Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa elevator kami. This is so akward. Kung saan saan na ako tumitingin, huwag lang mapatingin sakaniya. I know, galit siya saakin. Masama bang bumati pabalik sa isang bell boy? Ang sama talaga ng ugali nitong lalaking ito.Muling pumasok sa isip ko iyong mukha ng babae na ang pangalan ay Cassandra. Sobrang priceless! Kung hindi lang ako hinila ni George, baka nasupalpal ko na ang babaeng iyon. Kapag nakita ko uli siya, aasarin ko talaga siya. Ipapamukha ko sakaniya na may iba nang nagmamay-ari kay George Santayana.
At ako yun.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Naunang naglakad si George habang ako naman ay minamasdan ang paligid. Ang tahimik naman rito. Soundproof yata ang bawat kwarto?
Tumigil kami sa dulong kwarto na may numerong 305. Pinagmasdan ko si George na kinukuha ang susi sa kaniyang back pocket at madaling binuksan ang kwarto.
Pagkabukas ng pinto, agad kong napansin ang black na curtains, brown na carpet, at pinaghalong puti at itim na mga kagamitan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob habang si George naman ay pumasok sa isang pinto na I assumed ay ang kwarto niya.
Ibinaba ko ang bagpack sa itim na sofa at hinubad rin ang leather jacket. Hinubad ko pati ang sapatos ko para hindi madumihan ang carpet. Ang sarap naman nito sa paa. Nakakarelax!
Nilibot ko ang buong sulok ng room na ito. Nakita ko rin ang kusina kaya agad akong pumunta roon. Binuksan ko ang ref. Punong-puno ito ng mga pagkain. Sa tingin ko, nandito na lahat ng kailangan ko kung sakaling magluto man ako. Isinarado ko na ito at napagdesisyunang bumalik sa sala.
Masarap magluto kung lahat ng kakailanganin mo ay naroroon na. Hindi ko nagagamit ang skill ko sa pagluluto dahil kulang kulang kami ng kagamitan at ingredients ni mama. Minsan, bibili na lang kami sa malapit na karinderya o kaya kakain na lamang sa fast food. Pero dito sa suite ni George, baka magamit ko narin sa wakas ang skills ko.
Gusto kong puntahan si George para itanong kung saan ang magiging kwarto ko. May nakita pa akong isang pinto na sa tingin ko ay ang magiging kwarto ko pero ayaw ko itong buksan baka pagalitan niya ako pero...excited na akong humiga sa isang malambot na kama!
Nagdebate pa ako sa sarili ko bago nagdesisyon na pasukin na ang kwartong iyon kaya kinuha ko ang bagpack ko pati na ang leather jacket at linapitan na ito.
Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko sa tumambad saakin."Seriously? CR?" Tanong ko sa sarili ko. Akala ko ito na ang kwarto ko pero CR pala ito. Oh edi, saan ako matutulog? Sobrang epic naman! Sana di na lang ako nag-assume.
"Anong tinitignan mo diyan?" Napatalon ako sa gulat at napatingin sa likod.
"George..."
Tinignan niya ang loob ng CR bago ako. "Anong ginagawa mo diyan?" Aniya.
Napakagat ako ng aking labi habang dahan-dahang lumabas ng CR. "Akala ko kasi...ito na ang kwarto ko. Hindi pala. Saan pala ako matutulog?" Tanong ko.
"What? Syempre, doon!" Saad niya sabay turo sa kwartong pinasukan niya kanina lamang. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Wait a minute. Ibig sabihin, parehas tayo ng kwarto?"
Salubong ang kaniyang dalawang kilay habang tinitignan ako. "Oo. Bakit, ayaw mo?" Taas kilay na tanong niya. Kita ko pa ang patago niyang ngisi kaya namula nanaman ako.
"H-Hindi naman sa ganoon. S-Sige, pasok na ako." Nahihiyang sabi ko sabay lagpas sakaniya para makapasok na sa kwarto.
All my dreams are coming true! Pati na ang pagsama namin sa iisang kwarto ay natupad na rin. Mayroong isang king size bed rito na tutulugan namin mamaya. Tuloy, parang gusto ko kaagad gumabi na para makatabi ko na siya sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
RomanceEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE