Hindi matigil sa pagkabog ang puso ko nang papalapit na kami sa bahay ng mga Santayana. Ano kaya itsura ng magulang niya? Siguro hawig niya ang mama niya! Magugustuhan kaya nila ako? Alam kong mahirap lang kami pero sana magustuhan nila ako para kay George.
Bumalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang dahan-dahang paghaplos ni George sa aking kamay.
"Ang lamig ng kamay mo." Untag nito.
"Kinakabahan ako." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Don't be. I'm here beside you." Lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako at pansamantalang napalitan ng kilig ang nararamdaman ko.
"Ehem. Anak, George." Nilingon ko si mama at binigyan niya ako ng makahulugang tingin.
"I'm sorry tita." Saad ni George sa kakaibang accent.
"It's okay to do it but please not in front of me. Kakaiba sa feeling kapag nakikita ko ang anak kong hinahalikan ng iba."
"Ma!" Saway ko kay mama. Narinig ko ang pagtawa ni George.
"Alright tita. I'll make sure that you're not around if I feel like kissing her." Agad umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko napigilang paluin siya sa braso.
"We're here." Ani George pagkatapos ay nauna ng bumaba. Inuna niya ang pagbukas sa backseat at inalalayang bumaba si mama, sumunod naman ako.
Nanatili ang kamay niya sa baywang ko. Nginitian niya ako pagkatapos ay nagsimula na kaming pumasok ng bahay nila. Muling umusbong ang kaba sa aking dibdib kaya napadiin ang pagyakap ko sakaniya.
"Shh...don't be nervous. She will like you." Napapikit ako at tumango sakaniya.
"Anlaki at ang ganda ng bahay niyo George."
"Thank you po, tita." Nagpatuloy ang paguusap nila tungkol sa bahay pero naputol ito nang may tumawag sa pangalan ni George.
"Mom!" May himig na tuwa sa boses ni George pagkatapos ay umalis saglit sa tabi ko para halikan sa pisngi ang nanay niya.
Si George na maraming tattoo, magulo ang buhok, suplado, mahilig manigarilyo at uminom ay isa palang Mama's boy. Nakakatuwa talaga.
Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin kung sakaling mawala siya sa buhay ko. Baka mabaliw ako.
"So you are the girlfriend of my son?" Lumakas ang tibok ng puso ko at nanginginig na inilahad ang aking kamay.
"Y-Yes po. I-I'm Effy Montaya po." Napalunok ako ng makita ang seryosong mukha nito.
"Oh....aryt." Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. Iyon lang?
Madali kong ibinaba ang kamay ko nang hindi niya iyon tinanggap. Oh god, nakakahiya!
"Ma'am, ito po ang mama ko si Eleanor Montaya." Ngiti ko.
"Eleanor? Your name sounds familiar. Oh well, I'm Georgianne."
"Hi Georgianne." Iyon lamang ang sinabi ni mama.
"By the way George, your father is still in the bedroom. Hindi pa ata tapos sa pag-asikaso sakaniyang sarili." Tumango lamang si George.
"Tita, Effy, let's go to the kitchen?"
"Oh yes, let's go! Huwag na nating hintayin ang papa ni George dahil matagal iyon magasikaso." Maikli niyang nginitian si mama pagkatapos ay nauna ng pumasok ng kusina, sumunod naman si mama kaya naiwan kami ni George.
"I think your mother doesn't like me." Malungkot na sabi ko.
"What?"
"I can see it. She really doesn't like me."
"Don't think that, sweetheart. Your hurting yourself. Baka pagod lamang si mama, diba nga kagagaling niya lang sa sakit?" Pumunta siya sa aking likod at pumulupot ang dalawa niyang kamay saakin. Hinaplos ko naman ang kaniyang mga kamay.
"You are probably right." Bahagya kong nilingon ang aking mukha at inabot ang mga labi ni George. Saglit lamang iyon dahil narinig namin ang pagtawag ni mama saamin.
______
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si mama.
"Excuse me, kailangan ko lang mag-bathroom." Nagpunas saglit si mama ng bibig bago tumayo.
"Oh, just turn left and you'll see a blue door." Tumango si mama at agad na pumunta sa tinuro ng nanay ni George.
"So, you and George are in the same school huh."
"Y-Yes po."
Napatiim-baga ako nang makita ang ngisi niya.
"George, can you call your dad? Kanina pa yun sa kwarto." Sabi niya kay George pero nanatili ang mga mata nito sa akin.
"Alright, mom..." Ani niya pagkatapos ay bumaling agad sa akin.
"Sweetheart, wait a minute." Nginitian ko siya at tumango.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang makaalis si George pero agad itong naputol ng magsalita muli ang mama ni George.
"You see. I don't like you for my son." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa pagkain.
I knew it. Pero bakit? Wala naman akong ginawa sakaniya. Umusbong ang lungkot at galit sa aking damdamin. Oh god..
"B-Bakit ni--"
"Ewan ko ba kung bakit nagkagusto sayo ang anak ko. Siguro, may sinabi ka sakaniya kaya napilitan siyang gawin kang nobya niya, ano?"
Nagsalubong ang dalawa kong kilay at napatigil sa pagkain. "Ma'am, hindi po ako ganung tao. Kaya niya ako naging nobya dahil mahal niya ako at mahal ko rin siya." Ani ko.
Ngumisi siya at padabog na ibinaba ang mga kubyertos. "Hindi ko hahayaang magtagal kayo ni George. Gagawin ko ang lahat maghiwalay lamang kayong dalawa...Tandaan mo iyan, Effy."
Magsasalita pa sana ako ng mamataan si mama na papasok ng kusina.
"Sorry, natagalan. Anak, tapos kana ba?"
"Opo, ma. Bakit ho?" Pinunas ko ang aking bibig bago tumayo. Tinignan ko si mama.
"Nakatanggap kasi ako ng tawag kay Aling Leah. Umaapaw raw ang tubig sa bahay, nakalimutan ko pala isarado iyon."
"Hala ma. Paano iyan?" Nataranta ako.
"Kung gusto mo, ako na lang ang aalis at manatili ka rito?"
"Anong nangyayari?"
Napapikit ako ng marinig ang boses ng mama ni George. Nakakairita ang pagiging concerned nito saamin. E, kani-kanina lamang sinabi niya sa akin na ayaw niya sakin. Bakit kailangan pa nitong magsinungaling?
Tumahimik na lamang ako at hinayaan si mama na magsalita. Inilabas ko ang phone ko at nagtext kay George.
Siguro sasama na lamang ako kay mama kaysa manatili rito at makipag-plastikan sa mama ni George.
Ako:
George, aalis na kami ni mama. Bukas ko na lang sasabihin ang rason.
"Ganun ba? Osige, ihahatid ko na kayo sa labas."
Nang makalabas na kami ng gate, nagpaalam na sa isa't-isa si mama at ang mama ni George. Maikli lamang ang pagpaalam ko sa mama ni George.
"Sayang at hindi mo nakilala ang asawa ko." Aniya
"Okay lang iyon, may next time pa. O siya, mauna na kami."
"Wait Effy!" Nabalik ang tingin ko sa loob ng bahay nila at nakita roon si George na nagmamadaling lumapit sa amin.
Kasunod naman nito ang isang lalaking nasa mid-40's na. Pamilyar rin ang tindig nito at hindi ko masabi kung saan ko iyon nakita. Pero nang tuluyang makalapit ang dalawa saamin, doon ko nakita ang mukha ng lalaking kasama ni George.
Bumilis ang tibok ng puso ko at narinig ko rin ang malakas na pagsinghap ni mama sa gilid. Nanlalaki ang aking mga matang tinitignan ang lalaking nasa likod ni George.
"P-Papa?"
BINABASA MO ANG
She's into Drummers
Любовные романыEffy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE
