pareho naman tayong maganda! By the way, gagamitin ko ang bago kong pinagawang t-shirt ng TALKHOUSE! Nae-excite tuloy ako, mamaya!"
"Ang daya mo, bakit hindi mo sinabi saakin na nagpagawa ka? Edi sana, mayroon din akong isusuot na pagawang t-shirt nang TALKHOUSE para mamaya!" Muli nanaman itong bumusangot sa harapan ko. Kinurot ko ang magkabilang pisngi nito.
"Next week, magpapagawa muli ako." Kinindatan ko siya pagkatapos nun.
"Oo na." Parehas kaming napatingin sa jeep na nasa harapan namin ngayon, papuntang kaliwa ito kung saan ang daan papauwi saamin.
"Oh nariyan na pala ang sasakyan ko. Mauna na ako! Text text na lang para sa details mamaya, alright?" Ani ko. Tumango lamang si Trisha at kumaway saakin.
____
"Oh my god, Ang cute naman nang pinagawa mong t-shirt! Gusto ko rin niyan!" Ani Trisha nang makita niya ang pinagawa kong t-shirt. Ang T-shirt na ito ay kulay itim, naka-printa ang malaking pangalan na TALKHOUSE sa harapan at sa likod naman ay apelyido ni George. I'm his, kaya dapat lang apelyido niya ang nakasulat sa t-shirt ko.
"Thank you but you can't have a shirt like this too. Pwedeng ibang design pero hindi ganito na gayang-gaya saakin dahil para saakin lang itong shirt na ganito." Masayang saad ko rito.
"Ganiyan ka naman eh. Atsaka, bakit ka naman nakasuot ng short? at sobrang iksi pa, isang tuwad mo lang makikita ko na ang pwet mo! Magpalit ka nga!" Napatingin ako sa bagong bili kong short shorts. Ang ganda-ganda nito pero bakit ayaw niya? Wala talagang ka-fashion fashion sense itong babaeng ito.
Inirapan ko lamang ito at dumiretso na lamang sa sasakyan niya. Sumakay ako sa passenger seat at binuklat agad ang salamin sa harapan para tignan ang make-up ko kung nag-smudge na ba.
"Ang kulit mo talaga kahit kailan, Effy. Bahala ka diyan, kapag may nagbastos sayo. Kasalanan mo iyan." Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya papuntang Swim Deep. Excited na akong makita si George.
Hindi ko talaga inakalang mamahalin ko ang isang George Santayana. Minsan kapag nagbabalik tanaw ako sa nakaraan, iniisip kong, paano ko nagustuhan ang isang arogante at masungit na lalaking gaya ni George. Pero hindi mo nga naman talaga maaasahan ang mga mangyayari sa hinaharap. Gaya na lang nang nangyari saakin, Ayaw na ayaw ko dati kay George, pero ngayon, ayaw na ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko. Mahal na mahal ko siya.
Napabalikwas ako nang magvibrate ang phone ko sa purse. Madali ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext, It's Matt.
"Sino iyan?" Hindi inaalis ang tingin sa kalsada na tanong nito saakin.
"Nah, it's just Matthew asking where are we. Nasaan na nga ba tayo? Malapit na ba tayo sa Swim Deep?" Tanong ko rito.
Tumingin ito saglit sa GPS niya. "Malapit na tayo, isang liko na lang sabihin mo." Ani nito. Tinype ko ang mga sinabi niya bago si-nend kay Matthew. Muli kong tinignan ang mukha ko sa salamin at nagpasalamat na hindi natanggal ang make up ko.
"We are here." Pinark nito ang kotse nito sa parking lot bago lumabas nang sasakyan.
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE