Eleventh

610 20 4
                                    

"Itigil mo ang sasakyan diyan sa tapat ng white na gate." Saad ko kay Zeus, ang driver namin papunta sa bahay ko.

"Okay," Mabagal na sabi ni Zeus habang itinatabi ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Nilingon ko sa likod si George, kausap lamang nito si Rush. Hindi ko na sila tinuonan ng pansin at muling ibinaling ang tingin sa labas. Itinigil na ni Zeus ang makina ng sasakyan pagkatapos ay lumabas na ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan pagkatapos ay inilalayan niya ako pababa ng sasakyan. Sumunod si Matt, Rush at George.

Nauna na akong pumasok ng bahay para makita si mama.

"Ma!"

"Nandito ako sa kusina!" Narinig kong sigaw ni mama galing sa kusina. Agad akong tumakbo para magmano kay mama.

"Nasaan sila?" Tanong ni mama habang hindi tinatanggal ang tingin sa nilulutong pagkain.

"Nasa sala, Ma." Sagot ko. Napatingin ako sa kaniyang ginagawa. Biglang kumislap ang aking mga mata ng makita kong gumagawa siya ng pancakes. Ow my gad! "My favorite!" Segunda ko pa sabay palakpak ng kamay sa tuwa.

"By the way ma, sa tingin mo ayos pa mga instruments ni papa?"

"Oo naman. Chinecheck ko yun lagi simula nung tumira tayo rito. May onti ng kalawang yung iba, pero maganda padin naman ang tunog." Tumango ako sa sinabi niya.

"Ay, oo nga pala. Nandiyan ba si George?" Tanong ni mama saakin.

"Yes, Ma." Mahina kong saad.

"Great! I want to see him." May bakas na excitement sa boses nito.

"Okay, ma. Diretso na kami ng music room ha?" Paalala ko sakaniya.

"Ok, Dadalhin ko na lamang itong pagkain na ito roon. Anak, pakisabing alagaan ang mga instrumento roon ha? Alam mo na.." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni mama. She really loves my dad. Kahit iniwan na kami ni papa, inaalagaan niya parin ang mga gamit ni papa na natira saamin.

"Ma, subukan mong kalimutan si papa. Kasi sigurado akong may pamilya na iyon, ngayon. Ayaw ko na pong makita kang nasasaktan, ma." Malungkot kong sabi kay mama. Itinigil niya ang paggawa ng pancakes pagkatapos ay hinarap ako.

"Anak, huwag mo ng alahanin si mama. Alahanin mo na lamang ang pag-aaral mo. Diba, ihahaon mo pa ang pamilya natin sa hirap?" Tumango ako sa sinabi ni mama. "Yes, ma. I will." Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Oh siya, bumalik ka na sa sala at baka naiinip na ang mga iyon sa kakahintay sayo. Idadala ko na lamang ang mga ito sa taas at sabihin mo humanda silang lahat dahil kikilalanin ko sila isa-isa. Lalo na si George mo." Ani Mama. Naramdaman kong uminit ang dalawang pisngi ko sa sinabi ni mama. George mo.... Parang akin talaga si George.

"Hay ma! Pinapakilig mo naman ako! Sige po, aalis na ako." Muli ko siyang hinalikan sa pisngi bago umalis ng kusina. Nakita ko ang apat na naggwa-gwapuhang mga lalaki na nanunuod ng One more Chance sa t.v.

"She had me at my worst, You had me at my best."

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod ang movie. One more Chance is one my favorite movie! Nakakatuwa dahil muli itong ipinalabas sa t.v. At pinapanuod pa ito ngayon ng paborito kong banda.

"Tangina! Ang sarap murahin ng love story nila!" Ani Rush sabay pahid sa pisngi nito. Oh my god, Don't tell me....he's crying?!

"Gago, iyan ang nagpapatunay na wala talagang forever!" -Ani Matt sabay tapik sa balikat ni Rush na patuloy paring nagpapahid ng kaniyang pisngi.

"Patayin niyo na nga iyan!" Nilingon ko ang nagsalita, It's George. Nasa gilid siya ng sofa kaya siya ang kitang-kita ko. There are tears falling in his eyes. Aw, George is crying in front of me! Madali kong kinuha ang iphone ko at dagling itinapat ito sa mukha ni George ng hindi niya nahahalata. When I'm done taking a picture of him, crying, saka palamang ako lumabas ng tuluyan para magpakita sakanila.

"Guys!" Ani ko sakanila. Muntikan na akong matawa sa harapan nila ng kitang-kita ko na mabilis nilang ipinahid ang mga luhang nasa mga mata nila. Ang kulit!

"E-Effy! Why took you so long? Sa sobrang boring naman rito, nanuod na lang kami ng movie. Hindi pala namin alam boring rin ang movie na pinapalabas." Sinubukan pang umirap ni Matt habang palapit siya saakin. Natutuwa ako sa mata niya. Halatang kagagaling lamang nito sa pag-iyak. Pero hindi ko na sasabihin iyon sakaniya, dahil baka magalit pa siya.

"Oh talaga? Kawawa naman kayo. Osige, pumunta na tayo sa music room para hindi na kayo ma-bored." Ngiting saad ko sakanila.

"Mabuti pa nga," Ani Zeus sabay nauna ng tumayo para umakyat ng hagdan. Itinuro ko kung saan ang music room at sinunod naman iyon ni Zeus hanggang sa nakarating na siya ng music room.

"Wow. Ang cool naman ng music room niyo." Manghang saad ni Rush habang inililibot nito ang tingin sa paligid.

"Hindi ko alam na marunong ka rin palang magpatug-tog ng instrumento, Effy." Ani Zeus habang hinahawakan ang mga gitara sa gilid.

"Nah, Hindi ako marunong no'. Ni paghawak nga ng drums, hindi ako marunong." Irap ko pa.

Kita ang gulat sa mukha ng tatlo maliban kay George na ngayon ay ine-examine ang drums sa dulo. "What? So, your mom--"

"Nope." Putol ko sa balak na sabihin ni Matt. "Then why did your family build a music room kung wala naman pala sainyo ang marunong magpatug-tog ng instrumento?" Takang tanong ni Matt.

"It's because of my dad. My dad loves to play instruments." Saad ko.

Nilingon ko si George at nanlaki naman ang mga mata ko ng madatnan ko siyang nakatitig na saakin ngayon at hindi na sa drums. Hindi ko inialis ang tingin ko sakaniya at patuloy lamang kami sa pagtititigan.

"Effy, are you okay?" Nabalik ako sa huwisyo at nilingon si Matt na ngayon ay hinahawakan ang mukha ko na para bang ine-examine nito kung may sugat ba ako o wala.

"I'm okay, Matthew." Nginitian ko siya para malaman niyang okay lang talaga ako. Nang makita ko ang relief sa mukha nito, agad kong ibinalik ang tingin ko kay George pero nalungkot ako ng makita kong nasa cell phone na nito ang atensyon niya.

"Okay guys, we need to start now!" Pumalakpak na si Matt pagkatapos ay lumapit sa mic stand.

"Kunin niyo na ang mga instrumento niyo." Sabi nito kanila Zeus at Rush. Si George naman ay nakahanda na.

"Paki-ingatan ang mga instrumento, Guys." Paalala ko sakanila at tumango lamang ang mga ito.

"Upo ka diyan sa tapat ko, Ef." Matt exclaimed. Kumuha ako ng upuan sa tabi at ipinwesto ito sa tapat ni Matt. Pagkatapos ay umupo na ako. Hinahanda naman nila ang mga instrumento nila. I just stared at George. Hindi ko pinansin sila Matt na nakatayo sa harapan. Nakatuon lamang ang pansin ko sa lalaking nasa likod ng stage at pinaglalaruan ang kaniyang drum sticks. Yes, i'm not participating at others, only him, Only to the drummer.

"Ef, we will sing Heart Out." Hindi ako umimik sa sinabi ni Matt. I just stared at George when he started to play the drums.

George Santayana is Cool af

She's into Drummers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon